Chapter 71

98 4 2
                                    

Chapter 71

DAMIAN'S POV

The heck.

What is this?

Bakit, kamukhang-kamukha ko ang batang ito?
Bakit, napaka raming pag kakatulad ko sakanya?
I could feel it.
Mayron sa parte ng puso kong kilala ang batang ito, pero hindi ko alam kong bakit.

Sino ito?

Ilang segundo akong napa titig sa inosente at guwapong mukha ng batang lalaki na animo'y parang nanalamin lamang ako sa aking sarili na mag kahawahig na mag kahawig kaming dalawa.

Mariin na lang akong napa lunok ng laway, na bahagyang gumalaw ang adams apple ko na parang hindi tama ito.

Nakipag titigan rin naman sa akin ang batang lalaki, nakita ko ang pag kainosente sa bawat kilos at galaw nito at nakikiramdama lamang.

"Raven, Raven." Naputol na lamang ang tensyon na marinig ko ang pag tawag ng isang babae. Isang babae na paparating at tumatakbo patungo sa gawi namin.

Sa isang iglap lamang, nag bago ang emosyon na aking pinapakita hanggang tumigil na lamang ang babae sa harapan namin at humawak siya sa balikat ng bata.
Hinahabol ang kanyang pag hingga na animo'y tumatakbo ito para lamang maabutan ang bata.

"Ikaw talagang bata ka, pinagod mo pa ako sa pag habol sa'yo." Patuloy na sermon lamang ng babae subalit mababa at malambing lamang na paraan na pananalita nito.  Kinikilatis ko naman ang babae na bagong dating na katamtaman lamang ang pangangatawan nito at bata pa lang ang itsura. Base sa paraan ng pananamit na suot nito, isa siya sa mga guro dito. "Huwag kanang umalis at tumakbo ng ganun ha? Pinag alala mo talaga ak——-" hindi na natapos ng babae ang anumang sasabihin na mapansin nito ang aking presinsiya.

Namilog lamang ang mata ng babae at bahagyang nahiya na hindi maipaliwanag ang kanyang naging reaksyon na mag tagpo ang titig naming dalawa.
Bahagya siyang napa lunok ng laway, at tila ba'y nahihiya ito.

"Pasensiya na po talaga Sir." Paumanhin na lang ng babae at yunuko sa harapan ko para mag bigay galang sakanya lamang sa nangyari.  "Pasensiya na po talaga sa abala. Halika na Raven." Yumukod na kinakausap ng babae ang bata subalit nanatili lamang itong tahimik.

Naka pako lang ang tingin ng bata sa isang direksyson na animo'y may tinitignan ito doon.

"Raven." Pukaw na lang na tinig ng guro. Nag kasalubong na lang ang kilay kong sinundan ang mata ng bata na naka titig sa kamay ko na animo'y may tinitignan ito doon.

"Mister, ang kamay mo po." Mababang tinig ng bata na akmang hahawakan sana nito ang kaliwa kong kamay at bago pa lumapat ang kamay niya sa akin, iritable ko naman na nilayo ko sarili ko na kina bigla naman nito.

Namutla na lang ang batang lalaki, animo'y natakot at nabigla sa bigla kong pag iwas. Dahan-dahan na umanggat ang kanyang tingin kaya't bumahid na lang ang lamig sa aking titig na nahihiya na niyuko ang kanyang ulo nahihiya at takot na tumitig sa mga mata kong nakaka takot.

Naging malilikot na ang mata ng bata na pinag lalaruan na lang nito ang kamay, walang lakas ng loob na tumingin pa sa akin ng diretso.

"Halika na Raven." Hinawakan na ng guro ang kaliwang kamay ng bata at inaya niya na itong mauna na. Hinatak na ng guro ang bata paalis na wala sa sariling nag pahatak na lamang siya dito.

Nanatili lamang ako sa aking kina-tatayuan, malamig ang mustra at sinundan na lang sila ng titig palayo sa kinaroroonan ko.

Nakita ko naman ang lungkot sa mata ng bata na hawak pa rin ng guro ang pulsuhan nito at maya't-maya na pag lingon ng batang lalaki sa gawi ko, na animo'y ayaw niyang umalis.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon