Chapter 24

83 1 0
                                    

CHAPTER 24

LIGAYA'S POV

Nagising na lamang ako sa malamig na simo'y ng hangin na tumama sa aking balat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kaagad sa akin sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Dakila na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Mag kaharap kaming mag katabi sa papag at kasalukuyan naman na naka patong ang ulo ko sa kanyang braso na ginawa ko na iyon na unan. Ilang dangkal na lamang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, na maka ramdam naman ako ng init sa katawan ko na tumatama ang mainit niyang hiningga sa balat ko.

Sa ganun na posisyon, malaya kong napag mamasdan ang kanyang itsura at ang simpleng pag dikit ng katawan namin ang mag bigay init sa pakiramdam ko na napapaso naman ako.

Ilang segundo akong napa titig sa guwapong mukha ni Dakila, malaya iyon pinag aaralan ng mabuti. Kusa na lamang akong napa titig sa kanyang makapal na mga kilay.

Mayron siyang matangos na ilong at manipis at mamula-mulang malambot na labi.

Mayron siyang perpektong panga at makinis na kutis.

May konting tumubo na rin na konting balbas kay Dakila subalit hindi pa rin makakabawas sa kanyang natatanging charisma at kakisigan na taglay.

Napahinto na lamang ang aking mata sa mga mata ni Dakila.

Ang mga mata na iyon, puno ng lamig at ang bibigay sa akin ng kakaibang mysteryoso sa tuwing napapa-titig ako doon. Sa likod naman ng masungit niyang pinapakita sa akin na emosyon, at hindi ko siya lubusang kilala. Alam ko sa sarili kong mabuti siyang tao.

Sino ka ba talaga, Dakila?
Ano ang iyong tunay na pag katao?

Tanong ko na lamang sa isipan ko ng sandaling hindi inaalis ang mata ko sa kanyang mukha.

Wala sa sariling tinaas ko na lamang ang kaliwa kong kamay at natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahaplos ang malabot na pisngi ni Dakila, na wala sa sariling napa ngiti na lamang ako.

Hindi na lang mawala sa isipan ko, na maalala ang mainit na sandali na pinag saluhan naming dalawa.

Ang mainit na sandali, na pinamumulahan na lamang ako ng mag kabilang pisngi sa hiya na tuluyan ko ng naibigay ang sarili ko kay Dakila.

Hindi ko lubusang akalain na ganun iyon kasarap at kainit ang aming pag tatalik.

Uminggos na lamang si Dakila sa pag kakatulog kaya't inalis ko na muna ang kamay kong humaplos sakanyang mukha.

Lumingon-lingon pa ako sa paligid, humahanap lamang ng tamang tyempona makakaalis. Dahan-dahan at puno ng pag iingat na tinaas ko naman ang kamay ni Dakila na naka yakap sa akin para makapag handa ng maka luto ng agahan.

Mainggat ang aking kilos at galaw, na sinisiguro lamang na hindi magigising at maiistorbo ito sa mahimbing na pag kakatulog. Matagumpay ko naman na maialis ang kamay ni Dakila at sinunod ko ng alisin ang kumot na naka takip sa hubot-hubad naming katawan na dalawa. Inipon ko na ang buong katawan kong gumalaw na walang tunog at tatayo na sana ako, napa igtad na lamang ako na bahagyang kumirot naman ang pagitan ng hita ko.

"Ahh,"mahinang ungol ko na lamang. Simpleng pinasadahan ng tingin na lamang sa tabi ko si Dakila, na mapa natag naman ang loob kong hindi ito nagising.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko, at hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil hindi ko lubusang akalain na totoo nga talaga ang sinabi sa akin ni Tiya Belinda na masakit nga talaga sa una.

Nag palingon-lingon ako sa paligid at tinignan ko na rin sa ibaba ng papag kong naroon nga talaga ang mga damit ko, na pinag tatapon kung saan-saan na mapa nguso na lamang ako na wala iyon doon.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon