Twenty Two

208 11 0
                                    

"Breydon, inaantok na talaga ako."

Please. Ayokong makita ang kapatid mo. Ayokong makita si Bryce. Wala akong mukha na maihaharap sa kanya. Argh!

"Come on, I'll just introduce you to my shittiest brother."

Hindi na kailangan. Nakilala ko na siya, sana masabi ko 'yan sa kanya.

"Ikaw na lang, Breydon. Matutulog na talaga ako." umalis ako sa hawak niya at mabilis na humiga sa kama. Ipinatong ko pa ang comforter sa katawan ko.

"Baby." umupo siya sa kama. "You really don't want to meet him?" hinaplos niya ang buhok ko.

Tumango naman ako sa kanya.

Ayoko. Huwag ngayon. Next time na lang.

"Okay." hinalikan niya ng marahan ang noo ko, "I'll be back, sleep well, baby."

Ngumiti ako dahil sa ginawa niya. Sobrang sweet din naman ng boss ko.

Pag-labas ni Breydon ng kwarto, umayos ako ng higa at pinilit na lang ang sarili ko na maka-tulog.

10 pm.

Nagising ako nang may maramdaman akong lamig sa braso ko. Pag-tingin ko sa cellphone ko, 10 pm na pala. Pero wala pa din si Breydon dito.

'Nasaan naman kaya 'yon? Kausap niya pa din ba si Bryce?'

Bumangon ako at umupo sa kama. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya. I don't want to see Bryce, nahihiya pa din ako sa kanya.

But in the end, I decided na sundan na si Breydon. Hindi naman ako lalapit sa kanila. Sisilip lang ako.

Ang alam ko ay nasa buffet area sila, kaya doon kaagad ako pumunta. Pag-dating ko dito, nakita ko agad ang likod ni Breydon. Naka-upo siya sa upuan, tapos kaharap niya si—

Shit.

Si Bryce.

Parang nag-uusap sila. Tapos may alak pa sa table.

Hay nako, umiinom na pala siya. Kaya pala ang tagal niya bumalik.

Ang plano ko ay sumilip lang, pero bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-tama ang paningin namin ni Bryce.

Fucking shit!

Lagot na!

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya, tapos napa-ngiti din siya.

"Andrea?"

Damn it. Ayan na nga!

Napalingon din si Breydon dahil sa ginawa niya.

"Baby." napa-ngiti kaagad si Breydon nang makita niya akong naka-silip sa pader. Mukha nga akong ulaga dito dahil naka-silip lang talaga ako!

"You woke up?" tumayo kaagad siya at lumapit sa akin.

Shit. Shit! Sana pala hindi na ako bumaba!

"Come here." nang maka-lapit na siya sa akin, he encircled his arm on my waist. "That's my brother." bulong niya sa akin habang nakatingin kay Bryce.

Kitang-kita ko kung paano nangunot ang noo ni Bryce nang makita niya ang braso ni Breydon sa bewang ko.

"Bryce." nang maka-lapit na kami sa kapatid niya, nag-salita kaagad si Breydon.

"Meet my gorgeous girlfriend, Andrea."

Oh, God.

"Girlfriend?" tumaas ang isang kilay ni Bryce, "She seems to be your executive assistant, right?"

Napalunok ako.

Kabado akong tumingin kay Breydon.

"How did you know that?" nagtatakang tanong ni Breydon sa kanya. ""I have never stated that she's my executive assistant."

Kaagad akong tumingin kay Bryce. I was eyeing him and kinakausap ko na din siya gamit ang mga mata ko.

'Please, huwag mong sabihin. Please.'

Napa-ngisi siya, "We dated. Right, Andrea?" he said while looking at me.

Tangina.

"Dated?" napatingin sa akin si Breydon. "What do you mean 'dated'?" seryoso niyang tanong sa akin.

Nakagat ko ang labi ko, "H-Hindi naman 'yon date, lunch lang 'yon, Breydon." hinawakan ko ang braso niya.

"That's not lunch, in my opinion, Andrea. You did give me your number for this date, right? You agreed to go on a date with me when I asked."

Fucking shit talaga.

Bakit ganyan si Bryce? Bakit parang binabaliktad niya ako?!

Ipinapamukha niya kay Breydon na parang nag-date talaga kami!

"You gave him your number?" napa-bitaw na sa akin si Breydon, "Wait, I don't think I'm getting it right." tumingin siya sa amin ni Bryce.

"Have the two of you met before? And I was unaware of it?" tumingin siya sa akin.

Mas lalo akong kinabahan. "O-Oo, no'ng mahimatay ako, dinala ako ng mga kaibigan ko sa hospital. Doon ko nakilala ang kapatid mo." paliwanag ko sa kanya.

"Yeah, and you gave me your number when I asked for it."

Bwiset ka. Manahimik ka diyan.

"Hindi pa kita boyfriend no'n, Breydon." mahina kong bulong sa kanya. Ako na mismo ang kumapit sa braso niya. "Please, huwag ka mag-isip ng iba." pakiusap ko sa kanya.

"Andrea, you never texted me back. I was waiting for you to respond. Well, at this point know the reason why." ngumisi siya habang nakatingin kay Breydon.

Walanghiya. Totoo nga ang sinasabi ni Breydon, shittiest nga si Bryce. Ganito pala ang tunay niyang ugali?

"Isang beses lang tayo kumain sa labas, Bryce. Huwag mo nga ipamukha sa boyfriend ko na parang nag-date tayo." inis kong sagot sa kanya.

"Breydon." tumingin ako sa kanya, "Tara na." hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi siya kumibo, naka-tingin lang siya sa kapatid niya.

Shit. Sobrang seryoso niya.

Never ko siya nakitang ganito ka-seryoso.

"Je sais ce que tu fais, Bryce. Et je ne mords pas à ton putain de piège. Reste loin de mes affaires. Andrea est à moi." seryoso niyang saad habang naka-tingin kay Bryce. Pagka-tapos, hinila niya na ako paalis—

"Je ne sais pas de quoi tu parles, Breydon. And it's 'kuya' for you, not Bryce."

Napatigil sa pagla-lakad si Breydon dahil sa sinabi ni Bryce.

"I'll never consider you as my older brother. That couldn't possibly happen, Bryce."

Shit.

Napatingin ako kay Breydon.

Galit na galit ang itsura niya. Parang ang laki ng galit niya kay Bryce.

"Let's go." tuluyan niya na akong hinila paalis ng lugar.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihila niya ako.

'Breydon.. bakit?'

Bakit galit na galit ka sa pamilya mo?

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon