Chapter 101

85 3 2
                                    

Chapter 101

LIGAYA'S POV

Nagising na lang ako na walang kadahilanan, sapo-sapo ko ang mukha kong naupo sa malambot na kama at katahimikan ng silid ang sumalubong sa akin.

Sandali, anong oras na ba?

Napa tingin ako sa wallclock at pasado alas sais pa lang pasado ng umaga, doon ko lang napag tanto na ako na lang ang mag isa sa silid.

Umalis na si Damian?

Wala na akong nakitang anumang bakas niya sa loob ng silid.

Matapos no'ng nangyari kagabi, na nilabas niya ang kanyang saloobin at umiyak siya sa aking balikat hanggang doon na lang siya naka tulog.

Ramdam ko ang bigat at sakit na pinag daanan ni Damian sa pag kawala ng kanyang mga magulang.

Sa ilang minuto na pag uusap naming dalawa, doon ko lang nakita ang totoong side ng kanyang ugali
at nadarama.

Doon ko naintindihan kong bakit napaka layo ng kanyang loob sa mga tao sa paligid niya.

Nalaman ko kung bakit mas pinili niyang maging malamig at maging matigas na kasing yelo ang kanyang puso sa kanyang pinag daanan.

Mariin ko na lang pinikit ang aking mga mata at sa pag mulat ko ng mata ko, napag pasyahan ko na lang na tumungo sa banyo para makapag hilamos at makapag palit na rin ng maayos na damit.

Simpleng pang bahay na lang ang aking sinuot at pag katapos napag pasyahan kong puntahan na si Raven sa kanyang silid para asikasuhin ito. Ilang minuto lang sabay na kami ni Raven pababa ng hagyan para makakain ng almusal.

Naka suot na si Raven ng uniforme niyang terno pag pasok na kay aliwalas at sigla ang ngiti sakanyang labi samantala naman ako naka sunod sakanya sa likuran, at bitbit lamang ang kanyang bag.

"Raven, huwag kang tumakbo at baka madapa pa." Habol ko na lamang sa anak ko na ngayo'y nauna na ito sa pag bababa sa hagyan na tila ba'y nakikipag habulan ito.

"Hehe." Imbes lamang na makinig sa akin, nag patuloy lamang ang munting hagikhik niya at nag mamadali na kumilos na animo'y hinahabol ko ito. "Bilisan mo na Inay," huminto muna saglit si Raven sa pag lalakad at pasadya lamang na lumingon sa direksyon ko para ayain na akong bilisan na ang pay sunod sakanya.

Bago ko maibuka ang aking bibig na nag mamadali nang kumilos si Raven na tumakbo muli palayo sa akin. "Sandali lang, Raven. Raven." Patuloy ko na lamang na pag tawag sakanya na dire-diretso lamang siya sa pag takbo.

Munting pag hagikhik na lamang na pag tawa ni Raven ang iyong marinig na pumunta na ang bata sa malawak na sala.

"Bilisan mo na po, Ina——-" hindi na natapos ng batang si Raven ang kanyang sasabihin na bigla na lang siyang nabangga ng matigas na bagay kaya't napa hinto na lamang ito. Napa sapo na lang ang bata na hawak ang kanyang noo, dinarama ang pag kabunggo.

Tuminggala na lang ang bata para alamin kong sino iyon, na namilog na lang ang mata niya na makilala kong sino iyon.

Bumunggad na lamang kay Raven ang seryoso at masungit na mustra ni Damian na tinignan lamang ang bata na kay lamig. Ayos na ayos na si Damian, suot ang marangya at kulay itim na mamahalin na suit, na lalo pang nag paanggas at bigay seryosong awra sakanya.

Mariin na lang napa lunok ng laway ang batang si Raven, umatras ng kanyang paa na bigla kaagad natakot sa presinsiya ni Damian.

Yumuko na lang ang batang Raven, hindi siya sanay sa malamig at nakaka takot na pag suri sakanya ni Damian sa paraan na titig. Naging malikot na ang mata ng batang si Raven, bigla kaagad ito nanahimik sa pag dating ng kanyang Ama at nahihiya kaagad.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon