Chapter 98
DAMIAN'S POV
"Good morning Sir." Iilan lamang iyan sa bati kay Damian na nag lakad siya pababa nang hagyan. Kusa na lang tumitigil para batiin at mag vow ang mga katulong na maka salubong niya, na kina taas niya na lang ng noo.
Nasa loob ng bulsa ang isa niyang kamay samantala naman ang isa, inaayos ang black necktie na suot habang nag lalakad.
Matagumpay siyang naka baba sa unang palapag na kaagad naman siyang sinalubong ni Rafael na bihis na bihis. Yumuko ito sa harapan niya tanda ng pag galang at pomosisyon na tumindig, para hintayin kong ano man ang kanyang ipag uutos.
"Ihanda mo na ang sasakyan, aalis na tayo." Matabang niya na lang na utos dito.
"Yes Sir." Magalang na lang na salita ni Rafael at hindi na nag paatubili pang kumilos para sundin ang kanyang utos.
Manggas siyang tumindig sa malawak na living room, na pinasadahan niya na lang ng tingin ang kabuang Mansyon. Tumingin na lang siya sa rolex watch na pasado alas nuwebe pa lang ng umaga, tamang-tama na hindi pa man siya late sa meeting sa kliyente.
Naagaw na lang ang atensyon ni Damian na marinig na lang na munting na hagikhik na tawanan mula sa labas ng Mansyon. Masayang kulitan na tila ba'y nag lalaro na kaagad naman nahila ang atensyon niya para hanapin na lang kong saan nag mumula ang tawanan na iyon.
Mula sa gilid natanaw niya na lang ang malaking glass window kong saan nakita niya ang magandang tanawin at garden mula sa labas, na napapalibutan iyon ng kulay green na mga panananim, halaman at samo't-saring makukulay na mga bulaklak. Napaka ganda ng panahon, ng sandaling iyon kulay asul ang kalangitan na makita na lang ni Damian ang dalawang tao na nag kakasaya mula sa munting harden.
Nakita na lamang ni Damian si Ligaya kasama nito si Raven sa labas, at nag kakasaya ang dalawa.
Simpleng maong na white na suot lang ang suot ni Raven at pang itaas naman ang polo na dark blue na napaka aliwalas ang ngiti sa kanyang labi."Hahaha!" Tawa na lang ni Raven at napunta naman ang mata ni Damian sa gawi ni Ligaya na nakikipag laro siya sa anak.
Pasimple niya na lang pinag masdan si Ligaya na naka suot ito ng kulay puti na dress na bagay na bagay sakanya na humubog ang magandang katawan na kahit nanganak na ito, hindi pa rin halata. Lumitaw na lang ang kulay itim na kasing gabi na kanyang buhok at lumabas ang mala nyebe na kutis nito.
Napaka natural lang naman ang ganda ni Ligaya na kahit wala siyang suot na make-up subalit nakaka bighani naman talaga sa kanyang kagandahan na simple lang at nakaka akit. Ang inosente at maganda niyang mukha, na hindi talaga siya mag sasawa na pag masdan ito mula sa malayo.
Ang kanyang natural na mamula-mula ng kanyang pisngi at labi.
Ang kanyang ngiti kasing liwanag at ganda ng panahon."Hahaha! Tama na po Inay, nakikiliti po ako." Hagikhik na munting tawa na lang ni Raven na yakap-yakap ni Ligaya ang anak at hindi tinigilan na patulsong kilitiin ito sa kanyang leeg at tagiliran.
"Talaga ba? Nakikiliti ka?" Patuksong wika ni Ligaya na maririnig mo na lang ang masarap nilang tawanan at kulitin. "Mukhang hindi naman eh. Saan ba ang kiliti mo? Dito ba?" Tinaas na lang ni Ligaya ang kanyang kamay papunta sa leeg ni Raven kaya't doon na lang narinig ni Damian ang munting hagikhik na tawa ng kanyang anak na nakikiliti na nga sa ginagawa ni Ligaya.
"Haha, Inay!" Impit na tawa na lang ni Raven na lumitaw ang pamumula ng kanyang mukha sa ginagawang pag haharutan nilang dalawa.
"Eh, hindi naman nakikiliti ang anak ko. Dito ko kaya siya kilitin." Tinaas ni Ligaya ang kanang kamay na ilalapat niya ang kamay niya sa tagiliran para kilitin ang anak niya kaya't hindi pa man iyon nalapat kaya nag halakhak na lang ng malakas si Raven muli.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...