"B-Breydon." nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa kanya.
"M-Mali ka ng iniisip." kaagad akong nag-lakad palapit sa kanya.
Sobrang seryoso ng itsura niya. Tapos nakatingin lang siya kay Bryce na abala sa pag-pupunas ng labi niya ngayon.
Tangina niya talaga. Galit na galit ako sa kanya ngayon.
"B-Breydon." hinawakan ko agad ang kamay niya, "H-Hindi kami nag-halikan ni—"
"You fucking asshole!"
Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo palapit kay Bryce!
Shit!
Sinuntok niya si Bryce sa mukha!
"B-Breydon!" kaagad akong tumakbo palapit sa kanya.
"Fuck you, Bryce! How dare you kiss my girlfriend?!"
Oh, God!
"Breydon!" niyakap ko agad ang likod niya. "T-Tama na, please." kabado kong saad habang naka-yakap sa kanya.
"P-Please." niyakap ko siya ng mahigpit.
"You never stop destroying my life! How dare I have hurt you?!" galit na galit pa din siya.
"B-Breydon." inalis ko ang mga braso ko sa bewang niya at inilipat ito sa mga pisngi niya.
"T-Tama na." hinaplos ko ang pisngi niya, "P-Please." I plead.
Tumingin naman siya sa akin.
Nang gawin niya 'yon, parang napaso ako dahil sa emosyon na makikita ko sa mga mata niya.
Tangina.
Galit, sakit, at lungkot. Ayan ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Breydon.." naiiyak kong saad, "H-Hindi kami nag-halikan. Hinalikan niya ako at hindi ko siya mapigilan." seryoso kong saad habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Ikaw lang ang mahal ko, Breydon." tumitig ako sa mga mata niya, "Ikaw lang, wala ng iba."
Sana naintindihan 'yon ni Bryce.
Kahit na siya si Strawbs, kahit na nangako ako sa kanya noon, wala pa din akong magagawa. Boyfriend ko na ngayon si Breydon, at siya na ang mahal ko ngayon.
"Say it." seryosong saad ni Breydon habang nakatitig sa akin.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, "Mahal kita, Breydon. Mahal na mahal kita." saad ko bago tuluyang halikan ng malalim ang labi niya.
Wala na akong pake kay Bryce. Galit na galit ako sa kanya. Si Strawbs man siya o si Bryce, wala na akong pake.
Kaagad na sinagot ni Breydon ang halik ko. Niyakap niya ang bewang ko at siniil ng paulit-ulit ang labi ko.
Pareho na kaming walang pake sa kapatid niya.
Dahil ang importante sa amin ngayon.. ay ang isa't-isa.
••
"Akala ko sa Friday pa ang uwi mo?"
Hindi siya sumagot sa akin.
"Breydon naman?" napanguso ako, "Okay na tayo 'di ba?" niyakap ko ng mahigpit ang bewang niya.
Naka-higa na kami dito sa kama. Kanina pa naka-alis si Bryce, pinaalis na talaga siya ni Breydon.
"Why the fuck did he kissed you?"
Nandito pa din kami.
"H-Hindi ko din alam." I lied.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...