Eighty

6 1 0
                                    


"La delle, Allen, V. With highest honor."

Napatayo kaagad kami ni Mama ng marinig namin 'yon. Si Papa ay nandoon sa stage at inihahatid si Allen. Siya kasi ang magsasabit ng medal kay Allen. Gamo'n talaga ang kasunduan namin, kasi noon si Mama naman ang nagsabit sa akin ng medal.

"Salamat sa Diyos at tapos na din ng senior high ang kapatid mo." nakangiting bulong sa akin ni Mama habang pinapanood namin si Allen na sabitan ng medal ni Papa.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhunan ng litrato si Allen.

Akala ko ay ako lang ang kumukuha ng litrato, pero napakunot na lang ang noo ko ng makita ang mga estudyateng babae na panay ang picture sa kapatid ko.

"He's a heartthrob." natatawang bulong sa akin ni Breydon. Nandito din siya sa graduation ni Allen, siya kasi ang nag-hatid sa akin dito sa Baguio.

Napailing na lang ako. Habulin talaga ng babae si Allen. Hindi naman niya pinapansin ang mga 'yan, ang sabi niya sa akin noon ay hindi niya pa naiisip na magkaroon ng girlfriend. Tama naman siya, my brother's too young pa kasi.

"He's just like me, baby. A lot of girls tried to—" he stopped talking ng mapansin niya ang tingin ko sa kanya.

He softly laughed, "Of course, though, this stunning girl in front of me is the winner." he wiggled his eyebrows.

Napa-irap na lang ako.

Malamang naman, madami din may crush kay Breydon noon. Hanggang ngayon naman. Sobrang foreigner kasi ng itsura niya, kulay brown pa ang mga mata. Sobrang pogi, sobrang puti tapos sobrang tangkad. A total head turner talaga.

"Tapos na ang graduation, anak."

Nang sa wakas ay matapos na ang graduation, lumapit kaagad kami kay Allen.

"Ate! Kuya Breydon!" he immediately smiled nang makita niya kami.

"Congratulations, Allen." kaagad akong yumakap sa kanya, "Proud na proud si ate sa'yo." hinaplos ko ang likod niya.

"Thank you, ate." he also hugged me.

"Congratulations, anak." yumakap din sa kanya sila Mama at Papa. Medyo naiiyak pa nga si Mama dahil masaya talaga siya ngayon.

"Congratulations, buddy." my boyfriend also hugged him.

"Thank you, Kuya Breydon." he answered while smiling.

"Oh, picture na tayo." inilabas ko kaagad ang cellphone ko. Dahil gusto ko ng family picture, nakisuyo muna ako kay Breydon na kuhanan kami ng family picture. After that, nag-solo picture din kami with Allen, and lastly, nakisuyo ako sa isang estudyante na nakita ko para kasama din ang boyfriend ko sa picture.

"Tara na—"

"A-Ah, Allen? Pwede ba kami magpa-picture sa'yo?"

Oh, here we go.

Tumingin kaagad sa amin si Allen. Parang iiling na kaagad siya that's why pasimple akong tumango sa kanya. Picture lang naman, pagbigyan niya na.

He sighed bago tumango doon sa mga babae. Napatili naman sila dahil doon.

"I know where this goes." bulong sa akin ni Breydon habang naka-hawak sa bewang ko.

I slightly rolled my eyes, "Shut up." bulong ko sa kanya.

He softly laughed and kissed my hair.

"P-Pwede din po ba magpa-picture sa inyo, kuya?"

Seriously? Pati boyfriend ko?

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon