Twenty Six

209 11 0
                                    

"Lascivious moment, isn't it?"

"The fuck are you saying?"

Nag-aasaran na naman sila. Ganyan ba talaga mag-usap sila Breydon at Bentley?

"Oh, you know what I'm saying." ngumisi si Bentley, "Hey there." he smiled at me.

8 p.m. na ngayon, at kakain na kami ng dinner. Dito ulit sa restaurant.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Hinahanap ko kasi sila Demi at Chad. Nasaan kaya sila? Bakit wala pa sila dito?

"What the fuck? Am I seeing this right? Is that my babe?"

Napatingin ako kay Bentley.

Nakatingin siya doon sa entrance that's why napatingin din ako dito.

'Hala.. sobrang ganda.. sino siya?'

"Babe!" kaagad tumayo si Bentley at sinalubong 'yung babae.

Babe?

"Bentley's girlfriend." bulong sa akin ni Breydon.

Wow. Girlfriend niya 'yan?! Sobrang ganda naman?! Mukha siyang supermodel!

"Damn, why are you in this place? I assumed you would return the next week?"

Sobrang saya ng mukha ni Bentley. Girlfriend niya nga 'yan, kitang-kita ko sa mata niya kung gaano niya kamahal 'yung babae.

"Well, I hurried through it. I missed you so much, babe." hinalikan no'ng babae sa labi si Bentley. Napa-singhap tuloy lahat ng nanonood.

Ako din, nanlaki din ang mga mata ko. Kahit na normal naman 'yon dahil mag-kasintahan sila, grabe pa din 'no, hindi ko ata kayang gawin 'yan sa public.

"Breydon, you're here!"

"Amari." ngumiti si Breydon at niyakap 'yung babae. Nasa harapan na namin sila.

Grabe, she's so pretty talaga. Kulay brown 'yung hair niya tapos hanggang leeg lang. Bagay na bagay sa kanya ang short hair.

"Who's this pretty girl right here?" tumingin sa akin 'yung babae.

Lumapit sa kanya si Breydon at may ibinulong. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Oh, really? She's so gorgeous!" lumapit sa akin 'yung babae, "Hi, I'm Amari Danilova. Bentley's girlfriend." nakipag-beso siya sa akin.

"H-Hello." nahihiya kong bati sa kanya. Super starstruck ako right now, grabe!

"Andrea La delle." pakilala ko sa kanya.

"Andrea." ngumiti siya, "Are you a model, too? You're so tall, and you have a very pretty face."

Hala. Compliment ba 'yon? Siya nga itong mukhang model!

"Hindi ako model, ikaw ata ang model. Napaka-ganda mo." naka-ngiti kong sagot sa kanya.

"Oh, well. I'm really a model." tumingin siya kay Bentley, "Right, babe?"

"Yeah, my supermodel." sagot sa kanya ni Bentley.

"She's really a supermodel, that's her work." bulong sa akin ni Breydon.

Oh, supermodel pala siya. So totoo nga na model siya?

May nakikita akong supermodel? Totoo ba 'to?

"Mukha ka naman talagang model." tumingin ako kay Amari.

"Thanks, darling." she smiled, "You should too, you know? Do you want to be a model? I can recommend you."

Hala?

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon