Chapter 68

52 3 2
                                    

Chapter 68

LIGAYA'S POV

Nilapag ko na lang ang huling niluto kong fried rice sa lamesa. Malaya ko na lamang pinag mamasdan ang simpleng almusal na ginawa ko kagaya ng hotdog, itlog at nilabas ko rin ang tira naming ulam kagabi. Naka ayos na ring naka arrange sa lamesa ang pinggan, kubyertos at nag handa rin ako ng mainit na chocolate, na mag pakalam pa lalo ng aking sikmura na maamoy ang mabangong aroma.

Napa tingin na lang ako sa orasan sa dingding napa ngiti na lang ako na makitang alas sais-kinse pa lang ng umaga. Tamang-tama naka tapos na rin ako sa aking ginagawa sa tamang oras.

"Ayan natapos na," hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi. Napukaw na lang ang aking atensyon na marinig na lang ang yabag mula sa likuran ko, nang lingonin ko nakita ko na lang si Raven palabas ng kwarto namin at mukhang kakagising nga lang neto.

Suot nito ang kulay blue na paborito nitong pajama. Medyo magulo ang kanyang buhok at halatang kakagising niya pa lang. Lumitaw na lang ang pag ka cute nito sa itsura na lumabas ang natural na pamumula ng pisngi nito at naka busangot na halatang inaantok pa nga.

"Good morning Raven," matamis ko na lang na pag bati. Kinusot ni Raven ang kanyang mata.

"Good morning Inay," bati niya sa akin pabalik kaya't lumapit na lang ako sakanya. Tumigil ako sa harapan ng anak ko, binuhat at kinarga ko na lang siya pag katapos. Yumakap naman sa akin si Raven at siniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko na hinakbang ko ang paa ko papunta sa hapag-kainan para sabay na kaming dalawa makakain ng agahan.

Mainggat ko na lang na pinaupo si Raven sa bakanteng silya at pag katapos nag lagay na ako ng kanin at ulam sa kanyang pinggan.

"Kumain kana anak, nag handa si Inay ng paborito mong hotdog. Dinamihan ko na dahil gustong-gusto mo ito." Nilagyan ko rin ng konting gulay ang pinggan nito at nilapit ko rin sa gawi ni Raven ang tinimpla kong gatas para sakanya. Tahimik lamang si Raven naka upo sa silya at pinapanuod niya ako ng tahimik. "Kumain ka ng marami ha?" paalala ko na lamang na kina-baling naman ng tingin sa anak ko.

"Opo Inay," taas-noong wika na lamang nito at pag katapos kinuha niya ang kubyertos ay nag simula na siyang kumain.

Nanatili naman akong naka tayo sa gilid ng anak ko, pinapanuod siyang kumain hanggang napa tigil naman ako nang mapansin ko si Lira na palabas lamang ng silid namin.

Halatang kakagising lang nito at nag mamadaling kumilos na animo'y may hinahabol na oras. May naka sabit na sa kaliwa niyang balikat na twalya na mukhang maliligo na nga ito.

"Gising kana pala Lira, halika na at sabayan mo na kami dito ni Raven kumain," paanyaya ko na lang sakanya, imbes na lumapit tumitig lang siya sa akin.

"Mamaya na siguro Ate at nag mamadali na ako eh," anito. "Lintik kasing alarm clock na iyan eh. Binggi ata kaya hindi tumunog kaya heto mala-late na ako sa first subject ko. Kairita!" himutok na lamang nito na halata ngang hindi maganda ang kanyang gising.

Mabilis nang kumilos si Lira papunta sa banyo para maka ligo na subalit kaagad naman siyang matigilan nang mapa dako siya sa kusina at nakita niya ang ilang mga naka handa doon. Nag kasalubong na lang ang kilay ni Lira at lumingon sa gawi namin ni Raven na puno ng pag tataka.

"Sandali Ate, nag luto ka ba ng bibingka?"  taka nitong tanong.

"Oo, balak ko kasing dalhan mamaya si Aling Rosa ng isang dosenang bibingka. Dadaanan ko na lang mamaya bago ako pumasok mamaya sa trabaho."

Bilang pasasalamat na rin sa pag bigay ni Aling Rosa sa aking ng pera no'ng naka raang linggo kaya't dadalhan ko na lang siya ng bibingka na gustong-gusto niya.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon