"A-Ano'ng nangyari?" napatingin kaagad ako kay Breydon. "Bakit tumigil ang elev—aah!" napa-tili kaagad ako ng biglang mamatay ang ilaw sa loob.
T-Tangina?!
Na-stuck ba kami sa loob ng elevator?!
Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko dahil sa takot.
Shit! Sobrang dilim! Wala akong makita!
Naramdaman kong lumapit si Breydon sa elevator buttons. Inilabas niya ang cellphone niya at tinurn-on ang flashlight nito.
I saw that he pressed the alarm button, pati na din ang emergency call button.
"We are stranded here on the first elevator. Send assistance right away. I reaffirm that, deliver help right away." he said calmly but seriously. Parang kalmado pa din siya kahit ang totoo, na-stuck talaga kami dito sa elevator!
Aah! Mama! Ano'ng gagawin namin?!
"A-Ano'ng gagawin natin?" kabado kong tanong sa kanya. Dahil bukas ang flashlight ng cellphone niya, nakikita ko pa din ang napaka-gwapo niyang mukha.
"We'll wait for their action." he answered habang nagta-type doon sa cellphone niya. I think he's updating everyone na kasama sa meeting. Syempre, hindi naman mag-sisimula 'yon dahil wala ang CEO.
"Ilang minuto tayong maghihintay?" I asked him again.
When he suddenly looked at me, kaagad na nanghina ang mga tuhod ko. "I can wait here forever. I recently enjoy waiting." he said while looking at me bago tumalikod at umupo doon sa dulo ng elevator.
Hala? Uupo siya diyan?!
"M-Matagal pa ba tayong maghihintay?" tanong ko habang nakatayo pa din sa pwesto ko.
Paano na 'tong coffee at frappe na hawak ko? Argh. Ang malas ko naman today!
"It depends." he answered. Bigla niyang itinapat ang flashlight sa akin that's why nasilaw kaagad ako.
"Take a seat, your feet will hurt." he suggested to me.
Dahil masunurin naman ako, kaagad akong umupo sa dulo din nitong elevator. So, magkabilaan kami ni Breydon. Siya do'n sa right side, ako dito sa left side.
Nang tuluyan na akong maka-upo, nabalot na naman ng katahimikan ang buong elevator. Naka-bukas pa din ang flashlight niya that's why kitang-kita ko ang pagtitig niya sa akin.
He's staring at me.
Shit. He's staring at me!
"What's that?" bigla siyang nagsalita. Tinignan niya ang coffee holder na hawak ko.
"I-Iced americano and strawberry frappe." mahina kong sagot sa kanya.
Totoo ba 'to? He's really talking to me?
Hindi siya.. galit sa akin?
Hindi ko maramdaman na galit siya sa akin.
"Nice. You provide a thirst quencher." he said bago ilahad ang kamay niya, "Give me the iced americano."
Hala?
Hindi pwede.
"Kay Sir Leandro po ito, sir." sagot ko kaagad sa kanya.
"Sir Leandro?" tumaas ang kilay niya, "Ah." he suddenly nodded his head, "You're the executive assistant?"
Shit.
Ipinakilala talaga ako ni Sir Leandro kay Breydon.
"O-Oo." napa-iwas ako ng tingin.
God. This is so awkward. Executive assistant niya ako dati.. tapos ngayon.. argh!
"I see." sagot niya, "Give me the iced americano; we'll be waiting for an hour here. I might as well eat my first meal of the day."
First meal?
"Hindi ka pa kumakain ng breakfast?"
Oh, shit.
Ang bibig, Andrea?! Masyado ka naman atang feeling close?! Ang kapal ng mukha ko, argh!
"Yeah." he still answered me. "So? Are you gonna give it or not?" nakalahad pa din pala ang palad niya.
Dahil mukhang matagal pa naman kami dito, ibinigay ko na sa kanya 'yung iced americano.
"Thanks." he said nang matanggap niya na ito. "You should enjoy your frappe, too." he added.
Tinignan ko naman ang hawak kong frappe.
Favorite niya din 'to, hindi ba?
"How are you?"
Napatingin ako sa kanya.
"H-Ha?" nabingi ata ako.
Is he seriously.. asking me.. that question?
Matapos ang limang buwan na walang communication sa isa't-isa, matapos ko siyang iwan ng walang pasabi, matapos ko siyang saktan—
He's still..
'Damn. I don't deserve him. He's too soft for me.'
Hindi ako sumagot sa kanya.
Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko.
Parang ang kapal naman ng mukha ko kung sasagutin ko 'yon.
Siguro nga ay sobrang bait niya lang talaga. Dahil kahit iniwan ko siya noon, kahit sinaktan ko siya noon, parang wala lang sa kanya ang lahat. Umaarte siya na parang hindi ko siya sinaktan five months ago.
"I'm asking you."
Hindi pa din ako sumagot sa kanya. Nakatingin lang ako sa strawberry frappe na hawak ko.
"Andrea."
Bumilis ang tibok ng puso ko ng sa wakas, tawagin niya ako sa pangalan ko.
Kasabay ng pag-tawag niya sa pangalan ko ay ang pag-bukas ng ilaw sa loob ng elevator.
Oh, God. Finally.
Naayos na ata ang elevator!
Kaagad akong tumayo at humarap sa elevator door.
Saktong pagtayo namin ni Breydon, bumukas ang door ng elevator.
"S-Sir! Are you okay?!" may lumapit kaagad kay Breydon na isang babae. Kinuha ko na ang chance na 'yon para tumakas sa kanya. Pag-labas ng elevator, kaagad akong dumeretso sa loob ng conference room. Sa 15th floor pala mismo na-stuck 'yung elevator.
"Miss La delle!" pag-pasok ko sa loob, kaagad na lumapit sa akin si Sir Leandro.
"Are you okay? I heard na kasama mo daw ang CEO sa loob ng elevator." hinawakan niya ang braso ko.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya, "I'm okay, sir. Wala naman nangyari sa'min." sagot ko sa kany—
"Sorry for the inconvenience, something unfortunately happened to the elevator."
Shit.
Nandito na din siya.
"Alright, let's get straight to it. Let's start the meeting." he said with his impassive voice habang umuupo sa upuan na nasa dulo ng mahabang conference table.
Dahil gusto na ng CEO na mag-simula ang meeting, kaagad na bumalik ang mga employees sa kani-kanilang upuan.
At dahil executive assistant ako, umupo ako doon sa gilid kasama ang iba pang mga executive assistant na nandito.
Pag-upo ko, kaagad kong inilabas ang iPad ko and I started focusing my attention sa unahan.
Kahit gustong-gusto ko talagang tignan si Breydon, panoodin si Breydon, titigan si Breydon—
Hindi ko ginawa.
Nandito ako para sa trabaho ko.
Dapat akong mag-focus at mag take ng notes.
Nakagat ko ang labi ko.
'Trabaho muna, Andrea. Trabaho na ulit, bago ang sarili mo.'
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...