"Beautiful morning, my gorgeous baby."
"Good morning." nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakaligo na agad siya? Kakagising ko pa lang, ah?
"I have a quick meeting with the board members." umupo siya sa kama at hinawakan ang pisngi ko.
"You dine with your friends, hmm?" hinaplos niya ang pisngi ko.
Napangiti ako, "Okay." hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko, "Ikaw ba? Kumain ka na?"
"Not yet, I'm eating with them."
Oh. Kakain pala siya with the board members. Siguro kasabay na ang meeting do'n.
"I need to go now, I'll see you later." he leaned closer to my face and gently kiss my lips.
Argh. What a good morning, may kiss kaagad ako galing sa boyfriend ko.
"I love you, baby." he softly kissed my nose.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, "I love you." sagot ko habang nakatitig sa kanya.
Mas lalo siyang napangiti dahil sa sinabi ko.
Parang sobrang saya niya.
"Damn, it always feels so good." hinalikan niya ulit ang labi ko, "I love you. I love you. I love you." hinalikan niya ng hinalikan ang labi ko.
Natawa na lang ako.
"Oo na, mahal din kita." natatawa kong sagot sa kanya.
He also chuckled, "Laters, baby." he kissed my forehead bago tumayo at kinuha ang sun glasses niya na naka-patong sa table.
Nag-flying kiss pa talaga siya sa akin bago tuluyang lumabas ng room that's why natawa na lang ako.
Sobrang cute naman ng boyfriend ko, hay.
Matapos kong maligo at gawin ang morning routine ko, nag-suot na lang ako ng kulay pink na sleeveless polo tapos white na maong shorts. Nag-lagay din ako ng lip balm para naman hindi ako mukhang putla dito.
After that, dumeretso na kaagad ako sa restaurant kung saan kumakain sila Demi. Kanina pa daw sila nando'n, parang late talaga ako nagising.
Hay, si Breydon kasi, eh. Ang landi-landi kagabi, ilang beses niyang pinasabi sa akin 'yung salitang 'I love you', grabe, hindi ata siya naniniwala sa akin.
Mahal ko na talaga si Breydon, 'yon ang totoo.
"Andrea! Wow! What a gorgeous lady!"
Oh? Si Amari saka si Bentley.
Nakasalubong ko sila sa entrance ng restaurant.
"Good morning." naka-ngiti kong bati sa kanila.
"Morning, gorgeous." bineso ako ni Amari. "You're so fresh, why is that?"
"Ikaw ang fresh." sagot ko sa kanya. Sobrang blooming niya, hay, napaka-ganda talaga.
"Oh, well." she smirked habang nakatingin kay Bentley.
Ngumisi din si Bentley, "We time to time need to refuel, you know."
Napa-irap ako dahil doon that's why natawa silang dalawa.
"My brother over there is still missing his first base, that's fine, though."
Hay nako. "Tara ng umupo." inaya ko silang dalawa. Dahil may kasama na ako ngayon, hindi na muna ako kakain kasama sila Demi. Kasama kasi nila ang iba naming ka-trabaho, and alam ko naman na hindi uupo do'n sila Bentley. Super intimidating kaya nila, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...