"We'll take the bullet train tomorrow morning."
God. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag-hintay ng panibagong oras na hindi nakikita si Breydon.
"Hindi ba pwede ngayong gabi?" tanong ko sa kanila.
"Walang byahe sa gabi, Andrea." sagot sa akin ni Bentley, "He is okay, so don't worry. I promise that he is doing well." hinawakan niya ang balikat ko.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya.
'Damn. Miss na miss ko na talaga si Breydon. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita, maramdaman, marinig.'
"Come on, take a rest." saad niya sa akin.
Nandito kami sa living area ng mansion nila. We're just done eating our dinner, wala nga akong gana kumain pero pinilit ako ni Bryce na kumain. I almost forgot na doctor siya.
"I'll take you to your room."
Dahan-danan akong tumango sa kanya.
Wala naman akong choice, kailangan ko talagang matulog. Feeling ko ay jetlagged na jetlagged ako.
"Nasaan si Bryce?" tanong ko sa kanya habang umaakyat kami ng hagdanan.
"Probably in his room." sagot niya sa akin.
Pag-dating namin sa guest room, binuksan niya kaagad ang pintuan.
"Your belongings have already been moved up there." he looked at me, "When you need something, simply knock on my door. That is my room." may itinuro siyang kwarto. Dalawang kwarto ang pagitan namin.
I nodded my head, "Thank you, Bentley." bahagya akong ngumiti sa kanya.
He also smiled, "Good night, Andrea." he uttered.
"Good night." sagot ko sa kanya.
Nang maka-alis na siya, pumasok ako sa loob ng guest room. Pag-pasok ko dito napatingin kaagad ako doon sa balcony.
'Sobrang ganda talaga dito.'
Lumapit ako doon at humawak sa railings.
Habang nakatingin ako sa buong syudad, pumasok na naman sa isip ko si Breydon.
'God. I missed you so much, baby. Sana makita ka na namin, please.'
Nang lumipat ang tingin ko sa malaking fountain na nasa gitna, napa-kunot ang noo ko ng makita si Bryce na naglalakad sa mahabang pathway. Papunta ata siya doon sa swing na naka-pwesto sa gilid ng malawak na garden.
"Andrea!"
When he saw me, sumigaw kaagad siya. He's gesturing na bumaba ako at pumunta sa kanya.
Dahil hindi pa naman ako inaantok, ginawa ko ang sinabi niya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" pag-lapit ko sa kanya, I asked him agad. Naka-upo siya doon sa swing.
"Take a seat." itinuro niya ang kabilang swing. Umupo naman ako dito.
Pag-upo ko, tumingin ako sa magandang view na nasa harapan.
'Hay. Napaka-ganda talaga dito. Ang ganda ng garden nila. Ang daming bulaklak, iba't-ibang klase ng bulaklak.'
"Do you want to know a story, Andrea?" he suddenly said habang nakatingin sa harapan.
Napangiti ako, "Alam ko na 'yan, Bryce." sagot ko, "Love story niyo ni Lili?" tumingin ako sa kanya.
His eyes kinda widened, "Lili, you're calling her Lili."
"Oo." I answered, "Tawagin ko daw siyang Lili, eh."
BINABASA MO ANG
Young Boss
RomanceBreydon D'Louvières, a driven and ambitious young CEO, finds himself in charge of his father's prominent corporation. Tasked with navigating the complex world of business, he meets Andrea La Delle, a committed employee who works under his supervisio...