"Anak, tama na ito, sobrang dami na talaga."
Napatingin ako sa shopping cart.
Oh, madami na nga. Masyado ata akong nasiyahan sa pagbili.
"Tara na sa counter, Ma." hinatid na namin ang shopping cart sa counter.
Mama and I are buying a lot of groceries today, it's actually December 23. And yes, bukas na ang Noche Buena. Umuwi talaga ako dito sa Baguio dahil gusto kong kasama ang pamilya ko sa pasko.
My handsome boyfriend is in Mexico, kasama ang pamilya niya. Doon daw sila magce-celebrate ng Christmas, pero sa New Year uuwi na sila dito sa Pilipinas.
Argh. That's why I missed him so much na talaga. I think isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Breydon, hay.
"Kain tayo sa labas, Ma." pag-aya ko sa kanya matapos namin ilagay lahat ng mga grocery bags sa car trunk. Ako ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan, maalam naman ako and I already have my license.
"Sige, anak." sagot niya sa akin.
Ngumiti ako at kumapit sa braso niya.
Pag-dating namin sa isang restaurant, um-order na kaagad ako ng pagkain, dinamihan ko na para 'yung ibang hindi namin mauubos, ita-take-out na lang. Para kila Papa at Allen.
"Ang sarap naman ng mga pagkain dito, anak." reaksyon ni Mama habang kumakain kami.
Masasarap nga, H's Restaurant kasi ito. May branch pala sila dito sa Baguio. Grabe, bilyonaryo na siguro si Zion Lapaz. Imagine mo 'yon, artista na nga siya, tapos businessman pa.
"Anak."
Tumingin ako kay Mama. She called me kasi.
"Kamusta naman kayo ni Breydon?" she asked while smiling.
Nag-react kaagad ang puso ko ng marinig ang pangalan ng boyfriend ko. Hay. I really love him.
"Masaya po kami, Ma." I answered while smiling, "Sobrang saya." dagdag ko pa.
Napangiti siya dahil sa sinabi ko, "Kitang-kita ko nga, anak. Masayang-masaya ka sa piling ni Breydon."
"Opo." I slightly nodded my head, "Ramdam na ramdam ko po kasi na mahal niya ako."
Tumango-tango si Mama, "Hindi ba't nakilala mo na ang pamilya niya? Kamusta naman sila? Ang sabi mo noon ay mababait sila."
Oh, naaalala pa din pala 'yon ni Mama.
"Opo, Ma. Mababait sila." uminom ako ng tubig, "Gusto niyo po bang.."
Shit. Okay lang naman 'di ba? Boyfriend ko si Breydon. Dapat makilala na din nila Mama ang pamilya niya.
"Makilala ang pamilya ng nobyo mo?" siya ang nag-tuloy ng sasabihin ko.
Dahan-dahan akong tumango.
"Pwede naman." sagot niya sa akin, "Gusto din ba nila na makilala kami?"
Oh, God.
"O-Oo naman, Ma." uneasy kong sagot.
Honestly, hindi ko alam ang sagot. Hindi ko pa din nakakausap ng maayos ang President. Si Tita Katherine, ramdam ko naman na tanggap niya ako. Pero ang President...
Hay. Hindi ko alam.
"Gano'n ba? Kaso paano naman mangyayari 'yon? Masyadong malayo ang mga lugar namin sa isa't-isa."
Napa-isip ako dahil sa sinabi ni Mama.
"Iisip po ako ng paraan, Ma." nakangiti kong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...