Chapter 100

99 3 1
                                    

Chapter 100

LIGAYA'S POV

Hinaplos ko na lang ang buhok ng mahimbing kong natutulog na anak. "Goodnight my little sweet Raven." Hinalikan ko siya sa pisngi at hindi na maitago ang lungkot na gumuhit sa aking mga mata na pinag mamasdan siyang natutulog.

Inayos ko pa ang comforter na naka takip sa kanyang katawan, nanatili pa ako ng ilang segundo bago ko napag pasyahan na tumayo at lumabas sa kanyang kwarto.

Buong ingat ang aking galaw na sinarhan na lang ang pinto para hindi maka gawa ng anumang tunog na makaka gawa ng mag papagising kay Raven. Pag labas ko na lang sa silid, malawak at tahimik na hallway ang sumalubong sa akin.

Wala akong nakitang ibang tao bukod sa akin at wala na rin akong nakitang mga katulong. Pinag palagay kong kasalukuyan na silang nag papahingga ngayon dahil dapit alas dyes pasado na ng gabi. Bukas na bukas pa rin ang ilang ilaw sa bahagi ng Mansyon kaya't hindi na rin alintana sa akin na makita ko ang nilalakaran ko.

Hindi na muna ako dumiretso sa silid ko dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya't napag pasyahan ko na muna na mag palipas muna ng oras kahit sandali na mag libang.

Ilang minuto kong pag lalakad hanggang dinala ang aking paa sa ikatlong palapag ng Mansyon. Pag punta ko roon bumunggad na lang sa akin ang malawak na hallway kagaya no'ng unang palapag ngunit marami rin akong nadaanan na mga pinto sa kaliwa't-kanan ko, na hindi ko alam kong ano ba talaga ang laman no'n.

Ito rin ang unang pag kakataon na maka punta ako rito dahil hindi naman ako madalas magawi rito na mamasyal. Kadalasan kasi hanggang pangalawang palapag lang ako nag lilibot pati na rin doon sa labas ng Mansyon kaya't hindi rin familiar sa akin kong ano ba ang mayron rito.

Mula sa ikatlong palapag, nasilayan ko ang iba't-ibang mga mamahalin na display sa gilid ng hallway na malayong-malayo sa mga nakikita ko sa ika dalawang palapag. Nalibang na rin ako sa pinapanuod ko lalo't na sa mga abstract na mga painting at iba pang mga imahe na naroon.

Palinga-linga lang ako sa kaliwa't-kanan na isa-isa kong pinapasadahan ng tingin ang mga naka display doon. Di hamak na namamangha naman talaga ako dahil na rin ito ang unang masilayan ko ito.

Sa aking pag lalakad, bigla na lang naagaw ang aking atensyon na masilyan na lang ang isang malaking painting na naka sabit sa pader sa kabilang bahagi, na naka pwesto iyon tatlong pinto bago sa pinaka dulo ng Mansyon na.

Tumapat na lang akong tumayo sa harapan ng malaking painting na doon ko lang napansin na lang ang painting ng mag asawa, na kong pag mamasdan mo tila ba'y napaka tagal na iyon ginawa base pa lang sa kalidad at itsura na nalipasan na ng mahabang taon.

Nakita ko na lang isang family painting na naka suot sila ng pormal na kasuotan. Bale naka upo sa mamahalin na cleopatra chair ang isang babae na napaka ganda at napaka puti ng kanyang kutis na mala nyebe. Nag lalaro ang itsura niya sa 28 years old base pa lang sa kanyang mukha na kahit simple lang ang ayos niya bagay na bagay naman sakanya. Balingkinitan at napaka ganda ng katawan ng babae na naka suot siya ng mamahalin na tube red dress. Bumagay rin ang kulay dark red niyang buhok na naka tali pa iyon na messy bun at may naka laylay na hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang pisngi.
Naka ngiti ang babae sa nasabing painting at napaka aliwalas ng kanyang aura at mukha.
Sa likuran naman ng babae, doon naman naka pwesto ang isang lalaki na segudo nasa trenta na ang edad. Naka suot ng itim na americana na kasuotan at napaka seryoso at formal ng kanyang dating na tila ba'y napaka class base pa lang sa kanyang itsura.
Guwapo ang nasabing lalaki na may balbas siya ngunit hindi naman maitago na may itsura nga ito. Seryoso ang lalaki sa litrato na medyo may pag ka strict subalit bagay naman sakanya iyon.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon