Chapter 82

95 4 1
                                    

Chapter 82

LIGAYA'S POV

Pasimple ko na lamang tinignan si Damian, na ngayon kasama ko sa pag lalakad. Mag katabi lang naman kaming dalawa subalit, may distansiya naman ang layo ko na ayaw talagang mag padikit sakanya.

Kanina pa ako pasulyap-sulyap na nag nanakaw ng tingin, maya't-maya kong sinusuri ang kanyang itsura na naka pako lang ang mata nito sa daan at napaka seryoso na tila ba'y alam na alam niya na kong saan siya pupunta at lulusot.

Kanina pa hindi maipinta at naka busangot na ang mukha ko sa inis, na kanina ko pa siya kinu-kumbinsi na umalis at huwag akong samahan ngunit naging mapilit pa rin siya.
Tinataboy ko na nga siya pero nag bingi-bingihan lamang ito.

Nakaka banas.
Nakaka irita lang talaga siya!
Kaasar!
Ano ba talaga ang trip ng lalaking ito?
Hindi niya ba alam na galit ako sakanya, na ayaw ko siyang makita?

Ang matalim kong pag titig sakanya ang palatandaan kong gaano ako naiinis sa kanyang presinsiya ngayon.

"Kong may gusto kang sabihin, sabihin mo na at hindi iyong titigan mo na lang ako na ganiyan kasama, Ligaya." Matabang na salita ni Damian na hindi man lang talaga nag tangka ang mokong na tignan ako sa mata.

Naka pako lang ang mata niya sa daan, na kina- labas pa lalo ng usok sa ilong ko.

"Ano ba talaga ang plano mo Damian?" Diretsa ko ng tanong dahil ayaw ko ng mag paligoy-ligoy pa. Matapos ang ginawa niyang pag papahirap sa akin tapos aakto na mag papakita sa akin, na parang wala lang?

Saan niya hinuhugot ang tapang at kakapalan ng mukha niya?

"Diretsahin mo na nga ako, ano ba talaga ang kailangan mo? Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko na ayaw kong makita ka?" Mahina subalit galit ko pa rin na tinig. "Bakit nag pupumilit ka pa? Umuwi kana nga sabi eh, baka tanawin ko pang utang na loob sa'yo itong ginagawa mong pag hatid sa akin ngayon."

"Ts, ibang klase ka talaga mag isip!" Anito. Iling nitong wika na humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa strap ng sling bag ko. Doon ko hinuhugot ang sama ng loob na hindi ko maganti-ganti sakanya.
Sarap niya talagang bugbogin.
Nakaka asar na. "Naiisip mo pa ba talaga ang bagay na iyan?" Napa iling na lang nitong wika na mang aasar ang lalo pa akong mangalaiti sa inis lalo.
Nakaka banas talaga siya
Ughh.

"At bakit hindi?" Pag tataray kong napipikon na sakanya. "Doon naman pupunta diba? Pinapahirapan mo ako kagaya ng parati mo sa akin ginagawa kaya't doon lang naman ito papunta. Kaya't sinasabi ko sa'yo hindi na ito bebenta sa akin Damian. Tigilan mo na ito at pwede bang tantanan mo na ako dahil hindi naman talaga kita kailangan p——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na kusa na lang huminto si Damian kaya't napa tigil na rin ako.

Hindi ako naging handa sa susunod niyang gagawin at humarap siya sa akin, niyuko niya ng konti ang sarili niya kaya't nanikip na lang ang pag hingga ko na ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Nanatili lamang akong naka tayo sa harapan niya na sapat na sa akin mapag masdan ang misteryoso at guwapo niyang mukha.

Mula sa kinatatayuan ko, naamo'y ko kaagad ang mabango at mamahalin nitong pabango na gamit at. Ang kanyang mata naman puno ng lagkit at kakaibang emosyon ang nag lalaro doon na kahit ako hindi ko mabasa.

"Huwag kang mag alala, hindi kita sisingilin sa pag sama ko ngayon sa'yo." Sumilay na lang ang kapilyuhan sa kanyang labi.
Ay wow!
Dapat pa ba ako mag pasalamat doon?
Hindi naman kita pinilit ah?
Ikaw lang kusang nag insist na ihatid ako.
Bwisit talaga.

Nilapit pa lalo ni Damian ang sarili niya kaya't sumikip na lang ang pag hingga ko na dumapo na sa balat ko ang mainit niyang hiningga na mag painit sa aking nararamdaman.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon