Chapter 65
LIGAYA'S POV
"Magandang araw po Tiya Corilina." Nilapitan ko ang matandang kapitbahay namin na makita ko siya sa daan. Napa hinto siya sa pag lalakad at lumingon sa akin ng marinig nito ang pag tawag ko.
"Magandang umaga rin sa'yo Ligaya, ano ang iyong sadya?" Binaba na muna nito ang hamper na laman ng kanyang mga lalabhin na kanyang hawak.
Simpleng pang bahay lamang ang suot ko na maong na short at pang taas naman ang t-shirt. Hinayaan ko na lang ang buhok kong naka lugay at hindi na ako nag karoon pa ng pag kakataon na asikasuhin ang sarili ko na mag ayos ng dahil inagahan ko talaga na gumising para lamang maka hanap ng pera.
Gumising ako ng alas sais ng umaga para lapitan ang mga kaibigan at mga kakilala ko dito sa lugar namin, nag babakasali na baka maka hiram ako sakanila subalit, wala rin naman silang pera.
Si Aling Corilina na lang ang huling taong malalapitan ko ngayon.
Pinag lalaruan ko na lang ang palad ko na tumingin kay Aling Corilina, hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang sasabihin sakanya ang pakay ko. Sa totoo lang talaga nahihiya ako, pero kailangan kong gawin ito.
Kailangan kong maka hiram ng pera.Walang-wala na kasi akong malapitan.
Wala na kasi akong ibang mapuntahan, na alam kong makaka tulong sa akin kundi si Aling Corilina lamang."Pasensiya na po Tiya, nag babakasali lang ako sa'yo na baka may extra ka po riyan na pera?" Pag lalakas loob kong tinig na lamang.
Kakapalan ko na ang mukha kong lumapit at maka utang sakanya dahil kailangan na kailangan ko talaga ng pera na ipang babayad kay Aling Ruth.
Kailangan ko maka buo ng apat na libo ngayong araw na ipang babayad sakanya.
Kailangan kong maka hanap para hindi niya na ako gipitin.Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko at sa totoo lang talaga wala naman akong pera.
Gipit rin naman kasi ako.Huling pera ko na ang kinuha ni Aling Ruth kagabi at wala na akong iba no'n.
Sa susunod pang linggo makukuha ko ang sahod ko sa pinag tra-trabahuhan ko sa Coffee Shop na pina pasukan ko, na sa totoo lamang hindi pa sapat ang sasahurin ko roon sa ibang mga gastusin at ibang bayaran namin.
"Pasensiya na po talaga Tiya, kailangan na kailangan ko po kasi ng pera. Gipit rin naman kasi ako.
"Kailangan na kailangan ko kasi eh."Tumitig lamang ang matanda sa akin at naka suot ito ng duster lamang na pang bahay. "Pasensiya kana Ligaya kong mayron lang ako pinahiram na kita, pero naka bayad na ako ng mga pag kakagastusan ko no'ng naka raang araw kaya't wala na ako akong extrang pera rito ngayon." Ang salita nito ang kina-bagsak na lang ng balikat ko.
Pakiramdam ko, nanghina ako bigla lalo't iyong huling tao na nalapitan ko wala rin.
Nanlumo na lang ako sa aking narinig, na kahit ako mismo hindi ko na alam kong saan kukuha ng pera na ipang babayad kay Aling Ruth mamaya.
"Meron naman akong pera rito Ligaya ngunit nakalaan na ang budget na ito, na sapat lang ngayon na gastusin namin." Mababa nitong tinig at nabahiran na lang ng lungkot ang mata ko ng sandaling iyon na tumitig sakanya.
"Ganun po ba?" Iyan na lang ang naisagot ko dahil kahit ako mismo, nang hihinayang.
Humawak na lamang si Aling Corilina sa balikat ko at bahid ng lungkot ang mata ng matanda na kahit na rin siya nalulungkot na wala siyang maipahiram sa akin. "Pasensiya na talaga Ligaya, wala akong mapautang sa'yo. Gipit rin naman kasi ako. Matumal ang benta ng tindahan namin ngayon kaya't sapat lamang ang na bebenta namin sa araw-araw." Anito na lamang na tumitig ako sakanyang mata at kay pait na ngumiti sakanya.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomansaDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...