Sixty Nine

7 1 0
                                    


"Kailan ka pa bumalik dito, ganda?! Bakit hindi namin alam?!"

Natawa ako dahil kay Demi. "No'ng isang linggo lang." sagot ko sa kanya.

Nandito kami sa Dawnlens coffee shop. Inaya ko sila dito dahil break time naman namin.

Argh. I missed them so much! Kailangan ko talaga malaman kung ano'ng nangyari sa mga buhay nila no'ng nasa Baguio ako.

"What happened? You got promoted?" Chad asked me while smiling.

Ang pogi niya, ha? Bakit mukha siyang inspired ngayon? Saka si Demi? Ang ganda niya. Parang may love-life na ang mga best friends ko, ah?

"Parang gano'n na nga." sagot ko sa kanya. "Kamusta naman kayo? Bakit ang blooming niyo, ha? May mga jowa na ba kayo?" nang-aasar na tanong ko sa kanila.

Napa-iwas naman ng tingin si Chad habang si Demi ay napangiti lang.

"Well.." kumapit sa braso ko si Demi, "I have a boyfriend na!" kinikilig niyang saad habang niyuyogyog ang braso ko.

Sinasabi ko na nga ba, eh. "Sino?" I asked while smiling.

"You probably doesn't know him." sagot niya sa akin, "I'll introduce him to you, when ka ba free?"

Kailan ako free? "Baka ngayong weekend." sagot ko sa kanya.

"Alright!" she smiled, "Labas naman tayo! We missed you so much talaga!" niyakap niya ang braso ko.

Ngumiti naman ako, "Sige." I answered. "Ikaw ba, Chad? May girlfriend ka na?" tumingin ako sa kanya.

"Wala pa! Torpe kasi siya!" si Demi ang sumagot sa akin.

"Torpe?" nangunot ang noo ko, "Bakit? May nagugustuhan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

He didn't answer me. Ngumiti lang siya habang napapailing.

"Mayroon, ganda! Galing sa Europe!"

Galing sa Europe? "Talaga? Taga-ibang bansa?"

Foreigner pala ang type ni Chad?

"No, hindi siya taga-ibang bansa. Galing lang siya sa Europe." Demi answered me, "Baka hindi mo din kilala, ballet dancer 'yon and she's super pretty!"

Wait.

Ballet dancer na maganda?

"May kilala akong ballet dancer." tumingin ako kay Chad, "Na galing din sa Europe."

Medyo nanlaki ang mga mata niya, "Do you know her?" he asked surprisingly.

Damn. Pareho ba kami ng iniisip?

"Si Liliana ba ang sinasabi mo?"

"Oh my god!" nag-react kaagad si Demi, "Bakit kilala mo?!"

Shit. Totoo ba?! Si Liliana 'yung babaeng gusto niya?!

"Kapatid siya ng boss ko dati." sagot ko sa kanila, "Paano mo nakilala si Liliana?" gulat kong tanong kay Chad.

"She was my classmate before, 4th year." Chad answered, "I kind of courted her at the time, but she rejected me. And now that she's here again, I am.." napatungo siya.

Oh my god.

Bakit sobrang coincidence?!

"Liligawan mo ulit siya?" tanong ko sa kanya.

"I don't know." he sighed, "She's not even here. She's in Baguio, right?"

"Hindi." sagot ko agad, "Nandito siya sa Manila ngayon, kasama niya ang kapatid niya."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon