'The CEO calls for a new executive assistant.'
Kalat na kalat na sa buong company ang balitang 'yan. Ang sabi kasi sa chismis, buntis daw 'yung dating executive assistant, pinag-leave ata ng nine months kaya kailangan muna ng temporary executive assistant.
"Ang gusto ata ni Sir Breydon, 'yung galing sa kompanya. Ayaw niya ng outsider."
Hindi na talaga tumigil ang bibig ni Demi.
"Do you want to apply? Go." rinding-rindi na ata si Chad sa kanya.
"Aah! Kung pwede nga lang, eh!" tumili si Demi.
Napa-iling na lang kami ni Chad. Gusto niya pa talaga, ha? Napaka-dami na kayang nag-a-apply, nakita ko doon sa HR department. Gustong-gusto talaga nila na maging executive assistant ni Breydon—I mean, ni Sir Breydon.
"Quiet down, please. Would someone like to pass their layout right now?"
Natahimik agad kami dahil kay Sir Bernard. Si Demi naman kasi, eh. Ang ingay-ingay talaga.
Ipinag-patuloy ko na lang ang ginagawa ko. Habang nag-e-edit ako, napansin kong pumasok si Ma'am Era sa department namin.
Parang may sinabi ata siya kay Sir Bernard, tapos maya-maya lang—
"Miss La delle, come here."
Tumayo agad ako ng tawagin ako ni Sir Bernard. Pag-lapit ko sa kanya, nailang agad ako dahil kasama niya si Ma'am Era. Ang intimidating niya talaga, grabe.
"Is she the one?" tanong ni Ma'am Era sa kanya.
"Yes, she's my junior. She's quite great. I recommend her."
Ha? Recommend saan?
"Alright, then. Come with me." tumingin sa akin si Ma'am Era. Napatingin naman ako kay Sir Bernard. Tumango lang siya sa akin kaya naman sumunod ako kay Ma'am Era.
Tahimik lang akong naka-sunod sa kanya hanggang sa maka-rating kami sa HR department office. Halos nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang pila sa labas.
Grabe.. bakit gusto nilang maging executive assistant ni Sir Breydon? Malaki ba ang salary?
"You can take a seat there." itinuro ni Ma'am Era ang waiting area. Kaagad naman akong umupo dito.
"Those of you who I did not call, please return to your work." saad ni Ma'am Era kaya naman nabawasan ang mga naka-pila dito sa labas.
Wait.
Ano'ng ginagawa ko dito?
Bakit naka-pila din ako dito?
"Lahat ng naiwan, sumama kayo sa'kin." she said that's why tumayo ulit ako. Parang twenty na lang kami na nandito.
Pag-dating namin sa 45th floor, halos malula ako sa view na nakikita ko.
Shit! Ang taas! Sino naman matinong tao ang gu-gustuhin na mag-trabaho kung ganito ang view—
Breydon D'Louvières
CEO
"Shit." mahina kong bulong.
Bakit nandito ako?!
Nag-apply ba ako bilang executive assistant niya?! Hindi naman, ah?!
"Come on, double time."
Kahit kabado ay pumasok na din ako sa loob ng office ni Sir Breydon. Pag-pasok na pag-pasok namin, nilamig kaagad ako sa aircon ng office. Tapos napa-nganga din ako kasi—
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...