Chapter 103

63 3 0
                                    

Chapter 103

LIGAYA'S POV

Bigla na lang uminit ang aking pisngi na naka tingin sa mag kahawak naming mga kamay ni Damian. Iba ang aking naramdaman na ngayo'y sobrang init ng kanyang palad na hindi ko maipaliwanag kong ano nga ba ang mararamdaman ko.

"Hihi." Hagikhik na tawa na lamang ni Raven, na tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.

Wala sa sariling lumingon na lang ako kay Damian na ngayo'y naka poker face at wala lang sakanya ang nangyari. Ilang segundo akong naka tingin sakanya at nang mapansin niyang may mga matang naka masid kaya't bumaling na lang siya ng tingin na mag tagpo ang mata namin.

Bigla naman akong pinag pawisan ng malagkit na tumitig na lang sa malamlam na mga mata ni Damian na animo'y may ibang pahiwatig iyon.
Sumikip naman ang aking pag hingga na kaagad na lang napa iwas ng tingin at napa bitaw sa kamay naming mag kahawak na tila ba'y napapasok.

Para bang umakyat na lang ang init sa aking katawan ng sandaling iyon na hindi na lang ako mapakali. "H-Halika na Raven." Wala sa sariling tinig ko na lang na nararamdaman ko na ang pangangamatis ng aking mag kabilang pisngi. "Linisan na kita sa restroom, ang lagkit-lagkit mo na eh. Sige na, balik kaagad kami." Taranta ko na lang na salita at hindi ko na hinintay pang makapag salita pa si Damian na mabilis naman akong lumapit kay Raven at hinawakan ang kanyang kamay.

Hinila ko na ang kamay niya palayo kay Damian at lalo ko pang binilisan ang lakad-takbo na aking ginawa para hindi na siya maka habol pa sa amin.

Mariin na lang akong napa pikit ng aking mga mata na ngayo'y kahit naka talikod na ako ramdam ko pa rin ang pag sunod ng tingin sa amin ni Damian.

Hindi na maalis ang malakas na kalabog ng aking puso at kakaibang damdamin sa nangyari kanina.
Kainis talaga.
Bakit ka naapektuhan Ligaya?
Bakit bigla kana lang pinag pawisan sa tagpo na mag kahawak ang kamay niyong dalawa?
Si Damian lang iyan.
Dapat hindi kana lang madala sakanya.

Paulir-ulit ko na lang sinasabi sa aking isipan na hindi ko na namalayan na sobrang diin na ang pag kakagat ko sa ibaba kong labi.

Matapos kong malinisan si Raven sa restoom, tumagal pa kami ng ilang minuto doon para pakalmahin na rin ang sarili ko.

Sa tuwing naalala ko na lang ang tagpo na pag kahawak naming kamay kanina, may ibang damdamin at init na kuryente na nanalaytay sa katawan ko na hindi ko maiwari.
Pilit kong winawaksi sa aking isipan ang nangyari at pilit kong sinasabi sa sarili kong kalimutan ko na lang iyon ngunit peste kasi ang puso ko, bigla-bigla na lang akong kinakabahan at natatakot na hindi ko maipaliwanag.

Nang kumalma na ako kahit konti, lumabas na kami ni Raven sa restroom. Hindi naman kami nahirapan sa pag hanap kay Damian dahil naka abang na siya sa amin pag labas namin.

Nag libot-libot muna kami saglit sa Mall ng ilang oras at pag katapos nag yaya si Damian na pumunta sa Museum. Pag pasok pa lang namin doon namangha na kaagad ako dahil iyon ang unang beses na maka pasok ako doon kahit na rin si Raven.

Tuwang-tuwa si Raven at labis siyang nag enjoy sa pag punta naming doon dahil sa kanyang bagong nakita na iba't-ibang mga naka display doon.

Sinulit talaga namin ang buong mag hapon na pamamasyal na kahit na rin si Raven sa Museum at sinubukan rin namin ang mga features doon na labis rin naman namin kina-enjoy nang husto.

Naka sunod lang kami ni Damian sakanya samantala maman si Raven, walang kapaguran sa kanyang pag tatakbo at pag punta kong saan-saan ng kanyang matipuhan.

Matapos nang nangyari na mag kahawak kamay kami ni Damian sa Mall kanina, hindi ko na sinubukan pang lapitan o tangkain man siyang kausapin. Sa tuwing mag kakadikit at mag kakalapit na ang katawan namin na naka sunod kay Raven, ako na kaagad ang unang umiiwas.
Sa tuwing naman, tangka niya akong tatanungin o kaya naman kausapin hindi na ako kumikibo at naging maikli na lang ang bawat pag sagot ko sakanya.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon