"The new campaign launch was supposed to happen next week. Yet here we are, with nothing but excuses and delays!"
Woah. What a good morning to us.
"Marketing, where are the finalized strategies? Advertising, why haven't we seen any mock-ups? And creative, don't even get me started on the lack of concept ideas!"
Grabe. Galit talaga si Breydon.
Umagang-umaga, ang init agad ng ulo niya.
"Sir Breydon, we've been facing some unexpected hurdles with market research—"
"Hurdles? This company didn't hire you to find excuses. The competition is breathing down our necks, and we're falling behind because of your incompetence!"
Lahat sila ay napatungo dahil sa sinabi ni Breydon. Parang ako nga din, gusto ko na lang din tumungo. Galit na galit siya, parang masama talaga ang gising ni boss.
"You have twenty-four hours. Get it done, or find someone who can." Breydon said bago tumayo at lumabas ng conference room. Kaagad naman akong sumunod sa kanya.
Tahimik lang ako habang naka-sakay kami sa elevator.
Parang stress na stress talaga siya. Sa halos tatlong linggong pagta-trabaho ko sa kanya, ngayon ko lang siyang nakita na ganito. Parang pressured pa nga siya.
"Please get me an iced coffee, Miss La delle." utos niya sa akin that's why tumango kaagad ako.
Dahil gusto niya ng iced coffee, bumaba ako sa ground floor para pumunta sa Dawnlens coffee shop. Matapos kong bumili ng kape, aalis na sana ako kaso may nakita akong strawberry shortcake.
Lately kasi parang napapansin ko na mahilig si Breydon sa strawberry. Pareho nga kami, eh.
"Isang strawberry shortcake, kuya." I decided na bumili na din para naman maging maganda ang mood ng boss ko, bad trip na bad trip, eh, sobrang naka-kunot ang noo. Pero sobrang gwapo pa din naman.
Matapos kong bumili, bumalik na ako sa office niya.
"Here's your coffee, sir." inilapag ko ang iced coffee sa table niya. Pati na din ang strawberry shortcake that's why kaagad siyang napatingin sa akin.
Ngumiti na lang ako at hindi nag-salita.
Pag-labas ko ng office niya, kaagad akong dumeretso sa office ko. Sobrang dami ko pang gagawin, ang daming inutos sa akin ni Breydon, grabe. Pero nasasanay na din ako. Halos mag-iisang buwan na ako sa Dawnlens company, at ang masasabi ko lang is—
Aaah! Ang laki talaga ng sahod ko! Hindi nga nagbibiro si Breydon ng sabihin niya na six digits ang salary ko! First sahod ko pa 'yon, ha?!
Kaya nga tuwang-tuwa ako, eh. Kaagad akong nag-padala kila Mama, at kaagad din naman akong nag-tabi para sa ipon ko.
Habang gumagawa ako ng trabaho ko, napatingin ako sa elevator ng bigla itong bumukas.
At pag-bukas na pag-bukas nito, kaagad na nanlaki ang mga mata ko.
'Shit! Hindi ba't 'yung President 'yan?!'
Kinabahan kaagad ako ng makita na dumeretso siya sa office ni Breydon.
Grabe. Nakakatakot ang itsura niya! Saka 'yung aura! Halatang sophisticated at kagalang-galang na tao! Siya nga talaga ang may-ari nitong kompanya!
Hindi ko alam if manonood ba ako sa kanila or babalik na lang ako sa trabaho ko.
Dahil ayaw ko naman maging marites, ibinalik ko na lang ang attention ko sa—
"Shit."
Medyo nanlaki ang mga mata ko ng makita na parang nagtatalo silang dalawa. Nakatayo na kasi si Breydon, tapos sobrang naka-kunot na talaga ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...