Twenty Seven

216 9 0
                                    

"How about you, guys? Any lovers?"

"Ayoko, busy pa ako." natawa ng malakas si Demi, "Ayan po si Andrea, basted queen 'yan! Right, Chad?"

Oh, come on. Bakit ako na 'yung topic?

"Yes, sir. A lot of guys tried to talk to her, but she's really a basted queen."

Napa-irap ako dahil sa sinabi niya. Parang kasalanan ko pa, ha?

"Really? That's interesting." ngumisi si Breydon habang nakatingin sa akin, "I wonder who the guy is that will convince him to say yes."

Oh, talaga, boss?

Umiwas ako ng tingin. "Si—"

'You promise to me, I'm the only guy you will love.'

'Pangako, Strawbs.'

Shit.

Strawbs.

"I think she's already drunk." natawa sa akin si Chad.

Hindi ko napansin na napatitig pala ako sa beer ko.

God. Si Strawbs na naman. Naaalala ko na naman siya.

"I think we should sleep now?" biglang saad ni Breydon dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"I agree, my friend here is wasted." tumingin si Chad kay Demi.

Dahil gusto na nila matulog, bumalik na kaagad kami sa kwarto namin. Si Breydon na muna ang pina-una ko sa room namin, and then after waiting for almost five minutes, sumunod na ako sa kanya.

"Who the fuck is that?"

"Ha?" napatingin ako kay Breydon. Pag-pasok ko pa lang ng room, ayan na kaagad ang sinabi niya sa akin.

"The person you think of when I asked you that damn question, Andrea."

Shit.

Paano niya nalaman?

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo." nag-lakad ako palapit sa kama. Matapos kong hubadin ang sweater ko, humiga na kaagad ako dito.

"Really? You'll act foolish? Andrea, I saw it. You have someone on your mind. Who the fuck is that?" ramdam kong lumapit siya sa kama.

Hindi ako sumagot sa kanya. Niyakap ko ang comforter at pumikit na lang ako.

'Ayokong saktan ka, Breydon. Ayokong malaman mo na may hinihintay talaga akong isang tao.'

"I am asking you, Miss La delle. Who is that guy—"

"Bakit sinabi mo 'yon kanina, Breydon? Courting? Talaga? Hindi ba't girlfriend mo na ako?" bumangon ako at tumingin sa kanya.

Akala niya ba siya lang ang galit dito?

Ako din. Naiinis din ako sa kanya.

"You still don't love me, Andrea. And I am aware that you are only under pressure from me—"

"Gusto nga kita, Breydon. Hindi mo ba maintindihan 'yon?" inis kong tanong sa kanya.

Nandito na naman kami, eh. Paulit-ulit na lang?!

"The mere fact that you like me is not enough." seryoso niyang sagot sa akin, "Yeah, whatever, maybe you have feelings for someone else. Is it the reason you're not making any effort to show me love?"

Tangina naman.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." tumingin ako sa kanya, "Pero sige, para naman masagot ko ang tanong mo kanina. Kung mayroon man akong mahal na iba, Breydon, wala ka na dapat pake doon."

Fuck.

Fuck?!

Ano'ng sinabi ko?!

Kitang-kita ko na nasaktan siya dahil sa sinabi ko.

Tangina, Andrea?! Ano 'yon?!

"R-Right." napa-iwas siya ng tingin, "Why even am I worried? I'm not even sure if you consider me to be your fucking boyfriend, I'm just your fucking boss." galit niyang sagot bago tumalikod at nag-lakad palapit sa pintuan.

Damn. Damn it!

"B-Breydon." kaagad ko siyang hinabol.

"S-Sorry, hindi naman gano'n 'yung gusto kong sabihin." kabado kong saad habang naka-hawak sa braso niya.

"I-I'm sorry." niyakap ko ang bewang niya, "Huwag ka umalis, please." humigpit ang yakap ko sa bewang niya.

Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko. And damn, hindi ko naman sinasadya 'yon.

"Andrea." bumitaw siya sa yakap ko. Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko,"I don't want to do this anymore, I do not wish to put you in this situation. Knowing that you dislike it—"

"N-Nakikipag-break ka ba sa akin?" kabado kong tanong sa kanya.

Parang bumagsak ang buo kong pagka-tao dahil sa sinabi niya kanina.

Hindi kaagad siya naka-sagot sa akin. Kitang-kita ko na nahihirapan siya ngayon.

"Andrea, as much as I want you. With all of my love for you," tumitig siya sa akin, "Yes, I am ending our relationship. Now you are free to—

"A-Ayoko. No." umiling ako, "Ayokong makipag-break sa'yo, Breydon. Hindi tayo magb-break." hinawakan ko ang pisngi niya, "'Di ba mahal mo ako? B-Bakit ka makikipag-break sa'kin?"

Naiiyak ako, tangina.

Bakit ako naiiyak? Bakit nasasaktan ako ngayon?

Napabuntong-hininga siya, "Yes, I love you. I love you so much. But," umiling siya ng umiling, "Andrea, I don't want to treat you like this. If you truly love someone else, I don't want you to be in a relationship with me—"

"Ikaw ang mahal ko, Breydon. Ano ba'ng sinasabi mo diyan?"

Tuluyan na akong naiyak ng sabihin ko 'yan.

Sa wakas, nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Kaya ako nasasaktan ngayon, kaya ayaw kong makipag-break siya sa'kin, dahil—

Mahal ko na siya.

Mahal ko na talaga ang boss ko.

"W-What?" nanlaki ang mga mata niya. "Y-You love me?"

Tumango ako habang umiiyak, "Mahal na kita, Breydon. Tuluyan na akong nahulog sa'yo."

Hinawakan ko ang leeg niya at tumingkayad ako para maabot ang labi niya.

Ramdam na ramdam ko ang gulat niya.

Ako din naman, eh. Gulat na gulat ako sa sarili ko.

Hindi ko akalain na mahuhulog talaga ako sa boss ko. Grabe, paano nangyari 'yon?

"Fuck." ayan kaagad ang lumabas sa labi niya matapos ko siyang halikan, "P-Please, tell me it's true, Andrea. Say that you love me again, fucking please." hinawakan niya ang pisngi ko.

Ngumiti naman ako kasabay ng pag-tulo ng luha sa pisngi ko, "Mahal kita, Breydon." hinalikan ko muli ang labi niya.

"Mahal na kita, Sir Breydon." 

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon