Twenty Five

228 12 0
                                    

"Aaaah!"

"OMG! Siya 'yung Bentley 'di ba?!"

"What the heck?! Sobrang pogi niya!"

"He look so hot!"

"Pareho sila ni Breydon! Napaka-pogi!"

What the f—

Ano'ng ginagawa ni Bentley dito?!

"I'm here." tumayo si Breydon habang sinasabi 'yan. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya, pati na din si Bentley na nakatayo sa entrance ng restaurant.

Bakit siya nandito? Inimbita ba siya ni Breydon?

"There you are!" ngumiti kaagad si Bentley nang makita niya ang kapatid.

"Oh my gosh?! It's Bentley!" rinig kong tili ni Demi. "He's so handsome!"

Halos lahat ng empleyado dito ay tumili nang lumapit si Bentley kay Breydon.

"Hey, Andrea." kaagad niya akong binati matapos niyang yakapin ang kapatid niya.

"Hello." naka-ngiti kong sagot sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"He's an intruder." sagot sa akin ni Breydon. Pina-upo niya ang kapatid sa kabilang upuan, sa tabi niya.

"I am not. I'm having a vacation too, okay?" sagot sa kanya ni Bentley bago itaas ang kamay para tawagin ang waiter.

"Umayos ka nga." bulong ko kay Demi dahil para siyang ulaga ngayon, nakatitig kasi siya kay Bentley.

"Where's Amari?" tanong ni Breydon kay Bentley.

Amari? Sino 'yon?

"Runaway, all fucking again." sagot sa kanya ni Bentley.

Ha? Sino naman kaya 'yon? Baka girlfriend niya?

"Paris?"

"Yeah."

Dahil nag-uusap na sila Breydon at Bentley, natahimik naman kaming tatlo dito. Ang lalim kasi ng english nila, grabe, tapos may accent pa. Tapos minsan hahaluan pa ng French words, kaya hindi na namin maintindihan minsan.

"Damn, parang mag-dudugo ang ilong ko sa dalawang 'yon." bulong sa akin ni Demi habang nag-lalakad kami papunta sa main beach. Tapos na kaming kumain, magpapahinga lang kami ng kaunti, tapos mamaya maglalaro na kami.

"Pero sobrang gwapo talaga nila, argh!"

Napa-irap na lang ako dahil sa sinabi niya. Tama naman siya, sobrang gwapo nga ng mag-kapatid na 'yon, pati na din si Bryce—oh, hindi kasali si Bryce. Duh.

"Maglalaro din ba ang CEO?" tanong ni Chad habang naka-tingin kila Breydon at Bentley na naka-upo doon sa kubo. Mga takot mangitim? Pareho pang naka-sun glasses, grabe, mga foreigner talaga.

"Hindi." sagot ko sa kanya. Never sasali 'yang boss ko, mas KJ pa 'yan sa KJ.

"Dali na! Aamin ka lang, eh! Ngayon na ang chance mo, oh!"

"Ayieeeeeee!"

"Andrea! Crush ka daw!"

"Oh, well. Here they are." ngumisi si Demi habang itinuturo sa akin ang ng mga empleyado na abala sa pagtu-tulakan ngayon.

"Crush ng bayan talaga 'tong si bestie." kinindatan ako ni Demi.

Napa-irap naman ako.

May boyfriend na ako. Sana alam nila 'yon.

"He's here." bulong sa akin ni Chad.

Oo nga, nasa harapan ko na 'yung lalaki.

"H-Hi, Andrea."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon