Isang buwan.
Isang buwan na ang nakakalipas simula ng bumalik kami sa Baguio.
Wala naman pinagbago ang araw namin. It's a usual day for us, everyday.
Akala ko gano'n, akala ko araw-araw ganito lang ang mangyayari sa'min.
Pero hindi pala.
Sobrang naging busy si Breydon ngayon. Nag-simula 'yon ng kausapin siya ng President, parang may ini-utos ata sa kanya. Kaya ayan, araw-gabi, nagta-trabaho talaga siya. Halos wala na talaga siyang pahinga.
At 'yon ang labis kong ikinababahala.
Parang sobrang pressured niya kasi ngayon. Parang may gusto siyang patunayan sa President.
"Baby, mamaya na 'yan. Kumain na muna tayo."
Matapos kong mag-luto ng dinner namin, bumalik na ako sa kwarto namin. And of course, he's working again. Hindi niya na ata binitawan ang laptop niya, sa totoo lang.
"I have to complete this, baby. You can eat first, and I'll follow quickly after this."
Hay nako.
"Breydon naman, mamaya na 'yan. Kumain ka na muna." lumapit ako sa kanya at niyakap ang leeg niya, "Please? I miss you na talaga. Minsan na lang tayo kumain ng sabay." napanguso ako.
Medyo nagtatampo nga ako sa kanya. Pero alam ko naman na pointless ang pagtatampo ko dahil nagta-trabaho talaga siya. Iginugugol niya na ang lahat ng oras niya sa trabaho.
He slightly sighed, "I missed you more, baby." humarap siya sa akin, "But I really have to pass this tomorrow morning. I promise that following this, we will take a vacation. Just you and me."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, "Hihintayin ko 'yan, ha?" hinalikan ko ang pisngi niya.
"Pero ngayon, kumain na muna tayo. Ayokong nalilipasan ka, tayo na dali." hinawakan ko ang braso niya at hinila siya patayo.
"Mamaya mo na 'yan ituloy pagka-tapos mo kumai—"
Shit!
"Breydon!" napasigaw ako ng bigla siyang nahulog sa sahig.
"Breydon!" kaagad akong lumapit sa kanya.
Tangina. Tangina?!
"B-Baby, baby!"
Hindi siya gumagalaw! Nahimatay ata siya!
"B-Breydon." I tried to calm myself at kaagad kong hinawakan ang pulse niya.
May heartbeat pa din siya. Siguro ay nahimatay lang talaga siya.
Shit! Paano ko siya dadalhin sa hospital?! Hindi ko siya kaya! Tapos hindi din ako maalam mag maneh—
Napatingin ako sa cellphone niya na nakapatong sa table. Tumunog kasi ito. May tumatawag sa kanya.
Kaagad ko 'yung kinuha at—
Shit! Si Bentley!
"B-Bentley!" kaagad kong sinagot ang tawag.
[Yo, fucker. I'm already here at the lobby—"
"N-Nasaan ka? Pumunta ka dito! N-Nahimatay si Breydon!"
God. Ang sabi ko ay kakalma ako. Pero tangina talaga, hindi ako mapakali! Sobra akong kinakabahan ngayon!
[What? What did you say? Is this Andrea?]
"O-Oo, ako 'to, Bentley. S-Si Breydon.." napatingin ako sa boyfriend ko na naka-higa sa sahig, "N-Nahimatay siya, Bentley. Pumunta ka dito, p-please.."
••
"He fainted due to extreme stress and overwork. His body simply couldn't cope with the pressure he's been under."
Sinasabi ko nga ba, eh. Mangyayari talaga 'to.
Ang tigas kasi ng ulo ni Breydon. Ayaw niyang mag-pahinga.
"Of course, he is pressured." tumingin si Bentley sa kapatid niya na naka-higa ngayon sa hospital bed.
Nandito na kami sa hospital, tinulungan ako ni Bentley na dalhin dito si Breydon. Mabuti na nga lang at may plano pala silang magkita ngayong gabi.
"Maayos na po ba ang kalagayan niya, doc?" tanong ko sa kanya habang naka-hawak sa kamay ng boyfriend ko. Unconscious pa din siya.
"He is stable now, but he truly needs rest and relaxation to recover fully."
Napatingin ako kay Breydon.
'Ayaw niya naman kasing mag-pahinga. Ano ang gagawin ko?'
"Thank you, doc." ngumiti si Bentley doon sa doctor. Pag-labas no'ng doctor sa room, biglang may pumasok dito.
Si Bryce.
Parang tumakbo siya. Medyo hinihingal pa ata siya.
"Kuya." kaagad siyang tinawag ni Bentley.
Samantalang ako ay napakunot kaagad ang noo, "Ano'ng ginagawa mo dito?" inis ko kaagad na tanong sa kanya.
Napakadami niyang atraso sa akin. Una, nag-sinuwaling siya sa akin. Hindi naman siya si Strawbs, hindi ako naniniwala na siya si Strawbs. Pangalwa, hindi niya na tinantanan si Breydon, pansin kong palagi na lang galit ang boyfriend ko kapag kaharap niya si Bryce.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko, tumingin lang siya kay Breydon na nakahiga sa hospital bed.
"What happened to him?" tumingin siya kay Bentley.
"He fainted due to extreme stress and overwork." sagot sa kanya ni Bentley, "Dad has placed him under a lot of pressure these days. Haven't you noticed?"
Tangina. So tama ako? Pressured siya dahil sa Dad niya?
"I noticed." lumapit si Bryce sa kama ni Breydon, "I just don't give a fuck."
What the heck?
"Kuya." lumapit si Bentley sa kapatid niya, "Please help him. Just talk to Dad, please. He'll listen to you."
Grabe. Bakit nagma-makaawa si Bentley sa kanya? Hindi ba't magka-kapatid sila?
Napangisi si Bryce, "Bentley, why would I help him? That's what he deserves. He is careless and unyielding."
Tangina niya talaga.
Lumapit ako sa kanya at itinulak siya palayo sa kama ni Breydon. "Pwede ba na umalis ka dito? Ayokong makita ang mukha mo." galit kong saad habang nakatingin sa kanya.
Mas lalo siyang napangisi dahil sa sinabi ko.
"Why are you making this hard for me, Strawbs?"
Wow. His fucking audacity.
"Hindi ikaw si Strawbs, huwag ka nga mag-sinuwaling sa harapan ko." itinulak ko ulit siya, "Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo 'to kay Breydon, hindi ba't kapatid mo siya?"
"Andrea." lumapit sa akin si Bentley. Umiling siya ng ilang beses. Parang ayaw niya akong mag-salita tungkol sa bagay na 'yon.
"Kuya." tumingin siya kay Bryce, "I'm begging you. Please, just talk to him. Just do it, at least for me."
Bakit nagma-makaawa siya kay Bryce?
Hindi sumagot sa kanya ang kapatid niya. Tumingin lang siya kay Breydon bago tumingin sa akin.
"Even if it's for you, Attorney. I won't do it." he said sarcastically bago tumalikod at nag-simulang mag-lakad palabas ng room.
"You are being a real asshole right now." parang hindi na din nakapag-timpi si Bentley.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
"I'm making every effort to rebuild this family. How on earth are you doing this? You are brother to Breydon. He's your family too." galit na talaga siya ngayon.
Napatigil sa paglalakad si Bryce pero hindi sia humarap sa amin. "He does not consider me to be his brother at all, as far as I can recall." sagot niya, "So I'm treating him the same way." humarap siya sa amin.
"Bentley, I no longer consider him to be my brother." he slowly smirked, "He's just the obstinate youngster who used to ruin my life."
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...