"I need you to reschedule my meetings for tomorrow. Cancel everything before noon."
I nodded my head while jotting down notes.
"Got it. What's the reason, sir?"
"I don't need a reason, just do it."
Bwiset talaga. Para siyang may menstruation kung maka-arte!
"Anything else, sir?" nakatingin pa din ako sa iPad.
"Yes, I need those financial reports on my desk tomorrow. And make sure they're accurate this time."
Galit talaga siya, ha?
"Of course, Sir Breydon. I'll double-check everything." sagot ko sa kanya.
"Great. You can leave now."
Mabuti naman.
Tumalikod kaagad ako at nag-simulang maglak—
"Seriously? You're not gonna say sorry?"
Wow. His audacity.
Bakit ako magso-sorry sa kanya?
"For what, sir?" humarap ako sa kanya.
"For ignoring me the whole day." tumayo siya at lumapit sa akin. "Why are you even angry? I assumed you don't care? You claim that you are completely unconcerned with me or my actions."
"Wala nga po akong pake sa inyo." sagot ko sa kanya. "Dapat gano'n din kayo sa'kin, sir. Bakit ba ayaw mo akong ma-disappoint sa'yo? Hindi ka naman nagpa-palakas sa'kin. Hindi mo ako kailangan i-impress."
Mas lalong nangunot ang noo niya. "You don't fucking get it, don't you?"
Napabuntong hininga ako. "Ang alin ba?" pagod kong tanong. Nakakapagod ang araw na 'to. Gusto ko na talagang umuwi.
"My feelings for you, Miss La delle. I like you, I thought you knew?"
Ayan na naman tayo, eh.
"Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mo akong paglaruan? Huwag mo akong isama sa mga babae mo, Sir Breydon. Ayokong maging fling, ayokong maging girlfriend mo." inis kong sagot sa kanya.
"Nandito lang ako sa Manila para mag-trabaho, para mag-ipon. Hindi din ako magta-tagal dito. Kaya pwede ba? Huwag mong sabihin na may gusto ka sa akin, dahil alam ko naman na hindi totoo 'yon."
Wala na. Nailabas ko na talaga ang inis ko sa kanya. Wala ng preno ang bibig ko ngayon.
Hindi na siya nakapag-salita. Parang nasaktan ata siya dahil sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa akin ngayon.
"Sir Breydon." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, "Kung gusto mo na maayos ang pakikitungo ko sa'yo, please, huwag mong lagyan ng malisya. Tignan mo lang ako bilang executive assistant mo, hindi kaibigan, o girlfriend."
Mas maayos na 'yon. Para hindi na din ako mahirapan.
"But I want you to be my girlfriend." mahina niyang saad habang nakatingin sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"I like you, Andrea. I like you a lot."
God. Please.
"Hindi totoo 'yan." natawa ako, "Isang buwan pa lang tayo magka-kilala, Sir Breydon. Paano nangyaring nagustuhan mo agad ako?"
Masyadong imposible talaga. Ganito ba talaga ang mga lalaki sa Manila? Masyado silang mabibilis.
"No. Andrea, I've known you since you were young." napa-iwas siya ng tingin. "Fuck, whatever. I am not giving up. I will still pursue you, even if you do not want to."
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...