Chapter 115
RAVEN'S POV
"Pag babayaran mo ang pag basag sa figurine ni Daddy!" Banta na lang nito, na kusang tumigil na lang ito sa harapan ni Raven.
Mamasa-masa ang mata ng batang umanggat ng tingin at bumunggad sakanya ang nanlilisik sa galit ng matabang lalaki.
"Maniwala ka sa akin, hindi t-talaga ako ang may gawa niyan." Matapang na sagot ni Raven sa pagitan ng kaba sa kanyang puso. Kahit takot man, inipon ni Raven ang lakas para bumangon sa pag kakaupo at mabilis na kumilos para lampasan na si Christian at iwan ito..
Bago pa man tuluyan maka alis si Raven sa silid, nagimbal na lang ang puso ng bata na may humawak na sakanyang balikat, na sobrang gigil na pahiwatig ayaw siya nitong paalisin. Namutla na lang ang batang si Raven, kahit hindi niya na tignan kong sino iyon alam niya rin sa sarili na si Christian iyon.
Iyong matabang lalaki na parating umaaway sakanya."Teka-teka! Saan ka pupunta, bu-buwit! Huh?!" Parang siga na pigil na lang ng matabang lalaki at kong anong lakas nitong, napa harap na lang si Raven sakanya. Lalo pang dumilim ang mukha ng matabang lalaki lalo't hindi niya rin papalampasin na takasan na lang ng bu-buwit ang ginawa nitong pag basag sa mahalagang gamit sa bahay nila.
Wala pang sino man nakaka lusot, na may atraso sakanya!"Gusto ko ng puntahan ang Inay ko." Sapat na ang lakas ng boses ni Raven na marinig iyon ng bata na may hawak pa rin sakanya. Maluha-luha na ang mata ni Raven, hindi na alam kong ano ang gagawin para matakasan niya lang ito.
Alam niya rin sa sarili, na hindi basta-basta siya makaka alis sa hawak ni Christian.
Tiyak aawayin at sasaktan siya nito kapag nag kataon na buong akala nito na nabasag niya ang figurine kahig hindi naman."Pupuntahan ko na ang Inay ko, bitawan mo na ako." Pakiusap na lang ni Raven at pilit na nag pupumiglas para maka bitaw na ito sakanya subalit mukhang determinado nga ang matabang lalaki na parusahan siya nito sa kanyang kamay.
Namula na ang mukha ni Raven, anumang segundo babasag ang luha na kanina niya pa pinipigilan.
"Hindi kita hahayaan na maka alis na lang basta-basta!" Tiim-baga na asik na humawak na lang ito ng mariin sa balikat ni Raven kaya't lumukot na lang ang mukha ng bata na animo'y nasasaktan sa ginagawa nito. "Hindi mo ba alam na mahalaga sa daddy ko ang binasag mo?!" Singhal na lang nito na mapa pikit na lang ng mariin si Raven, nag pupumiglas pa rin siyang makawala ngunit mas malakas ito kumpara sakanya.
"Bitawan mo na ako, kailangan ko ng umalis." Pakiusap na lang ng bata na basag na tinig. Pinag sukluban na ng langit at lupa ang mukha ng matabang bata at dumiin pa lalo ang pag kakahawak niya sa balikat ni Raven na masaktan na lang ang bata sa ginagawa nito.
"Hindi, dito ka lang!" Puno ng gigil na asik na lang nitong tinig.
"Bitawan mo na ako p-pakiusap." Wika nitong muli na takot na takot na ang batang si Raven. "Hindi talaga ako ang may gawa niyan, maniwala ka sa akin."
"Hindi ka lang pala lampa kundi sinunggaling ka pa!" Uyam na tinig na lang nito. "Dapat sa'yong bu-biwit ka turuan ng leksyon para mag tanda!" Itataas na sana ng matabang lalaki ang kanyang kamao para bigyan ng suntok sa mukha si Raven ngunit bago niya pa magawa iyon, naunahan na siya ng bata.
"Bitaw na sabi eh!" Matinis na sigaw na lang ni Raven at malakas siyang nag pumiglas kaya't napa bitaw si Christian na naka hawak sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomansaDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...