"Good morning, anak."
"Good morning, Ma." lumapit ako at humalik sa pisngi niya.
7 a.m. pa lang pero gising na kaagad si Mama. Naghahanda kasi siya ng umagahan namin. May trabaho kasi kami ni Breydon, tapos sila naman nila Papa at Allen ay babalik na sa Baguio mamaya. Dito kami sa mansion ni Breydon natulog kagabi.
"Ako na ang bahala diyan, Ma." lumapit ako sa coffee maker. Ako na lang ang gagawa ng kape namin.
"Tulog pa ba ang nobyo mo?" tanong niya sa akin.
"Opo." sagot ko habang nag-lalagay ng gatas sa kapeng ginawa ko. Latte kasi ang gusto ni Breydon, kaya ayon ang ginagawa ko ngayon.
"Dito ba kayo nakatira, anak?" tumingin si Mama sa paligid, "Ang lawak nito, ah? Mansion ata ito."
"Mansion nga po, Ma." sagot ko sa kanya, "Hindi po kami dito nakatira ni Breydon, sa penthouse niya po. Mas malapit po kasi 'yon sa kompanya."
"Ah, gano'n ba." she nodded her head, "Kapag ba mag-asawa na kayo, dito kayo titir—"
"Ma." natawa ako, "Asawa agad?" I asked, "Wala pa po 'yan sa plano ko." tumingin ako sa coffee maker.
"Kahit wala pa sa plano mo, anak. Alam ko naman na si Breydon na ang lalaking mapapangasawa mo."
Napangiti ako. "Tingin ko din po, Ma." I answered while smiling.
"Boto namin kami sa kanya, Andrea. Mabuting tao ang napili mo." lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko, "Kahit na mayaman siya, hindi naiiba ang ugali niya sa atin. Gano'n din ba ang pamilya niya? Nakilala mo na ba sila, anak?"
Shit.
Napa-iwas kaagad ako ng tingin.
"O-Opo, Ma. Mabait naman sila." sagot ko.
Mabait naman ang Mom ni Breydon. Pero ang Dad niya? No comment.
"Mabuti kung gano'n." she smiled, "Ang ayoko sa lahat ay 'yung ipipilit mo ang sarili mo sa pamilya nila. Kung hindi ka nila gusto, wala tayong magagawa doon."
Humigpit ang hawak ko sa tasa.
"Pero kung mahal niyo talaga ni Breydon ang isa't-isa, sigurado naman ako na ipaglalaban niyo ang pagmamahalan niyo."
Damn. May alam ba si Mama?
"A-Ano ba'ng sinasabi mo diyan, Ma?" I faked a laugh, "Sa teleserye lang nangyayari 'yon, hindi naman sa totoong buhay." sagot ko sa kanya.
"Hindi tayo sigurado, anak." bumalik na ulit siya sa pagluluto, "Pero sa tingin ko naman ay mabuti ang pamilya ni Breydon." she added habang nakatingin sa frying pan.
Nakagat ko na lang talaga ang labi ko.
Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.
Matapos namin mag-handa ng breakfast ni Mama, sakto nagising na din sila Papa, Allen at Breydon.
"Good morning po." Breydon immediately greeted my family.
"Good morning, baby." lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.
I smiled, "Good morning." bati ko sa kanya.
Habang kumakain kami ng breakfast, nag-uusap lang sila Papa at Breydon tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi talaga ako sumasali sa usapan nila, pero ng biglang nag-salita si Allen, napasali na din ako. Tungkol kasi sa pag-aaral ang sinasabi niya.
"Well, you can stay at my place, Allen. If you want."
Nanlaki ang mga mata ni Allen, "Talaga po, Kuya Breydon?" he asked while smiling.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...