Sixty Six

6 0 0
                                    

"Wala ka bang nakalimutan, anak?"

"Wala po, Ma." tumingin ako sa mga maleta ko. Dalawang maleta at isang malaking bag ang dala ko.

Hay. Ngayon nagsisisi na ako sa desisyon ko na bumyahe mag-isa. Paano ko naman dadalhin ang mga 'to sa Manila?

Gusto din sana ni Papa na ihatid ako, pero hindi ako pumayag dahil alam kong mapapagod siya.

"Uuwi ka ba sa graduation ko, ate?" tanong sa akin ni Allen habang nasa sasakyan kami. Ihahatid na nila ako sa bus terminal ngayon.

"Oo naman." sagot ko sa kanya. Hindi pwedeng hindi ako a-attend ng graduation niya. With highest honor kaya 'tong kapatid ko. Hay, sobrang talino talaga.

"Pinag-isipan ko ang sinabi mo, ate. Sigurado ka ba na kaya mong tustusan ang pag-aaral ko kapag sa De La Salle University ako pumasok?"

Tumango ako sa kanya, "Kaya namin 'yon tustusan, Allen. Hindi ba, Ma? Pa?" tinanong ko sila.

"Oo naman, anak. Para 'yon lang?" pagmamayabang ni Papa sa kanya.

Natawa ako. "Kaya huwag ka ng mag-alala, Allen. Mag-aral ka lang ng mabuti." sagot ko sa kanya.

Nang makarating na kami sa bus terminal, kaagad akong tinulungan ni Papa na ilagay ang mga gamit ko sa luggage compartment ng bus.

"Mag-iingat ka palagi, anak. Tatawag ka sa amin, ha?" niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

"Opo, Ma. Mag-iingat din kayo palagi." niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Pa, huwag na masyadong bumyahe kapag gabi na." lumapit din ako sa kanya at yumakap.

"Opo." sagot niya sa akin that's why natawa ako.

"Mag-aaral ka ng mabuti, Allen. Alagaan mo sila Mama at Papa." niyakap ko din ang kapatid ko na mas matangkad pa sa akin. Grabe. Bakit ngayon ko lang napansin 'yung itsura niya? Gwapo nga naman ang kapatid ko.

"Oo, ate. Mag-iingat ka sa Manila. I-kamusta mo kami kay Kuya Breydon."

Tumango ako sa kanya habang nakangiti.

"Sasakay na po ako, mahal na mahal ko kayo." niyakap ko ulit silang lahat.

Matapos kong mag-paalam sa kanila, sumakay na ako ng bus. Binuksan ko ang bintana at kumaway ako sa kanila nang mag-simula ng umandar ang bus.

Hindi naman ako naiiyak ngayon dahil alam ko naman na araw-araw ko silang tatawagan. Saka hindi naman ito ang first time, nag-trabaho na din naman ako sa Manila noon.

Nang tuluyan ng umalis ang bus, kinuha ko agad ang cellphone ko na nakatago sa bag.

Ayan na nga. Tumatawag na agad ang baby ko. 7 a.m. na kasi ngayon, for sure kakagising niya lang.

Shit. Paano 'to? Hindi niya pwedeng malaman na nasa bus ako ngayon.

Hindi ko sinagot ang tawag niya, instead, tinext ko na lang siya.

Me: Sorry, baby. Hindi ako makakasagot sa call, nasa trabaho na kasi ako. Maaga akong pumasok ngayon.

Argh. I'm sorry baby, I need to lie to you, kailangan kasi kitang i-surpise, eh.

Kaagad siyang nag-reply sa akin.

My handsome baby: You're at work now? It's too early. Can't I call? I want to hear your voice.

Napangiti ako dahil sa reply niya.

God. Mahal na mahal talaga ako ni Breydon. Argh! I'm so lucky.

Me: Hindi pwede, eh. Mamaya na lang tanghali.

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon