Chapter 107

87 2 0
                                    

Chapter 107

LIGAYA'S POV

Siya?

Anong ginagawa niya rito?

Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko kaagad ang matalim na titig na pinukulan niya sa akin.

Tumaas pa ang kabilang kilay niya na medyo pasunggit na hindi niya nagugustuhan ang presinsiya ko at pag katapos na hinakbang niya ang kanyang paa palapit sa akin. Nanatili lang akong naka tayo hanggang pinili niyang tumabi sa akin, na maramdaman ko kaagad ang mainit na tensyon na gusto niyang simulan.

Nakikita ko ang presinsiya niya sa gilid ng mata ko, na tinitignan niya ang repleksyon niya sa salamin at inayos ang kanyang buhok. "Familiar ang mukha mo sa akin, ikaw iyong naka sama ng guwapong lalaki, na nakita ko sa restaurant kanina." Pag bubukas niya ng usapan sa pagitan naming dalawa ngunit naroon na may gusto siyang ipahiwatig. "Hmft, hindi ka naman pala kagandahan sa malapitan." Nanunuya niyang tinig, na iniling pa ang kanyang ulo na lamang na matigilan na lang ako.
Aba, aba.
Nang iinis ba ang isang ito?

Bigla na lang ako nairita sa kanyang sinabi na pinipigilan ko na lang ang pag titimpi ko na makapag bitaw ng anumang salita sakanya.

Parang wala lamang sa babae ang kanyang sinabi, na nag pa cute pa ito sa harapan ng salamin at nilabas niya ang kanyang purse. Kinuha niya sa loob ang pulang lipstick at simulan na lagyan ang kanyang labi, para patingkadin pa ang kulay no'n.

Nang matapos siyang mag lagay, binalik niya kaagad ang kanyang nilabas sa purse at humarap na rin sa akin sa wakas. Naka pamaywang pa siya kaya't humarap rin ako na hindi mag papatalo, hindi nag bago ang mustra ng mukha niya kong paano niya ako tignan, na galit na lang ang lumukob doon.
Ano ba ang problema ng isang ito?

Nang aasar na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, kinikilatis ang mukha at itsura ko ngayon. Naka awang na ang kanyang labi, na pinag halong nasusuka at inggit ang nababasa ko sa kanyang mga mata. "You're outfit, ang dating mo sa akin ngayon na isa kang katulong na sinisimulang i seduce ang kanyang Amo. Ts." Napa iling pa ito ng kanyang ulo at napa awang na lang ako ng labi sa gatong niya. "Pinapakita at binabalandra mo ang iyong katawan sakanya, para ano? Para magustuhan ka niya? Para maakit mo siya? Huwag kanang mangarap pa, hindi mag kakagusto si Damian sa'yo."

Aba, ang galing naman ng babaeng ito.
Alam niya pa talaga ang pangalan ni Damian.

"Huh, at bakit. Kanino ba dapat siya, mag kagusto sa'yo?" Nag simula na rin talaga ako mairita sakanya.
Ang lakas naman ng hangin ng babaeng ito.

"Oo." Taas-noo na wika na lamang nito. "Ako lang ang kanyang magugustuhan, kaysa naman sa isang cheap na katulong na kagaya mo." Panunuya na wika na tinignan pa ako muli mula ulo hanggang paa, na nang iinsulto.

Aba, Aba.

Tinawag niya akong katulong?
Gusto ata ng babaeng ito masapak!

"Anong tawag mo sa akin? Katulong?" Pag uulit ko na nilapit ko ang sarili ko sakanya.
Imbes matakot ang babae, buong tapang niya rin akong hinarap na hindi siya mag papatalo.

"Bakit hindi nga ba? Isa ka lang Nanny, nag babantay ng kanyang anak." Asik niyang muli at napa awang ng kanyang labi. "Gusto ko si Damian, at balak ko siyang maging akin. Hindi ako makakapayag na isang cheap at lowclass na katulong na isang kagaya mo ang haharang sa pag mamahal ko sakanya!" Bago pa ako makapag salita pa, na binunggo niya ako sa balikat ng kay lakas at dire-diretso siyang nag lakad palabas ng restroom.

Naiwan na lang akong naka tayo sa loob ng restroom at sinundan na lang siya hanggang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Inis na napa suklay na lang ako ng aking buhok gamit ng aking palad na nangangalaiti na lang sag alit.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon