"I also want to acknowledge and appreciate the hard work and commitment of our managers who have led and facilitated the various team building activities. Your guidance, creativity, and leadership have been instrumental in making this event a success."
Nakatingin lang ako kay Breydon habang abala siya sa pagsa-salita sa unahan. Today is the last day of our team building event, that's why nagbibigay ng maikling speech si Breydon ngayon as our CEO.
"Thank you once again for your participation, dedication, and contributions to making this team building experience a memorable one. I'm confident that the bonds we've formed and the lessons we've learned will serve us well as we move forward together."
We clapped our hands ng matapos na siya sa speech niya.
Finally, makaka-kain na din kami. Boodle fight kasi ang breakfast namin ngayon, lahat kami ay kakain sa malaking table na nasa harapan namin ngayon.
Sobrang daming pagkain, argh.
"Bentley, Amari, join us." tinignan niya sila Bentley at Amari na naka-upo lang sa gilid.
"Thanks, CEO." lumapit sa amin si Bentley. "Boodle fight, it's been awhile, huh?" tumabi siya kay Breydon while si Amari naman ay tumabi sa akin.
"I don't know how to do this, are you supposed to eat with your hands?"
Wow, rich kid.
"Oo." sagot ko sa kanya, "Nag-hugas ka na ba ng kamay mo?"
She nodded her head.
"Alright, I know gutom na kayong lahat. So, what are we waiting for? Let's eat."
"Yes!"
"Ayon! Sa wakas!"
"Gutom na gutom na ako!"
Natawa na lang ako dahil sa kanila.
"Ganito, kumuha ka lang ng kanin tapos ulam." ipinakita ko kay Amari kung paano kumain gamit ang mga kamay namin. Hindi talaga siya maalam, eh. Kaya tinuturuan ko siya.
"Oh, like this?" ginaya niya naman ako.
Habang tinuturuan ko siya, napatingin ako kila Breydon at Bentley.
Mabuti naman at maalam silang dalawa kumain gamit ang mga kamay. Kahit na anak-aircon talaga sila, at mukhang foreigner, nakakatuwa na makitang kumakain sila gamit lang ang mga kamay nila.
"Teach your girlfriend, bro."
Napansin ata ni Breydon na nahihirapan si Amari sa pagkain. First time niya ata, eh.
"Come here, babe." hinila ni Bentley si Amari patabi sa kanya.
Habang abala ako sa pagkain, napansin ko na panay ang lagay ni Breydon ng pagkain sa pwesto ko. Matapos niyang i-peel ang shrimp, inilalagay niya ito sa side ko.
Gusto kong ngumiti, shit. Kinikilig ako.
Sobrang sweet naman ng boyfriend ko, nakakainis!
"Argh, I'm so full."
"That's what you call breakfast."
Grabe, busog na busog ako.
Madami ata akong nakain, ang sarap kasi ng mga pagkain, hay.
"How's the food, baby?" inakbayan ako ni Breydon habang naglalakad kami pabalik sa room namin. Mag-aayos na kami dahil mamaya ay aalis na kami.
"Sobrang busog." ngumiti ako sa kanya. Naalala ko 'yung ginawa niya kanina that's why tumingkayad ako para mahalikan ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...