Ninety One

6 1 0
                                    

"This way, please."

"T-Thank you po."

Parang kinikilig pa 'yung student.

Pag-dating namin sa harap ng pintuan ng office ni Breydon, I immediately looked at her.

"Sir Breydon only have ten minutes for this interview, make sure to use your time wisely." I reminded her. She's a student from De La Salle University, she's interviewing our CEO for the school's new issue.

"O-Okay po." sagot niya sa akin. Kinikilig siya na kabado, hindi niya na ata alam ang mararamdaman niya.

"Don't worry, he's kind." I smiled at her. Mukhang kabado talaga siya, eh.

Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

Pag-pasok namin sa office ni Breydon, nag-salita kaagad ako, "Sir Breydon, here's the student from De La Salle University." I updated him.

Tumingin naman siya sa amin, "Have a seat." itinuro niya ang couch.

Napatitig ata 'yung student kay Breydon dahil hindi na siya gumagalaw ngayon.

"Miss?" I called her. She's super starstruck. Sobrang pogi naman kasi ng baby ko, eh.

Mukhang natauhan naman siya, "G-Good morning po, Mr. Breydon." kabadong sagot sa kanya no'ng babae.

My boyfriend smiled, "Good morning." tumayo siya at lumapit sa amin.

"You can leave now, Miss La delle." he smiled at me. Tumango naman ako sa kanya bago lumabas ng office.

Pag-pasok ko sa office ko, I quickly returned to my work. Sobrang daming schedules ni Breydon ngayon, madami ang gustong mag-interview sa kanya, I don't know, for academic purposes ata. Tapos bukas, mag-judge din siya sa Miss Universe pageant. Damn yeah, nakakagulat 'di ba? Kahit ako, nagulat din.

Dawnlens Corporation pala kasi ang isa sa mga sponsors ng pageant na 'yon na gaganapin dito sa Pilipinas, that's why kinuha na nilang judge si Breydon.

Supposedly, ang President dapat ang gagawa no'n, but President Vaughn is not fond of those things kaya ibinigay niya na lang ang responsibility kay Breydon.

God. I can't still believe it. Maayos na ngayon ang President, and he's working again. Siya pa din ang President ng Dawnlens Corporation and..

I think.. mabait na siya.

Medyo?

Medyo mabait na ata. Hindi ko alam. Hindi ko pa naman siya nakakausap ng maayos.

"Tapos na kaagad?" I whispered to myself ng makita ko 'yung student na lumabas mula sa office ni Breydon.

Tumayo ako at lumabas ng office ko.

"Shocks, sobrang gwapo niya talaga." rinig kong bulong niya habang nag-lalakad kami palapit sa elevator.

"He is." nakangiti kong sagot sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin, "M-May girlfriend na po ba ang CEO?" she shyly asked me.

I quickly nodded my head, "Mayroon na." I answered.

Her eyes kinda widened, "T-Talaga po? Sino?"

Seriously? She's really asking me?

I sweetly smiled, "I'm the young CEO's girlfriend." I answered while smiling, "Off to go." itinuro ko ang elevator. Nag-bukas na kasi ito.

"H-Hala." she looked so surprised, "Kayo po pala ang girlfriend? S-Sobrang ganda niyo po, akala ko model kayo."

Young BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon