Chapter 54

61 1 0
                                    

Chapter 54

LIGAYA'S POV

"Ano ba! Diyan ka lang! Hindi mo ba ako narini——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, na lumapat na lang ang likod ko sa matigas at malamig na puno. Nanginig ang aking kalamnan na lumingon sa likuran ko, nag danak lamang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na wala na akong takas pa.
Wala na akong matatakbuhan pa.

Narinig ko na ang malakas na tambol ng puso ko sa takot na dahan-dahan na lumingon sa gawi ni Bughaw sa harapan ko na ngayo'y domoble ang galit at kakaibang ngisi na sumilay sa kanyang labi.

Napaka dilim ng kanyang aura ngayon, na mas nakakatakot pa siya at tila ba'y napaka bangis siyang hayop sa harapan ko na anumang oras kikitil ng buhay.

Apat ang hakbang ang layo sa akin ni Bughaw at maluha-luha naman ang mata kong napa tingin na lang sa braso ko na ngayo'y hawak pa rin na ngayon, na umaagos ang sariwang dugo. Ramdam ko ang matinding kirot at hapdi mula sa sugat ko pero, tiniis ko lang.

Anong gagawin ko?
Paano na ito?

Naging blangko na ang isipan ko sa mga nangyari at
pasimple na lamang akong lumingon sa kaliwa't-kanan ko para humanap ng daan na maka takas.

Para maka hanap ng pag kakataon, na makakalayo sakanya subalit sa bawat segundo at minutong tumatakbo lalo lamang dinadaga ang dibdib ko sa takot, na wala akong makitang tao na pwede kong hinggan ng tulong.

"Wala kanang takas pa ngayon, Ligaya!" Humigpit na lang ang pag kakahawak ni Bughaw sa hawak nitong patalim at pinosisyon niya na iyon na hinawakan.

Maliksi at parang kisap-mata lamang kabilis ang kanyang pag atake, ambang itatarak sa akin ang hawak na patalim na kaagad naman akong naka iwas.

Tuluyan na akong nag hina na tumarak na tumama ang patalim sa puno ng kahoy, at isang pulgada lamang ang layo ng tulis ng kutsilyo sa kina-tatayuan ko na kamuntik na akong matamaan

Maluha-luha na lamang ang mata ko sa takot lalo't nag siklab lamang ang nanlilisik na mga mata ni Bughaw sa galit na hindi niya ako natamaan. Taranta na inatras ko ang paa ko palayo, na ramdam ko na ang pang hihina ng tuhod ko sa takot.

Hinugot na lang ni Bughaw ang hawak na patalim, na naka tarak sa puno ng walang kahirap-hirap. Nanalaytay na lang ang kilabot sa kalaman ko, na marinig na lang ang tunog ng pag bunot niya doon na palatandaan na kailangan kong umiwas.
Kailangan kong maka takas.

Sa pag kakataon na ito, swinerte pa ako na naka ilag sa kanyang pag atake.
At baka sa susunod, hindi na ako maka takas pa.
Baka sa sunod, hindi na ako maka iwas pa.

Parang naging slow-motion lamang na humarap sa akin si Bughaw at naka ambang pa rin na hawak ang patalim na hawak.

Atras lang ako nang atras palayo sakanya samantala naman siya hinahakbang niya ang paa niya palapit sa akin. Sa bawat yabag ng kanyang paa, nanunuot ang kilabot at hilakbot sa aking puso lalo't ang mata niya'y nakaka takot.
Lalong naging hagok na paslangin niya ako.

"Diyan ka lang, huwag kang lalapit." Banta ko na lamang na matapang na tinig at kahit takot na takot na ako, pinapakita ko pa rin na matapang ako kahit sa loob-loob ko kinakain na ako ng takot sa aking puso.

Ayaw kong ipakita na mahina ako at baka gamitin niya iyon pang laban sa akin.

"Huwag kang lalapit, diyan ka lang!" Asik ko na lamang na imbes sumunod siya sa akin, nag patuloy lamang niyang hinahakbang ang paa niya palapit sa akin. Para bang naging bingi-bingihan lang siya sa mga sinasabi ko na, pag hinaan pa ako nang husto. "Ang sabi ko, h-huwag kang lalapit!" Malakas kong sigaw at malakas kong binato sakanya ang hawak kong basket, na kaagad naman akong napa kurap ng mata na sinangga niya lang iyon na walang kahirap-hirap na kadahilanan na tumalsik na lang iyon kong saan.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon