Chapter 55

72 1 0
                                    

Chapter 55

DAKILA'S POV

Isa-isa kong binalingan ng tingin ang limang lalaki sa harapan ko at hindi na maganda ang paraan ng tingin nila sa akin. Pangisi-ngisi lamang sila sa harapan ko at hawak nila ang iba't-ibang armas sa kanilang mga kamay.

Pasimple kong pinag aralan at kinikilatis ang kanilang tindig at ayos, at gumuhit sa kanilang mata ang determinasyon na patayin nila ako.

Mariin ko na lang pina galaw ang aking leeg at kasunod no'n ang nakaka kilabot kong pag papatunog doon, wala man lang na takot na yumakap sa aking pag katao na isa-isa silang binalingan ng tingin.

"Isa, dalawa." Umayos ako ng tindig na nag simula na mag bilang na mapako naman ang mata ko sa lalaking malaking katawan at balbas sarado, at may hawak itong patalim na kutsilyo. Lumipat naman ang tingin ko sa katabi nito na naka suot na kulay itim na kasuotan, na medyo payat subalit matangkad at hawak naman ang kahoy na armas. "Tatlo, apat, lima." Mapag larong pag bibilang ko naman na napa baling sa katabi nitong lalaki na brusko ang pangangatawan na naka suot ng sandong puti at hawak rin ang patalim. Katabi naman nito ang lalaking maraming tattoo sa katawan na walang armas na hawak at pang huli sa lahat ang lalaking, na naka suot grey na kasuotan at hawak naman na patalim.

Napaka dilim at sama ng paraan ng tingin nila sa akin, na nag sisiklab lamang ang matinding apoy at kagustuhan na patayin nila ako.

Pomosisyon na sila ng ayos lahat sa harapan ko na handa na silang sumabak sa malaking gyera na hindi nag babago ang galit sa kanilang mga mata.

Umayos lang ako ng tindig, maanggas at pangisi-ngisi lamang na hindi man lang nasisindak sa kanilang presinsiya subalit nasisiyahan lamang.

"Sige na, sugod!" Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi at lalong tumalim ang kanilang mga mata. Humigpit na ang pag kakahawak sa kanilang mga armas at pomosisyon na sila sa kanilang mga sarili.

Tinukod nila ang kanilang paa sa lupa, mabilis at maliksi ang paraan na pag atake nila pasugod sa gawi ko.

"Ah!" Sigaw na lamang ng balbas sarado na lalaki at inamba niyang itatarak ang hawak niyang patalim na kaagad naman akong naka iwas.

Inatras ko ang paa ko ng dalawang hakbang palayo at hindi ko inaasahan na maliksi na sumugod ang kanyang kasamahan na naka suot ng sandong puti at itatarak niya ang patalim na hawak na, kaagad kong nahawakan ang kamay nitong may hawak na armas. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay nito, gamit lamang ng kanang kamao sinuntok ko nang malakas sa mukha nito na mapa-ungol na lamang ito sa sakit kasabay na lang ang pag bitaw ko ng kanyang kamay.

Maliksi naman na sumugod muli sa gawi ko ang balbas sarado na lalaki, at tumalim pa lalo ang mata nitong puno ng galit na naging determinado lamang na patayin ako.

Ambang niyang itatarak sa mukha ko ang hawak na patalim, na kaagad naman akong naka iwas muli. Naging alerto na lang ang aking kilos na nahawakan ko ang kamay nitong may hawak na patalim at gamit ang isa kong kamay siniko ko na lang nang ubod ng kay lakas ang likod ng ulo nito at humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko sa kanyang kamay.

Pinilipit ko na lang nang kay lakas ang kamay nito na kasunod na lang ang malakas na pag ungol nito sa sakit. Hindi pa ako nakuntento at walang kahirap-hirap lamang na naianggat ang katawan nito sa ire at binalibag ko ang kanyang katawan na sanhi na umikot ng dalawang beses ang katawan nito bago tuluyang bumagsak ang likod nito sa patag na lupa.

"Ugh." Ungol na lang ng balbas sarado lalaki na ngayo'y namimilipit na sa sakit na hawak ang parteng likod nito, na iyon ang unang bumagsak ng kay sama sa lupa na walang lakas para bumangon pa.

Umaapoy ang aking mata at nakaka takot at naging alerto naman ang pakiramdam ko, na maramdaman ang kasamahan nitong pasugod sa gawi ko.

"Mamatay kana!" Sigaw na lamang ng isang kasamahan nito na naka grey na suot na kasuotan at galit na galit ang mata nito. Ambang itatarak sa dibdib ko ang hawak na patalim, na maliksi ang kamay kong kumilos na hinawakan rin ang kamay niyang may hawak na armas. "Tangina mo!" Lalong sumiklab ang mata nito sa galit na gamit ang kanyang buong pwersa at lakas na pilit na nilalapat ang patalim sa dibdib ko, na ilang pulgada na lang ang lapit.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon