"Kamusta, ate? Nakita mo ba si Kuya Breydon?"
Pag-pasok ko pa lang sa loob ng bahay. Ayan kaagad ang salubong sa akin ni Allen.
"Oo." maikli kong sagot sa kanya. "Ma, Pa! May pasalubong po ako!" sigaw ko habang ibinababa ang mga binili kong pagkain sa lamesa.
Nakabalik na kami ni Sir Leandro dito sa Baguio. Sobrang nahihiya pa nga siya sa'kin dahil lasing na lasing daw siya kagabi. I said na okay lang 'yon, kung pwede ko nga lang sabihin na hindi ako natulog sa condo niya.
Shit.
Nakagat ko na naman ang labi ko ng maalala ang nangyari sa'min ni Breydon kagabi.
Miss na miss ata namin ang isa't-isa, pag-gising ko kasi no'ng umaga, madami akong nakitang condom packets sa sahig.
Argh. Kaya sobrang sakit ng sensitive area ko ngayon, eh. Hindi nga ako makalakad ng maayos kanina. Pero thankfully, nakakilos pa din ako ng maayos.
Iniwan ko ulit si Breydon na natutulog no'ng umalis ako. Medyo masakit, oo. Pero alam ko naman na alam niya na aalis na kami ng Manila.
'Yung nangyari sa'min kagabi..
Kahit panandalian lang 'yon, alam ko naman na pareho kaming naging masaya ni Breydon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal namin sa isa't-isa kagabi.
"Ate? Ayos ka lang ba?"
Napatingin ako kay Allen.
Shit. Nakatitig ata ako sa lamesa kanina.
"O-Oo." sagot ko, "Pagod lang ako. Aakyat na muna ako sa kwarto." paalam ko sa kanya. Nandoon pala sa farm sila Mama at Papa. Kaya pala naman no'ng sumigaw ako walang sumagot.
Pag-akyat ko sa kwarto ko, kaagad akong nag-linis ng katawan. Habang nagsasabon ako ng legs ko, hindi ko na naman maiwasang maalala ang mga haplos at halik ni Breydon sa katawan ko.
"Shit." nakagat ko na naman ang labi ko.
Argh. Tangina, Andrea?! Tanghaling tapat, oh! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo!
Napailing ako habang nagsasabon ng katawan ko.
Matapos kong maligo at maglinis ng katawan, dumeretso na kaagad ako sa kama ko para matulog. Sobrang sakit pa din kasi ng katawan ko.
Habang sinusubukan kong matulog, may pumasok na naman na imahe sa utak ko.
"Argh!" napabangon ako sa kama.
Hindi ba talaga ako titigilan ng mga memories na 'yon?! Tapos na, oh! Hindi na ulit mangyayari 'yon! Hindi na ulit kami magkikita ni Breyd—
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa side table. Tumunog kasi ito. Kinuha ko ito at tinignan—
Unknown number: It seems like you left without saying farewell to me.
Shit.
Nabitawan ko agad ang cellphone ko.
T-Tangina?!
Paano niya nalaman ang number ko?! Bagong number ko 'to, hindi niya dapat alam 'to!
Tumunog na naman ang cellphone ko.
Unknown number: It's fine. Maybe you're shy, baby.
Oh, God. Nakagat ko na lang talaga ang labi ko.
Unknown number: I appreciate you spending your evening with me.
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...