Chapter 48
DOLORES POV
Dapit alas nuwebe pa lang ng umaga bihis na bihis na ako. Mag kadikit lamang ang palad kong tinatahak ang daan sa isang pribado at kahit na sino napaka-hirap pasukin. Wala man lang ka amor-amor ang aking mukha habang nag lalakad, naging matabang at walang bahid na anumang emosyon lamang iyon na pinapasadahan ko ng tingin ang bawat madaanan ko na mga tauhan.
Naka sunod naman si Bughaw sa aking likuran at sinisiguro talaga nitong walang sino man ang mag tatangkang manakit sa akin. Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko na habang pumapasok kami sa pribado na lupain parami nang parami ang nakikita kong naka bantay na mga tauhan.
Naka posisyon silang naka hilera na naka bantay na bawat sulok at kanto, mukha nila ang iyong makikita. Nakaka takot ang kanilang mga itsura na kahit na sino walang mag papangahas na sila'y galitin lamang.
Nakakatakot ang lugar na iyon na nababakuran ng makapal at napaka taas na bakod na kahit sino mahihirapan na maka pasok dahil lamang sa higpit ng securidad ng paligid. Isa-isa ko lamang pinasasadahan ng tingin ang mga nakikita ko sa aking pag lakad hanggang ilang sandali pa napa hinto na lamang ako na sa pinaka dulo sumalubong kaagad sa aming pag dating ang dalawang tauhan, na malalaki ang kanilang mga katawan na naka harang sa daan.
Huminto naman ako sa aking pag lakad at ganun rin si Bughaw sa likod ko. Sa isang matalim at maka hulugang senyas lamang, kusa silang tumabi para bigyan kami ng pahintulot na pumasok.
Matalim ang pinukulan kong titig sa dalawang bantay na mga lalaki, hindi ko man lang binababa ang sarili ko kahit na sino.
Mataray akong tumitig sakanila at hinakbang ko na ang aking paa palampas sakanila na maririnig mo na lang talaga ang mabibigat na yabag ko.
Naka sunod lamang si Bughaw sa likuran ko at pag lampas namin sa mga tauhan, kaagad naman bumalik ng pwesto ang taga bantay sa kanilang mga posisyon na naka harang sa daan.
Mag kasama naming tinatahak na walang nag salita lamang, hanggang dinala ang aking paa sa isang pribado at pinaka dulo na bahagi kong saan lamang naka piit ang isang taong gusto kong makita.
Taong gusto kong alamin ang kanyang kalagayan.Tumigil na lang ang mabigat na yabag ng paa ko sa isang katamtaman lamang na kwarto at sumilay na lang ang matamis na ngiti na makita ito.
"Kumusta kana, Makisig?" maka hulugang kong tinig at hindi ko inaalis ang mata ko sa isang lalaki.
Naka-sandal itong naka upo sa pader at naka patong ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod. Naka yuko ito at tila ba'y napaka lalim ng iniisip at base pa lang sa ayos nito na kanina pa ito sa kanyang posisyon.
Pasimple ko na lang na pinag masdan ang silid, masikip, madumi at wala masyadong pumapasok na liwanag roon. Matibay ang mga pader na kahit sino man naka piit na naka kulong doon, hindi basta-basta makaka takas.
Simple ko na lamang pinag masdan si Makisig na ngayo'y isang t-shirt na luma at pantalon na maong na suot nito. Nabahiran ng dumi ang katawan nito, bakas rin ang natamong galos at sugat sa katawan nito na mukhang napuruhan siya masyado kong titignan.
Katahimikan ang sumagot sa akin at mabibingi kana lang talaga na wala itong kibo pa rin. Umayos ako ng tindig at hindi ko inaalis ang mata ko sakanya na naka yuko pa rin ang ulo at ang tingin naman naka pako sa sahig.
Ilang sandali pang pag hihintay unting-unti na umanggat ng ulo si Makisig, parang slow-motion lamang ang pag tagpo ng mga mata namin na animo'y hinihigop niya ako sa paraan na malamig na titig nito.
Nakakakot ang mga mata nitong nag babanda na sa paraan na titig lamang.
"Oh bakit galit na galit ka sa akin? Nag tatanong lang naman ako sa'yo Makisig. Oh ano na? Kumusta ang tulog mo dito, masarap ba?" pag iinis ko at hindi naman ako nabigo doon.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...