"Kapatid mo si Breydon?"
Kaagad na nagbago ang expression ng mukha niya.
"How did you know my brother?"
Brother.
Shit.
Kapatid niya talaga si Breydon! Grabe! Lahat sila sobrang pogi! Si Breydon, Bentley saka itong si Bryce.
Hindi nga nagbibiro si Demi, parang prinsipe nga silang tatlo.
"Boss ko siya." sagot ko sa kanya, "Actually, executive assistant niya ako."
Tumaas ang isa niyang kilay, "Executive assistant?" ngumisi siya, "I see." he answered nonchalantly.
Ang seryoso naman nito. Kung si Breydon makulit, si Bentley madaldal, ito naman si Bryce.. seryoso.
Siya ata 'yung panganay sa kanilang tatlo.
"You work at Dawnlens, then?"
Tumango naman ako.
"Nice." umiwas siya ng tingin, "I'm still asking you out on a date, I'll text you."
Shit.
"Nice to meet you, Andrea." ngumiti siya sa akin. Matapos no'n ay umalis na siya sa harapan ko.
Naestatwa na lang talaga ako sa pwesto ko.
Shit, Andrea! Gusto ka niyang i-date?! Tapos si Breydon naman nililigawan ka?!
Oh, God.
Parang ang landi-landi ko naman!
Hindi ko naman ginusto, okay?! Sila naman itong mabibilis!
"Bestie, ang tagal mo naman, akala ko ba gutom ka na?" biglang sumulpot si Demi sa likod ko.
Napatayo naman ako ng ayos, "O-Oo nga. Tara na." sagot ko sa kanya. Matapos kong mag-bayad, dumeretso na kami ni Demi sa parking area.
Habang nasa daan kami, naka-tingin lang ako sa bintana ng sasakyan ni Chad.
'Argh. Paano na 'to? Paano kapag nalaman ni Breydon 'yon? Sana naman hindi madaldal 'yung Bryce—'
Wow, Andrea.
Bakit may pake ka na talaga kay Breydon?
Akala ko ba.. boss lang ang tingin mo sa kanya?
Bakit iniisip mo na siya ngayon?
"Andrea, we're here na."
Sa wakas naman, nasa restaurant na kami. Gutom na gutom na talaga ako!
"Sobrang pogi ni Doc. Bryce 'no? Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan! Grabe, sobrang puti!"
Oh, please. Demi. Ayokong marinig ang pangalan niya.
"Ayos ka na ba talaga, Andrea?" tanong sa akin ni Chad pagka-upo namin sa upuan.
"Oo." ngumiti ako sa kanya.
Mabuti na lang talaga at may mga tunay na kaibigan na ako dito sa Manila. Ang swerte ko naman dahil nakilala ko sila.
"Don't overwork yourself, okay? And please, kumain ka!" pinagalitan ako ni Demi.
Natawa naman ako, "Opo." sagot ko sa kanya.
So, habang kumakain kami, nag-uusap lang kami about sa work namin. After that, umuwi na agad kami dahil gusto nila na mag-pahinga ako.
Pag-dating ko sa bahay, nag-linis na kaagad ako ng katawan at nag-handa para matulog. Kailangan ko talaga ng pahinga, grabe. Napagod na ata talaga ang katawan ko dahil sa trabaho. Ang dami kasing utos ni Breydon, hay.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...