Sixty Eight

5 0 0
                                    


"So, you're a lawyer?"

"Yes." Bentley answered him while smiling. "How about you?"

Mabuti na lang talaga at madaldal si Bentley. Sobrang tahimik kasi ni Breydon ngayon. Ang nagsasalita lang ngayon ay sila Bentley at Sir Leandro, habang kaming tatlo nila Breydon at Liliana ay abala lang sa pagkain.

"Oh, really? Congratulations."

Thank you talaga, Bentley. Mabuti na lang at maingay ka.

"How about your sister? What does she do in life?"

Napatingin kaagad si Breydon kay Bentley. Ramdam na ramdam kong sinamaan ni Breydon ng tingin ang kapatid niya.

"Lili?" napatingin si Sir Leandro sa kapatid niya, "Do tell them what you do in life." he uttered.

Umayos naman ng upo si Liliana, "I'm a professional ballet dancer. I perform internationally."

Oh my god.

"Talaga?" namamangha kong sagot sa kanya.

"Yes." she smiled, "I recently just performed in Europe, I just came back here."

Wow. She's a professional ballet dancer? Grabe. Kaya naman pala sobrang ganda niya din.

"That's surprising." sagot sa kanya ni Bentley, "Is there a chance that we can see your performance?" he slightly smiled.

"Surely there's a chance." Liliana answered, "Maybe soon?" tumingin siya sa kapatid niya.

"Yeah, probably soon." Sir Leandro agreed to her. "In a year or so."

Pasimpleng napabuntong hininga si Liliana dahil sa sinabi ng kapatid niya.

"A year? Bakit matagal pa?"

Oh, please. Bentley. Napakadaldal mo!

"Bro, you should eat." sinubuan ng pagkain ni Breydon ang kapatid niya.

"Matagal ka na bang ballet dancer, Liliana?" ako naman ang nagtanong sa kanya para maiba ang usapan. Medyo naintindihan ko kasi ang pag-buntong hininga niya kanina.

Clearly, it's about her sickness.

"Yup, since I was a kid." sagot niya sa akin.

So, habang kumakain kami, pinag-uusapan lang namin 'yung tungkol sa pagiging ballet dancer niya.

"Wait, are you guys brothers?" biglang tanong ni Liliana kila Breydon at Bentley.

Tumango naman 'yung dalawa sa kanya.

Biglang natahimik si Liliana. Nakatitig lang siya sa dalawang mag-kapatid.

"I see." mahina niyang saad bago uminom ng tubig.

Nakita kong pasimpleng tumingin si Breydon kay Bentley. Parang nag-uusap sila using their eyes.

God. Sana matapos na ang lunch na 'to. Hindi ko na kinakaya 'yung tension, eh. Damn it.

"Thank you for having us, Sir Breydon."

Sa wakas naman, tapos na ang lunch namin.

"Thank you." ngumiti sa kanya si Breydon.

"Thank you, Leandro, Liliana." ngumiti din si Bentley sa kanila.

"Likewise, Attorney." sagot sa kanya ni Sir Leandro.

Matapos namin mag-paalam sa isa't-isa, dumeretso na kaagad kami sa parking area.

"A professional ballet dancer? Wow."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon