Chapter 14

73 1 0
                                    

Chapter 14

DAKILA'S POV


Paika-ika at nahihirapan si Dakilang mag lakad palabas ng balay, hawak niya sa kabilang kamay ang sungkod na kahoy na mariin na lamang siyang napapa-pikit ng mata na hindi pa gaanong magaling ang kanyang sugat.

Tiniis niya na lamang ang kirot at sakit ng kanyang pilay, hanggang tuluyan na siyang naka labas. Bumunggad kaagas sakanya ang maliit na bakuran na may naka tanim doon na mga mga magagandang mga bulaklak sa munting harden.

Humingga na lamang ng malalim si Dakila na tahimik niya na lamang pinag mamasdan ang tahimik at payapang lugar. Nakita ni Dakila ang upuan na gawa sa kahoy sa isang banda, balak niya sanang umupo muna doon at mag pahangin kaya't hirap na hirap naman siyang nag lakad papunta sa gawi na iyon na mabagal lamang na paraan at nahihirapan.

Hindi na maipinta ang mukha ni Dakila sa tuwing dumiin ang kanyang kabilang paa na may pilay sa lupa, na tiniis niya na lamang ang sakit na ilang hakbang na lamang siya sa upuan na marinig niya na lamang ang munting boses na pag tawag sa kanyang pangalan.


"Dakila." Hinanap niya kong saang nag mumula ang boses at kumunot ang kanyang noo na makita na lamang si Ligaya na papasok pa lang sa munting tarangkahan na gawa sa kahoy. Bitbit nito ang katamtaman lamang na palangga na may laman na mga damit, at mainggat na nilapag ni Ligaya ang hawak nitong palanggana sa isang tabi at pag katapos lumapit sakanya. "Tutulungan na kita." Hindi na nag atubili pa ang dalaga na lumapit sakanya para alalayan na matiwasay na maka-upo sa upuan.

Inalalayan pa siya nito hanggang maging komportable siya sa pag kakaupo.

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Dito, nakaka-inip kasi sa loob." Wika niya na lamang ang kanyang mata napako na lamang sa palanggga na dala-dala nito kanina. "Saan ka ba galing?"

"Huh?" Sinundan ni Ligaya kong saan ako naka-tingin kaya't nakuha niya ang ibig kong sabihin. Mainggat na nilagay ni Ligaya ang sungkod sa tabi ko lamang.

"Ahh, galing lang kami ni Lira sa ilog at nag laba ng mga labahin." Wika nito. "Hindi na kita ginising kanina dahil ang sarap-sarap ng tulog mo kaya't hinayaan na lang muna kita na makapag pahingga pa sa iyong silid. Nauna na akong umuwi, at maya't-maya narito na rin si Lira." Anito.

Hindi na siya sumagot pa at pinako na lamang niya ang tingin sa kawalan, na napaka-lalim na lang ang kanyang iniisip.

"Kumusta? Sumasakit pa ba, ang iyong ulo?" Ang katahimikan niya kaagad naman pinutol ng tanong ni Ligaya.

"Hindi na."

"Mabuti naman at kong ganun." Aniya nito. "Kumain kana ba ng iyong almusal? Kong hindi pa, papanhik muna ako sa loob para ipag handa ka para sa ganun mainom mo na ang iyong gamo——"

"Ligaya." Tawag niya dito kaya't napa tigil na lamang ang dalaga at humarap sakanya.

"Huh?"

"Kwentuhan mo naman ako, tungkol sa atin."

"Tungkol sa atin?" Napa-kurap ito ng mata at bigla itong nanigas sa kanyang kina-tatayuan na sabihin ko iyon.

"Oo. Gusto kong malaman kong paano tayo nag kakilala na dalawa at baka naman maka-tulong iyon sa pag balik ng aking ala-ala."

"Ahh iyon ba ang gusto mong malaman?" Tumango na lamang siya dito at nahuli niya pa itong kusa na lamang napapa-lunok ng laway habang sinasabi iyon. Hindi ko maipaliwanag, kong ako lang ba naka pansin ng kakaiba niyang kilos at galaw.

Umayos ng tindig si Ligaya sa harapan ko at hindi niya magawang dumiretso ng titig sa akin.

"Nag kakilala tayo doon sa bayan ng Waray pitong buwan na ang nakaka-lipas. Mag kasama kami ng kaibigan kong si Liwayway no'ng minsan kaming pumunta doon. Doon tayo unang nag kita sa bayan na kina-launan namamasyal ka rin ng araw na iyon, Dakila." Sabay lunok ng laway na pilit niyang hinuhuli ang mata nito ngunit mailap iyon. "Ilang beses tayong nag kakatagpo sa bayan, at ilap na ilap nga ako sa'yo no'n na lumapit. Nagulat na lang ako ng isang araw na nag tapat ka ng totoo mong nararamdaman, sa una ayaw ko talaga dahil hindi naman kita gusto no'n.. Araw-araw mo akong kinukulit at pinupuntahan, nakita ko naman na busilak at totoo ang nararamdaman mo para sa akin at matapos ng dalawang buwan mong pag liligaw; doon lang kita sinagot Dakila."


"Ahh, ganun pala." Sabay tango niya naman.
Bakit ganun?

Bakit wala akong nararamdaman na pag mamahal sakanya?

Bakit pakiramdam ko, ngayon pa lang kami nag kita na dalawa na misteryoso sa akin ang katauhan ni Ligaya.
Iba kasi eh.
Iba ang nararamdaman ko.


Tumitig ako muli kay Ligaya at kagat-kagat na nito ang ibabang labi.

"Nag patuloy ang relasyon natin Dakila na paminsan, bumisita ako sa lugar niyo para makita at makasama ka.. Hanggang isang araw, napag desisyonan mong bumisita sa Nayon namin para personal at mismong hinggin ang aking kamay sa Tiya Erlinda ko para iyong pakasalanan.. Hanggang sa araw na inaasahan kong iyong pag dating dito sa Nayon namin, hindi ka narating kaya't doon na ako nag alala. Natakot ako nang husto na malaman kong naaksidente ka." Wika na lamang nito na tumitig siya sa mata ko.

Ilang segundo kaming nag katitigan na dalawa sa mata, pilit na binabasa ang emosyon na gumuhit doon at kaagad niya naman kina-lihis kaagad ang titig.

"Ganun pala ang nangyari sa akin." Tugon niya na lamang.

"Akala ko nga hindi kana makakaligtas sa rami ng natama mong sugat at bali pero kahit hindi mo ako maalala masaya ako na, ligtas ka at hindi ka nawala sa akin Dakila."

"Ang mga magulang ko," pag bibitin niyang salita. "Asan sila?"

Umiling lamang ng ulo si Ligaya at bigla itong namutla sa pahabol ko pang tanong. Mariin itong napa lunok ng laway bago sumagot sakanya.. "Matagal ng patay ang mga magulang mo Dakila, bata ka pa lang no'ng maaksidente sila kasama ng kababatang mong kapatid." Anito. "Wala kana man masyadong kwenento sa akin tungkol sakanila at iba mo pang kaanak. Pero ang sabi mo lang sa akin no'ng kasama-kasama mo lang na matalik mong kaibigan si Crispin."

"Asan siya? May balita ka pa ba kay Crispin?" Kailangan kong makita at makausap si Crispin para sa ganun, matanong siya ng mga bagay na gusto kong malaman.
Marami rin ako na mga katanungan na gusto kong mag karoon ng kasagutan na rin.

Tumitig muli ako kay Ligaya, at naging malilikot na ang mata nito na hindi ko maipaliwanag. Ilang beses ko siyang nahuhuli na napapa-lunok ng laway na hindi naman dapat.

"Wala na akong balita s-sakanya, kong asan siya ngayon." Sabay kurap ng mata na hindi na rin masaayos ang pananalita nito. "Ang huli ko lang balita kay Crispin, umalis siya no'ng makapag asawa na siya pero hindi ko alam kong saan na siya pumunta." Walang gatong na paliwanag na lamang nitong hindi na lang maalis ang titig niya sa magandang mukha ni Ligaya.

Bakit pakiramdam ko, may tinatago siya sa akin?

Mariin niya lamang na pinag mamasdan ang mukha nitong kagat-kagat na ang ibabang labi na medyo namula ng konti.

Napaka-inosente at simple lamang ang mukha nito na mukhang anghel, na hindi nakaka sawang pag masdan.

Mahinhin at ang sarap pakinggan ang kanyang tinig na para naman iyon musika.

Sunod na lamang napa-dako ng mata si Dakila sa katawan ni Ligaya, katamtaman lamang ang katawan nito na bumagay naman sakanya ang suot na tube na dress na lumilitaw ang kakinisan at maputing balat sa kanyang suot.


Unti-unting bumaba ang kanyang mata hanggang napa dako na lamang sa makinis at magandang hubog ng hita nito. Hindi niya maipaliwanag kong bakit bigla na lang siyang pinag initan nang husto na makita pa niya pa ang medyo basa sa parteng dibdib ni Ligaya kaya't nasisilip niya ang pang ilalim na kasuotan nito, na nabasa siguro sa pag lalaba sa ilog kanina.

Kusa na lamang napa-lunok ng laway na makita niya ang katamtaman lamang na dibdib ng dalaga, na tumigas na lamang ang kanyang mahaba at matabang pepino sa nag kukubli sa loob ng kanyang pantalon na hindi niya inaalis ang mata niya doon.

Tangina.
Bakit ganito?

Bakit bigla na lang akong pinag initan nang husto ng ganito?

Lumunok na lamang siya ng laway at gumalaw na lamang ang adams apple niya sabay lamang lihis ng tingin na ayaw niyang mag padala sa naninibugho niyang damdamin sa nag aakit na binibini sa harapan niya.
At baka kapag tumitig siya sa magandang mukha nito, hindi niya mapigilan ang sarili na lapitan ito.

"Sige, makaka-alis kana." Nahihirapan niyang wika na kinokontrol ang sarili na hindi mapatitig muli sa inosenteng mukha ni Ligaya.

"Huh?"

"Makaka-alis kana." Pag uulit niya na lamang na nahihirapan na paraan at wala na siyang narinig pang salita pa kay Ligaya, na makuha naman ang ibig niyang ipahiwatig.


Parang nabunutan ng tinik ang dibdib niya na kumilos na ito at pumasok sa balay, na hawak ang palanggana na bitbit nito kanina.

Mariin na lamang napa-pikit siya ng mata na tuluyan na itong naka-alis at mapag tanto na lamang ang nag aapoy na damdamin sa presinsiya na kaya siyang pabaliwin nang husto.
Tangina.

Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit ganito na lang ang nararamdaman kong init sakanya?

LIGAYA'S POV

Tahimik lamang binabaybay ni Ligaya ang daan pauwi sa kanilang balay, nginingitian at masaya niyang binabati ang mga ka-Nayon na maka-salubong niya.

Matapos niya lang pumunta sa kanilang maliit na lupain para tulungan na lamang si Tiya Belinda sa ilang oras nilang pag aani ng mga pananim na mga pepino at mga gulay na ititinda nila para bukas. Nauna na siyang umuwi dahil walang kasama sa balay sa Dakila at si Tiya Erlinda naman at si Lira sabay na silang uuwi mamaya kapag natapos na nilang mag ligpit at mag asikaso sa munti nilang taniman.

Hawak niya ang basket, laman lamang ng mga pepino na kanilang mga naani na iyon ang pinauna sakanyang ipinauwi ng Tiya Belinda kaysa sa mga gulay. Napapa-iling na lamang siya ng ulo na sinilip na lamang ang mga munting pepino na mahal na mahal ng kanyang Tiya, na saktong-sakto lamang ang pag kaka-ani nila no'n na may iba't-iba naman na hugis, mayron naman na maliit, may mahaba at mayron din na malalaki.

"Magandang hapon, Ligaya."

"Magandang hapon."

"Magandang hapon rin po Manong Basyo." Masaya niyang bati sa matanda na maka salubong niya ito. Tuminggala siya sa kalangitan at dapit alas tres pasado pa lang ng hapon kaya't hindi naman gaanong nakakapaso ang sinag ng araw dala lamang ng maraming matatayog na puno sa kanilang Nayon at sariwa rin ang hangin.

Humigpit na lamang ang pag kakahawak niya sa basket at medyo-malapit na rin naman siya sakanila. Tangi niya na lamang nakikita ang matatayog na mga puno at mga kahoy sa kapaligiran na wala kanang makikita pang mga tao at ilang balay sa kanyang dinaraanan dahil lamang mas pinili niyang dumaan na kong tawagin na short-cut, para lamang mapa-bilis siyang maka-uwi.

Binabaybay niya lamang ang daan at umaapak siya sa lupa na medyo mabato-bato na hindi naman siya naka ramdam ng takot at pangamba sa dibdib na mag-isang nag lalakad dahil lamang ilang beses na siyang dumaraan doon, na alam niya na rin ang pasikot-sikot na daanan doon. Hindi naman mapanganib ang lugar dahil lamang wala naman na taong namamalagi na dumaan roon dahil lamang, medyo liblib at puno kakahuyan lamang ang iyong makikita.

Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa kanyang labi, na makitang malapit-lapit na rin naman ako hanggang ang tahimik kong pag lalakad kaagad na lamang napukaw na may humawak na lamang sa aking pulsuhan.

Hinatak niya ako kaya't napa-subsob naman ang katawan ko kong sino man ang marahas na humatak sa aking pulsuhan. "Ano b——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na kaagad namilog naman ang mata ko na mag tagpo ang mga mata namin.

Kaagad akong pinanuyuan ng laway sa lalamunan na makita ang may galit at nakakapanindig balahibo nitong mga mata, na aaminin kong lumukob na lamang ang matinding kaba sa aking puso na makilala siya.

"Makisig." Mahina ko na lamang na wika at lumawak pa ang ngisi sa labi nito nito.

Paano?

Paano niya nalaman na nandito ako?


Sinundan miya ba ako?

Naging malilikot na ang aking mga mata at hindi na rin mapakali ang isipan ko na makita lamang si Makisig.

Ewan ko ba, kong bakit kinikilabutan ang buong kalamnan ko sa tuwing nag tatagpo na lamang kami.

Hindi ako komportable sakanya at kahit na rin sa paraan na tumitig siya sa akin na tagos na tagos at para bang hinuburan niya ako sa paraan na titig niya sa akin.

"Mukhang nabigla ka naman nagulat na makita ako, aking Ligaya." Napalabi pa ito at hinigit niya pa ako sakanya kaya't dumikit pa lalo ang katawan naming dalawa. Wala akong naramdaman na init sa tuwing, nag kakadikit ang katawan namin kundi kilabot at takot. "Nakaka-tuwa lamang at hindi mo pala napansin na kanina pa ako naka-masid at naka sunod sa'yo simula na naroon kayo sa munti niyong lupain.. Ang ganda-ganda mo pala talaga Ligaya lalo't na bumagay sa'yo ang suot mong damit ngayon na tumingkad pa ang maganda at malambot mong balat." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na umaapoy na sa pag nanasa kong paano niya ako tinignan.

"Ano ba, bitawan mo ako nga ako." Pag pupumiglas ko na lamang na makawala sa kanyang pag kakahawak subalit, kahit gamitan ko man na maka layo subalit hindi kumpara ang aking lakas. "Ang bastos mo, lumayo ka nga sa aki——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na dumiin na lamang ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko, kaya't napa daing na lang ako ng mahina sabay higit niya sa akin muli kaya't nag tagpo ang mata namin sa isa't-isa.

Maluha-luha ang aking mata kong paano ko titigan si Makisig, hindi lamang sa mahina at natatakot ako sa isang kagaya niya kundi galit na hindi ko mailabas-labas lanang.

"A-Aray." Daing ko na lamang na alam ko sa sarili ko na mag iiwan iyon ng marka pag katapos sa aking balat.

"Buong akala mo, wala akong alam na nag kakamabutihan na kayo ng dayuhan na Dakila na iyon, huh?" Uyam na wika na pinagalaw na lamang nito ang panga na nag titinpi na lamang ng galit. "Kalat na kalat na sa Nayon natin ang tungkol sainyo at hindi ako mamapayag na ang isang kagaya niya ang mag gagago sa akin.."

"Ano ba, Makisig bitaw sabi." Asik kong muli na umaapoy ang mata nito sa galit.

"Diyan ako nasasabik sa pagiging matapang at palaban mo Ligaya." Aniya nito, na pangisi-ngisi pang muli. "Hindi ako magagalit sa aking mga naririnig na balita tungkol sainyong dalawa ng Dakila na iyon dahil sa akin lamang ang bagsak mo kapag sumapit ang ka-pyestahan sa Nayon natin Ligaya.. Magiging akin ka rin, at wala ng sino kan ang makaka-agaw sa'yo mula sa akin." Gamit ang isang kamay ihahaplos sana iyon sa aking pisngi na kaagad ko naman kina-iwas na ayaw mag pahawak.

Tiim-baga at may galit naman ang mata ko, kong paano tignan si Makisig na pinapakita na hindi ako natatakot sa isang kagaya niya.

"Alam mo naman sa simula, na hindi kita gusto kaya't gumising kana sa kahibangan mo, Makisig. Hindi ako mag papakasal sa'yo." Matapang kong sagot na mapa ungol muli ako na dumiin pa siya na pag kakahawak doon na mapa-singhap na lamang ako.

"Huwag mong ubusin ang natitira kong pag titimpi sa'yo Ligaya." Banta nito na mahina ngunit na nakakatakot na tinig na paraan, lakas loob na sinalubong ko naman ang mata niyang may galit. "Layuan mo si Dakila at ayaw kong malaman-laman na nag sasama kayong dalawa, ito na ang huling banta ko sa'yo Ligaya kundi hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sainyong dalawa kapag nag kataon."

"Hindi mo ako matatakot, Makisig." Wika kong muli na tumiim-baga na lamang ito. Nabahiran ng maitim na aura ang pag katao ni Makisig na para bang sinapian ito ng masamang espiritu na handang pumatay ng tao kapag kanyang nanaisin. "Gagawin ko ang gusto ko Makisig at hindi mo ako mapipigilan. Si Dakila lamang ang pakakasalan ko at wala kana kanang magagawa pa doon."

"Tangina talaga." Matinis na mura na lamang nito.

"Ano ba." Malakas na sigaw ko na lamang na walang pag aalinlangan na hinampas so sa pag mumukha niya ang basket na hawak ko kaya't maririnig mo na lang ang malakas na pag kakatama no'n at matinis niya na lamang na pag sigaw.

Lumuwag ang pag kakahawak ni Makisig sa aking pulsuhan kaya't doon ako nag karoon ng pag kakataon na makawala sa kanyang pag kakahawak. Nag kalat na lamang ang basket sa lupa kasama ng mga tumilapon na mga pepino doon.

"Tangina." Matinis na mura na lamang ni Makisig, napa hawak sa kanyang mukha na dinarama ang malakas na pag kakahampas ko doon.

Kusa na lamang akong napalunok ng sarili kong laway, at wala akong lakas na gumalaw sa aking kinatatayuan pinapanuod lamang si Makisig. Naging mabibigat na ang pag hingga nito at tumingin siya sa akin na ngayo'y hawak pa ang kabilang pisngi na mamula-mula na nga tanda lamang ng malakas kong pag kakahampas doon.

Nanlisik na ang mata ni Makisig kong paano niya ako tinignan

"Tangina, lapastangan ka talagang babae ka." Asik na lamang na akmang susugod na sana sa akin para bigyan nang malakas na sampal sa pisngi na kaagad naman natigilan si Makisig na may dumaan na lamang na dalawang lalaki.


Kusang napa-lunok ng laway si Makisig at wala ng lakas pang gumanti lalo't ayaw niyang mapasama sa dalawang tao na lamang ang napadaan.
Uyam na lamang na pinagalaw ni Makisig ang kanyang mata, bahid ng iritasyon ang pinukulan niya sa akin subalit puno ng pag babanta iyon.

Wala na akong nakuha pang salita mula kay Makisig, at nag martsa na itong nag lakad paalis na tila ba'y galit na galit sa mundo. Sinundan ko na lamang siya ng tingin palayo hanggang kusa siyang nawala sa mata ko, na maka-hingga naman ako ng maluwag at tila ba'y naalisan ng tinik ang aking dibdib na makompirma na naka alis na nga ito.

Sinapo ko na lamang ang aking mukha at napa-titig na lamang ako sa basket at mga pepino na tumilapon sa lupa na naroon pa rin ang mamasa-masa ng aking mga mata.

Hindi ko hahayaan na maging matagumpay ka sa gusto mo Makisig.

Hindi ako mag papakasal sa'yo.

Gagawin ko ang lahat para hindi mo makuha ang gusto mo.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon