"Baby, bukas na tayo mag food trip, anong oras na, oh?"
"This is the perfect time to have a food trip, baby." hinila ako ni Breydon hanggang sa tuluyan na akong maka-tayo mula sa pagkakahiga ko sa kama.
Perfect time? 11 p.m. na. Ano'ng perfect time dito?
"Baliw ka na ata." saad ko habang nag-lalakad kami palabas ng mansion.
Naka-white sando at sweatpants nga lang ako, tapos siya naka-black na hoodie at shorts.
"Road trip, baby. You know?" hinalikan niya ang likod ng kamay ko.
Napangiti na lang ako dahil sa ka-cute-an niya.
"Saan naman tayo kakain?" tanong ko sa kanya pag-pasok namin ng kotse niya.
"We'll bring the food outside and enjoy it in my favorite place." he wiggled his eyebrows.
"Favorite place? Saan?" I asked him.
"I'll show you later." sagot niya bago paandarin ang sasakyan niya.
So we decided na sa Jollibee na lang um-order ng pagkain, nagustuhan niya ata 'yung mga pagkain dito tapos he said na ang mura-mura daw ng price nito.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bintana.
Parang pataas na 'to, ah?
"You'll see, baby." ngumiti siya sa akin.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko ulit. "Parang bundok na 'to, Breyd—"
Oh my.. god.
"Wow.." I reacted ng makarating na kami sa tuktok.
"Welcome to my favorite place, baby." pag-baba namin ng sasakyan niya, kaagad niya akong hinila palapit doon sa edge ng bundok.
God. Sobrang ganda naman dito!
Ang ganda ng view. City lights.
Kitang-kita ko ang pagkinang ng buong city ngayon.
"Alam ko na kung bakit favorite mo 'to." yumakap ako sa bewang niya, "Sobrang ganda dito, baby." ngumiti ako sa kanya.
"Just like you." hinalikan niya ang noo ko, "It always relaxes my thoughts." niyakap niya din ang bewang ko, "However, that has since altered. Andrea, you've calmed me down now."
Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya, "Ikaw din, Breydon. You calm my mind." tumitig ako sa kanya.
"I hope I really do, baby." hinalikan niya ulit ang noo ko. "Let's eat?"
Tumango ako sa kanya.
Hindi ko alam kung saan kami uupo ni Breydon, pero naka-isip na ata siya ng paraan dahil binuksan niya ang trunk ng sasakyan niya.
Kaya naman umupo kami dito at nag-simula ng kumain habang nakatingin sa magandang view na nasa harapan.
"Baby, say ah." sinubuan ako ng burger ni Breydon.
Kumagat naman ako dito. "Say ah." sinubuan ko din siya ng fries.
Habang kumakain kami, may pumasok na tanong sa isip ko.
"Baby." tinawag ko siya.
Tumingin naman siya sa akin.
"Sigurado ka na ba sa plano mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
He's resigning as the CEO of Dawnlens Company. He's our boss. Paano na lang kung wala si Breydon a kompanya? Ano na ang mangyayari sa Dawnlens?
Tumingin siya sa harapan. ""Andrea, I have to do that." sagot niya sa akin. "They've been in charge of my life since the day I was born. I've made every effort to comply with them, despite my resistance. Do they really want me to marry my ex-girlfriend now? That is what the fuck is?"
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...