Chapter 76

71 4 0
                                    

Chapter 76

LIGAYA'S POV

"Ano ang ginagawa mo, Ligaya huh?!" Mahina subalit ramdam ko ang galit sa tinig ni Madam Wilma na pinapagalitan niya ako sa loob ng kanyang Opisina. "Diba inutos ko sa'yo na ayos-ayusin mo ang serbisyo mo kay Damian Garcia, pero anong nangyari? Lalo mo lang pinalala Ligaya!"

Kulang na lang mangamatis na ang kanyang mukha sa galit at inis lamang. Tahimik at naka yuko lamang ako sa kanyang harapan, tinatanggap ang mga sermon niya sa akin.

"Pero Madam, siya naman po talaga eh." Giit ko na lamang na mababang tinig. Aba, hindi ko naman kasalanan iyon. Bakit parang kasalanan ko ngayon "Maayos naman pong hinatid ko sakanya ang inumin niya at hindi ko na po kasalanan kong lumamig na iyon na hindi niya kaagad inino——-"

"Aba sumasagot ka pa talaga sa akin?" Uyam nitong tinig na ako'y matigilan muli. Nanlisik na lalo ang kanyang mata sa galit at ang pag dilim ng kanyang aura ang palatandaan na hindi niya nagugustuhan ang mga nangyari. "Sana hinayaan mo na lang at pinag bigyan mo na lang siya para hindi na lalong lumala pa ito. Alam mo naman kong gaano siya ka importante sa negosyo ko diba? At pinaliwanag ko naman iyon sa'yo Ligaya pero hindi mo nilalagay diyan sa maliit na kokote mo!" Patuloy nitong pag dadadak lamang.

"Iyon na nga po Mam ang ginawa ko, po pinakiusapan ko naman siya ng mahina at mahinaho——"

"Tumigil kana diyan!" Pag tatapos niya na lang ng anumang sasabihin ko pa. Sa isang matalim at nakaka sindak niyang pag titig sa akin, tinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na lang nag salita pa. Kahit labag man sa loob ko ang mga nangyari. Wala akong magagawa, kundi ang hindi na sumagot para hindi na lumala pa ito.  "Diyan sa ginawa mo 1 week kang mag oovertime at tatapusin ang mga dapat gawin na pag huhugas bago ka makaka-uwi. Kuha mo?" Asik na lamang nito na naka taas ang isa niyang kilay, kasing taas na iyon ng buntok.

"P-Po?" Gulat ko na lamang na tinig na nanlumo na lang ako. Aba, bakit pa ako kailangan na maparusahan ngayon? "Pero naman po Madam Wilma, hindi po naman tama iyon. Hindi ko naman ho kasalanan iyong nangyari."

"Tumahimik kana!" Asik na lamang nitong muli sa akin sabay duro.  "Ayaw ko nang maka rinig pa ng anumang sasabihin pa sa'yo Ligaya. Kong ayaw mo ng patakaran at mga kondisyonis ko dito, bukas na bukas naman ang pintuan at maari kanang maka alis!"

"Pasensiya na po Madam Wilma." Mababa ko na lang na tinig at wala akong magawa kundi lunukin and tanggapin na lang ang nangyari.

Naka pamaywang na siya sa harapan ko, hindi na nag bago pa ang timpla ng kanyang mukha. "Ano pang hinihintay mo diyan? Bumalik kana sa trabaho mo at tapusin mo na ang mga hugasin sa kusina." Asik na lamang nitong muli na mapa tango na lang ako.

"Sige po Mam." Wika konna lamang na hinakbang ko na ang paa palabas ng kanyang Opisina.

Bagsak ang balikat at unti-unti ng dumilim ang aking mukha na sumagi na lang sa isipan ko ang mukha ni Damian na magalit pa ako lalo.
Kainis.
Bwisit ka talaga sa buhay ko.
Ughh.

STILL LIGAYA'S POV

Dumaplis na ang pawis sa aking noo at leeg na puspusan na pagod sa pag tra-trabaho na nararamdaman ko na ang pananakit ng aking balikat at paa sa buong araw na naka tayo at sabayan rin ng matinding init sa kusina ngunit hindi na alintana iyon sa akin. Doble kilos at galaw na ang aking ginagawa na matapos na akong mag ligpit at mag linis sa area ko at ngayo'y naman naka tuon na ako sa pag huhugas.

Bumuntong-hiningga na lang ako ng malalim na napa tingin na ako sa wallclock sa pader at heto't pasado alas singko na nga ng hapon. Sobrang late na ako ng husto sa alas kwarto ng hapon na dapat kong labasan sa trabaho.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon