Chapter 47

69 1 0
                                    

Chapter 47

LIGAYA'S POV

"Magandang hapon, Ligaya."

"Magandang hapon rin sa'yo." bati ko na kakilala ko na maka salubong ko sa daan na pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa labi ko. Pinag patuloy ko ang pag babaybay ng daan pauwi at nginingitian at binabati ko sila sa tuwing nakaka-salubong at ganun rin sila sa akin.

Mababa na ang araw dahil pasado alas tres pa lang ng hapon, na matapos akong mag tinda ng mga kakanin sa bayan kaya't heto natapos at napaubos ko rin lahat ng mga dala-dala ko.

"Oh kumusta kana, Ligaya?" bati ng matanda na isa rin sa mga kakilala ko. Nag lalaro sa singkwenta na ang edad nito pero malakas pa naman na kumilos.

"Heto, okay lang naman po, Tiya. Kayo, ho?"

"Ito mabuti rin," pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi lamang na may dala-dala itong basket laman ng mga nakuha siguro nito na mga gulay. Napako naman ang mata ng matanda dala-dala ko at pinakita na lang ang matamis na ngiti sa labi."Mukhang napaubos mo na ang iyong mga paninda ngayon, Ligaya. Pauwi kana ba?" kina-tango ko na lang ang naging tanong nito.

"Oho, maiwan ko na po kayo Tiya." paalam ko na lamang sa matanda, at hinakbang ko na ang paa ko paalis. Mag kaiba na kami ng daan na dinaanan ng matanda at humigpit na lamang ang pag kakahawak ko sa basket, at bahagyang tuminggala sa kalangitan na hula ko naman nasa pasado alas tres pa lang pasado ng ng hapon banda iyon.

Napaka sariwa ng ihip ng hangin at marami ka rin makikitang nag sisiliparan na mga ibon sa kalangitan na animo'y nag hahabulan ang mga iyon.

Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga na napaka gaan na lang ang aking pakiramdam na nawala ang naka pasan na mabigat na bagay sa aking dibdib at sa wakas makaka hingga na rin ako ng maluwag.

Maka lipas na ang apat na araw at heto't pilit kong binabalik at buhay ko sa normal na payapa at walang kina-takutan na nagagawa ko na mga dati kong nagagawa noon.

Hindi naman kasi maganda na mag patali at mag pakulong lang ako sa takot ng mga nangyari na ginawa sa akin ni Makisig, na kailangan kong mag patuloy ng buhay ko.

Sa ngayon naka piit pa rin naka kulong si Makisig at mahigpit na binabantayan siya ng mga tauhan ng Datu at hanggang doon na lang ang balita na alam ko, tungkol sakanya.

"Mahal," ang pag tawag na lang sa akin ang mag paputol ng malalim kong iniisip. Kaagad naman sumigla at mag pabigay excitement sa aking dibdib na makilala ko ang boses na tumawag sa akin.

Mabilis ko naman hinanap kong saan nag mumula ang tinig na ganun na lang katamis ang ngiti sa labi ko na makita si Dakila naka tayo sa malayo. Ganun na lang katamis na ngiti sa labi ko na makita ko siya.

Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko at huninto sa tapat ko. "Amin na iyan, ako na ang mag dadala," kinuha na lang ni Dakila sa kamay ko ang mga bitbit ko at hinayaan ko na lang siyang humawak no'n.

Mag kasabay naming binabaybay ang daan pauwi at hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin at mag nakaw ng sulyap sa guwapo nitong mukha . "Tapos kana ba, mahal sa trabaho mo?"

"hmm oo," tumango-tango pa nitong saad na naka pako lamang ang mata nito sa daan. Katahimikan ang yumakap sa panig namin na dalawa, na malaya naming pinapanuod pareho ang mga nakaka salubong namin. Ewan ko ba, ang saya-saya ko na siya lang ang kasama ko. Iba ang saya at gaan ang binibigay niya sa akin na kampanti ang kalooban ko. "Ikaw? Napa ubos mo ba ang mga paninda mo kanina?"

"Oo, mahal," abot langit kong pinag mamalaki na napa ubos naman ako ng mga paninda ko. "Napa-ubos ko lahat kaya't mamaya mag luluto ako ng masarap na hapunan natin. Ano ba ang gusto mo mahal?"

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon