Chapter 69
LIGAYA'S POV
Napa ngiti na lamang ako na tahimik na pinapanuod si Raven na abala sa pag guguhit na kong ano sa munti naming sala. Naka kalat na sa center table ang drawing books, libro at iba't-ibang mga pang guhit na kanyang pinag kakaabalahan ngayon.
Kasalukuyan naman akong nag hahanda ng aming hapunan ngayon at mabuti na lang wala akong pasok ngayon sa karinderiya ni Aling Rosa kaya't may panahon pa akong mag mag ligpit at mag ayos sa aming balay at mabantayan na rin si Raven.
Dapit alas singko pasado pa lang ng hapon at heto't nag hahanda. Marami pa kasi akong aasikasuhin kaya't inagahan ko na talaga ang pag luluto para sa gayun kakain na lang kami mamaya.
Hinalo ko muna saglit ang niluluto ko, na maamo'y ko na kaagad ang mabangong aroma na mag pagutom pa lalo sa akin muli. "Ang sarap na." Nawika ko na lamang base pa lang sa amoy at natigilan na lang ako na may humigit sa siko kaya't natigilan na lang ako. "Sandali lan——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na bumunggad sa akin ang kapatid kong si Lira.
Palihim ko na lang siyang sinuri na ngayon naka suot pa ito ng uniforme na animo'y kakauwi lang nito galing klase.
"Ate Ligaya." Hinatak niya ako pasiksik sa kusina na animo'y may pinag tataguan ito na palingon-lingon pa ito sa kaliwa't-kanan.
"Oh bakit Lira?" Taka ko na lamang na tanong.
"Ano iyon Ate?" Bulalas na tanong na lang nito na mag kasalubong na lang ang kilay ko. Huh?
"Alin na ano?" Taka kong tinig na kahit ako mismo, hindi ko alam ang ibig niyang ipahiwatig.
"Naka usap ko si Raven na pag sundo ko kanina sa school at nasabi niya sa akin na nag wo-work daw si Kuya Damian sa malayo. Ano iyon?" Anito na lang nito na mag karoon ng kasagutan kong bakit na lang siya umaakto ng ganiyan. "Alam mo naman na hindi totoo iyon, hindi ba?" Dugtong na lamang nito na maririnig ko na lang ang mabibigat niyang pag hingga pag katapos.
"Huwag ka ngang mainggay diyan, Lira." Saway ko na lamang ng mahina sakanya at bahagyang sinilip-silip ko pa si Raven sa maliit na sala, kabado kong narinig niya ang sinabi ni Lira.
Pinanuyuan naman ako ng laway sa aking lalamunan at tila ba'y nabunutan ng tinik ang dibdib ko na mukhang hindi naman neto narinig.
Naka titig pa rin sa akin si Lira, humihinggi ng kasagutan sa mga nangyayari na sinapo ko na lang ang mukha ko.
"Nag tanong kasi si Raven sa akin kahapon tungkol sakanyang Ama at sinabi ko lang, na wala na siya." Pag bibitin ko na lamang na lalo pang kumunot ang noo nito.
"Wala na ano?"
"Alam mo na iyon Lira." Wika ko na lamang. Ewan, iyon na lang ang sinabi ko para sa ganun hindi na siya mag tanong pa tungkol kay Damian. Hindi ko naman na aabot pala sa ganito ito. "Hindi ko akalain na mag asseum na lang si Raven, na nag trabaho si Damian sa malayo kaya't hindi namin siya kasama ngayon." Mababa ko na lamang na tinig at sabay buntong-hiningga na lang ng malalim.
"Hinayaan mo na lang na iyon ang paniwalaan ng bata Ate? Alam mo naman, na hindi iyon totoo diba?"
"Alam ko Lira, wala na akong nagawa." Kina-silip ko naman muli si Raven na abala pa rin sa pag guguhit at puno ng lungkot ko na lang siya tinitigan.
"Paano mag tanong siya ulit sa'yo? Ano na ang sasabihin mo lalo't hindi naman totoong nag trabaho sa malayo si Kuya." Giit ko na lamang muli na kahit ako mismo, hindi ko alam ang maisasagot ko.
Bahala na."Alam ko ang ginagawa ko Lira at tyaka humahanap rin naman ako ng tyempo na maka usap at sabihin rin kay Raven ang totoo." Wala sa sariling napa ngiti na lang ako na ngayo'y pinapanuod ko siyang abot-langit na ang ngiti habang gumuguhit siya ngayon sa munti naming sala.
Ngayon ko pa lang siyang ngumiti ng ganito, na katamis at kaaliwalas.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
Любовные романыDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...