Thirty Two

191 8 0
                                    

Totoo ba 'to?

Nasa harapan ko na talaga si Strawbs?

Siya si Strawbs?

Si.. Bryce?

"What? Please, speak."

Hindi ako sumagot sa kanya.

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.

Siya ba talaga si Strawbs? Ang puppy love ko?

"Andrea, it's actually me. Would you like me to explain how we originally met?"

Nakagat ko ang labi ko.

"Hindi na kailangan." mahina kong sagot sa kanya.

Naaalala ko pa ang lahat.

Kahit kailan.. hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon.

August 25, 2012. Ang petsa kung kailan ko nakilala si Strawbs.

"Andrea! Tapos ka na ba diyan?!"

"Hindi pa po, pa!" malakas kong sagot habang pumipitas ng strawberry.

"Mamaya ka na ulit mamitas diyan! Tirik na tirik ang araw!"

"Malapit na po ako matapos!" sigaw ko pabalik.

Tatapusin ko muna ang hilerang ito, tapos mamaya ko na itutuloy ang pamimitas kapag hapon na.

"I hate you! Stay away from me!"

Napalingon ako dahil sa boses na 'yon.

"Hindi ka pwedeng lumayo, ako ang mapapagalitan ng Mom mo!"

"I don't care!"

Hala.

Nag-aaway ba sila?

Dahil mukhang hinahabol no'ng babae 'yung bata, humarang kaagad ako sa daan niya.

"Excuse me!" dadaan sana 'yung batang lalaki sa gilid ko pero hindi niya na nagawa dahil humarang ulit ako sa harapan niya.

"What the heck are you doi—"

"Monsieur!"

Nahawakan kaagad siya no'ng babaeng humahabol sa kanya.

"Halika na at babalik na tayo sa resort! Ikaw talaga napaka-kulit mo!"

"I don't want to go back!"

Pinanood ko na lang sila habang hinihila no'ng babae 'yung batang lalaki.

Diyan ata sila sa kabilang resort nakatira. May resort kasi malapit dito sa farm namin. Halos katabi lang talaga. Pero kahit kailan hindi pa ako nakaka-punta doon. Mayaman kasi ang may-ari no'n, saka hindi naman public resort 'yon, pribadong establishment 'yon.

"Andrea! Napaka-init! Bumalik ka na dito!"

Napatingin ako sa likod ko.

Sinundan na talaga ako ni Mama.

Dahil napaka-init nga ng panahon, bumalik na lang ako sa bahay namin. Dito mismo sa gitna ng farm namin.

"Mama, sino po ang nakatira doon sa resort?" tanong ko habang abala siya sa pag-pupunas ng pawis sa likod ko.

"Mayaman ang may-ari niyan. Hindi ko lang kilala kung ano'ng pangalan nila."

Ah, hindi pala alam ni Mama kung ano'ng pangalan no'ng may-ari.

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon