Chapter 117

65 3 0
                                    

            Chapter 117

LIGAYA'S POV

"Mahal." Iyan na lang ang naibigkas ko na tumitig na lang sa malamig at malamlam na mga mata ni Damian sa tabi ko.

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ni Mr. Buenavente na ngayo'y halatang nagulat at hindi inaasahan ang pag dating ni Damian.

Hindi na lang maipaliwanag ang kilabot na nanalaytay sa aking katawan na bigla na lang gumalaw ang mata ni Damian, na kumilos at huminto na lang sa likuran ko kong saan naka tayo si Raven. Unti-unti na lang nag bago ang emosyon sa mga mata ni Damian na mag pabigay ng kilabot at takot sa puso ko, na mahulaan na nakita niya ang bakas ng sugat na natamo ni Raven na ngayo'y tahimik lamang umiiyak.

Bumilis na lang ang kalabog ng aking puso, na pinag hinaan ako lalo't hindi pa rin nag babago ang emosyon sa mata ni Damian. Naging tolero na ang aking isipan lalo't alam ko na ang ugali niya.
Kilala ko siya kong paano magalit.
Kilala ko ang kakayahan niya.
Hindi niya pinapalampas, kong sino man ang may mga atraso sakanya at kinakatakot ko nang husto na baka saktan o kaya naman mapatay niya si Mr. Buenavente.

Naging slow-motion lang na binalik ni Damian ang tingin kay Mr. Buenavente na pinag hinaan pa lalo ako nang husto na mas naging nakaka takot ang mga mata niya, na handang pumatay ng tao.

"Damian, hindi ko inaasahan na makita kita ngayon rito!" Preskong tugon ni Mr. Buenavente para alisin na lang ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Tamang-tama ang pag rating mo rito, para naman formal kong ipapa kita ang proposal ko sa'yo at hindi ko na kailangan pang pumunta at mag hintay sa kompaniya mo para maka appointment lang sa'yo." Pangisi-ngisi na dinaraan na lang nito sa biro ang nangyari subalit hindi man lang nadala roon si Damian.

Nanatili lamang na tahimik at seryoso si Damian, walang emosyon sa sinabi nito kaya't kina dahilanan maalis ang matamis na ngiti sa labi nito.

Tumikhim na lang si Mr. Buenavente, naging seryoso rin ang kanyang itsura na mukhang wala nga talagang plano na makipag sabayan sa biro niya ang kaharap. Hindi rin niya matiis ang pag babantang titig sakanya ni Damian kaya't hinila na lang ni Mr. Buenavente ang kamay niya paalis sa pag kakahawak nito.

Pangalawang pag hatak niya sa sarili ngunit wala pa rin kaya't naging mabigat na ang pag hingga nitong nag patay-malisya na hindi na lang mahiya na hindi niya mabawi ang kamay niya. Pangatlong pag kakataon hinatak muli ni Mr. Buenavente ang kamay subalit wala pa rin kaya't nag simula na itong mairita na hindi pa rin binibitawan ang kamay niyang hawak pa rin ni Damian.

Umiba na ang timpla ng mukha ni Mr. Buenavente na gamitin niya na lang lakas niya na maka wala sa pag kakahawak nito ngunit hindi mabawi-bawi iyon kaya't sumiklab na ang inis sa kanyang mga mata. "Baka naman pwede mo ng bitawan ang kamay ko Mr. Garcia." Puno ng gigil na asik nito ngunit wala man lang pakialam si Damian rito, na mapikon na lang ito.

"Ikaw ba ang may gawa sa anak ko?" Maikli at makapanindig balahibo na tanong ni Damian.

"Oo, bakit? May problema ba doon, Damian?" Pag mamalaki na lang ni Mr. Buenavente na nilapit niya pa ang sarili kay Damian na animo'y nag hahamon ito. Walang takot na lang ang nanalaytay sa katawan ni Mr. Buenavente sa presinsiya nito at napa tango na lang ng ulo si Damian na maka kuha na nga ng kasagutan sa kanyang tanong.  "Makulit kasi ang anak mo eh, kaya't denisiplina ko lang.. Mukhang hindi mo ata tinuturuan siya ng magandang asal Damian, kaya namamana niya sa'yo ang ugali m——-ugh." Hindi na lang nito natapos ang anumang sasabihin na walang ano-ano pinilipit na lang ni Damian ang kamay nito na mapa ungol na lang ito sa sakit.

Maririnig mo na lang ang matinis na ungol nito sa kirot at sakit na sobrang higpit na pag kakahawak ni Damian roon na lumitid na ang ugat sa leeg niya. "Tangina talaga, Damian!" Kahit hirap na hirap, nag papakatatag pa rin ito na tumitig na lang sa mata ni Damian na wala lamang sakanya ang ginawang pag papahirap rito.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon