Seventy One

5 0 0
                                    

"Where's the patient?"

Pareho kaming napalingon sa pintuan.

"She's here, Doc."

Shit.

Shit!

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Lili sa kamay ko habang nakatingin kay..

Bryce.

Tangina. Sinasabi ko na nga ba! Mangyayari talaga 'to!

Pareho ng reaksyon sila Lili at Bryce ngayon. Nakatitig lang si Bryce kay Lili, at sobrang laki ng mga mata niya.

He really look so surprised right now! Pareho sila ni Lili!

"Liliana." he suddenly whispered habang nakatingin kay Lili.

Umiwas ng tingin si Lili. "A-Andrea, let's go." bigla niya na lang akong hinila palabas ng room.

Napakunot kaagad ang noo ko, "Lili, kailangan mo ng—"

"Liliana!"

Pareho kaming napatigil ni Lili sa paglalakad.

Shit! Hinabol kami ni Bryce!

"L-Let's go!" hinila ulit ako ni Lili paalis, pero hindi siya nag-tagumpay dahil nahawakan na kaagad ni Bryce ang braso niya.

Damn! Bakit nandito na kaagad siya?!

"L-Liliana." tumingin siya kay Lili, "Is that you? Is that really you?" hinawakan niya kaagad ang pisngi ni Lili.

"N-No." lumayo sa kanya si Lili, "Stay away from me, Bryce. I don't want to see you anymore." she hardly said bago ako hilahi—

"P-Please. Lili." hinawakan ulit ni Bryce ang braso niya.

"I said stay away from m—!"

Shit!

"Lili!" hinawakan ko kaagad ang mga balikat niya.

"I-I—" napahawak siya sa dibdib niya, parang nahihirapan siyang huminga! "C-Can't—"

Tangina!

"Bryce!" tumingin ako sa kanya, "H-Hindi siya makahinga!" kabado kong sigaw sa kanya.

Parang napatigil siya dahil sa nakita niya. Halos hindi siya naka-galaw ng ilang segundo!

"Bryce!" tinawag ko ulit siya, "Ano'ng gagawin natin?! Hindi siya makahinga!"

Natauhan naman siya dahil sa sigaw ko. Kaagad niyang binuhat si Lili at dinala sa loob ng room.

"Sa labas na lang po tayo." hinarangan ako no'ng nurse nang akmang papasok na ako sa loob ng room.

Shit! Lili!

Nakagat ko agad ang labi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

'Lili.. sana ayos ka lang. Please.'

••

"Where is she?!"

Pareho kaming napatingin ni Lili sa pintuan.

"What?" napatingin kaagad sa akin si Lili, "You called him, Andrea?" nangunot ang noo niya.

Dahan-dahan akong tumango, "S-Sorry, Lili. Nag-alala lang talaga ako sa'yo." mahina kong sagot sa kanya.

Argh. Thank God. Maayos na ang kalagayan ni Lili. Mabuti na lang talaga at nandito kami sa hospital ng atakihin siya ng sakit niya. Kaagad siyang binigyan ng treatment ni Bryce.

"Are you okay?" lumapit kaagad si Sir Leandro kay Lili. "How are you feeling?" hinawakan niya ang balikat nito.

"I'm fine, kuya." mahinang sagot ni Lili sa kanya, "You shouldn't be here, I know you're busy."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon