Chapter 104

83 3 1
                                    


Chapter 104

LIGAYA'S POV

Napaka lakas ng kalabog ng aking puso sa simpleng pag dikit ng katawan naming dalawa ni Damian. May init at anong boltahe ang nanalaytay sa akin na napapaso na lang ako.

"3." Pag tatapos ni Damian ng pag bibilang na wala sa sariling pinindot ko ang click button. Mariin na lang akong napa lunok ng aking laway, na napa baling na lang kay Damian na mag katitigan na lang kami sa mata.

Puno ng lamlam at puno ng pang aakit niya ako sa paraan na titig niya na animo'y may pahiwatig, hindi ko mawari kong bakit lalo pang lumakas ang kanyang appeal at gumwapo lalo.

Ramdam ko na lang ang pang ngangamatis ko sa nangyari na bigla na lang akong napapasong umiwas at lumayo sakanya. "Halika n-na Raven," nauutal ko na lang na wika na lumapit na ako sa anak ko dahil hindi ko na kaya ang init ang dala na lang ni Damian sa akin. "Punta tayo sa banyo para makapag hilamos at palit ka ng damit para maka tulog na tayo, anak." Hinawakan ko na si Raven sa kanyang pulsuhan at hindi ko na siya hinayaan na maka tapos ng kanyang sasabihin na hinila ko na lang siya paalis doon.

Binilisan ko na lang ang aking pag lalakad, na hawak ko pa rin si Raven na kahit naka alis na kaming dalawa. Ramdam ko pa rin ang pag sunod ng tingin sa amin ni Damian paalis.

Pinikit ko na lang ng mariin ang aking mga mata at pilit na lang pinapakalma ang sarili ko.

Pumunta na kami ni Raven sa banyo para asikasuhin para linisan ang kanyang katawan at pinalitan ko na rin siya ng pantulog na pajama para sa ganun, maging komportable naman siyang maka tulog.

Inayos ko na ang comforter na naka takip sa katawan ni Raven para hindi siya lamigin. Habang nag aayos, hindi ako naka ligtas sa pag sunod ng tingin sa akin ng anak ko.. Alam kong mayron siyang gustong sabihin sa akin. "Oh bakit ganiyan mo tinitignan si Inay?"

Pinili ko na lang na maupo sa gilid ng kama kong saan siya naka higa ngayon.

"Wala lang po Inay." Anito. "Sobrang saya ko lang po dahil mag kakasama po tayo ni Itay. Sabi sa akin ng kaklase ko po Inay, na madalas daw po silang nag ba-bakasyon ng kanyang pamilya na pumu-punta sila sa malalayo at magandang lugar at sinabi niya sa akin na masaya daw ho iyon.. Tama po siya, napaka saya ko po ngayon lalo't mag kakasama po tayong tatlo ni Itay." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi at alam kong, hindi na maitago ang saya niya.

"Ikaw talagang bata ka." Hinaplos ko na lang ang kanyang buhok. "Sige na matulog kana. Goodnight, my little Raven." hinalikan ko na lang siya sa kanyang noo na mapa tango naman siya kaagad.

"Okay po Inay, goodnight din po. Hihi." Siniksik pa lalo ni Raven ang sarili niya sa kumot na sa huling pag kakataon hinaplos ko ang kanyang pisngi bago ako tumayo.

Nag paalam na ako kay Raven at lumabas na ako sa kanyang silid. Buong ingat kong sinarhan ang pintuan ng kanyang kwarto at pag labas ko, katahimikan ng paligid ang sumalubong sa akin.

Mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan, na wala kanang maririnig na anumang tunog. Konti na lang ang naiwan na naka bukas na ilaw, na sapat na sa akin na mapag masdan ang paligid.

Malaki rin naman ang kinuha ni Damian na accomodations namin, na may sarili iyon na malawak na living room, kusina na pwede kang mag luto. Mayron rin na dining area, espasyo na rin na pwede kang tumambay na kong titignan mo lang naman para ka lang nasa bahay dahil kompleto na lahat ng mga kailangan mo.

Ginala ko na lang ang tingin ko sa paligid, at hindi ko na lang makita ang anino o bulto ni Damian.
Asan kaya siya?
Saan kaya siya pumunta?

Tanong ko na lang sa isipan ko.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon