Chapter 111
LIGAYA'S POV
Lulan na kami sakay ng sasakyan pauwi na sa Mansyon dapit alas nuwebe pa lang ng umaga at heto pabalik na rin kami sa wakas.
Pinag halong antok at pagod na ang naramdaman ko ng sandaling iyon dahil maaga kaming umalis sa resort na tinuluyan namin ni Damian ng ilang araw. Hinabol rin namin ang maagang flight ng eroplano kaya't inaantok pa talaga ko subalit nilalabanan ko na lang.
Pinipilit ko ang sarili ko na hindi muna matulog sa oras ng byahe dahil balak kong ipag pahingga ko na lang ang sarili ko kapag naka rating na ako sa Mansyon para sa ganun, tuloy-tuloy na lang ang pag papahingga ko.Mula sa backseat ng sasakyan, mag katabi lang naman kami naupo na ni Damian at hawak niya na ang tablet, seryoso na siyang tutok doon na pag balik kaagad namin heto trabaho na kaagad siya.
Hinaplos ko na ang buhok ng anak ko na ngayo'y naka patong na ang ulo niya sa hita ko, na ginawa niyang unan iyon. Naka higa siya sa upuan at mahimbing na natutulog, siguro napagod ito nang husto sa mahabang byahe namin kanina.Nabalot na lang ng katahimikan sa loob ng sasakyan na walang nag sasalita at nag iimikan man, kulang na lang mapanis na ang laway ko lalo't si Damian hindi rin nag sasalita sa tabi ko.
Napako na lang ang mata ko sa bintana, pinapanuod ko na lang ang magagandang tanawin at mga nag tataasang establishmento na madaanan namin, para sa ganun ilibang rin ang sarili ko kahit papaano. Malayo-layo pa nga kami na aabot ng mahigit bente minutos pa bago kami maka rating sa Mansyon.
Ang tahimik na pag muni-muni ko na lang ang mag paagaw na lang ng atensyon na marinig ko na lang na mag salita si Damian na malagong ang kanyang boses. Napa baling ang tingin ko sakanya na ngayo'y may kausap na siya sa cellphone at nag uusap sila sa paraan na english na wika, na alam kong seryoso nga talaga ang pinag uusapan ng dalawa.
Tahimik lamang akong nakikinig at nakikiramdam sakanya sa isang tabi na mahigit mag iisang minuto rin sila nag uusap na dalawa. "Sige, papunta na ako diyan." Tugon na lang ni Damian at pinatay niya na ang tawag at sinilid ang cellphone sa bulsa. "Ihinto mo Rafael ang sasakyan." Utos na lang ni Damian na kaagad naman kina-hinto ni Rafael ang sasakyan sa isang tabi.
"Bakit mahal?" Tanong ko na lang na mapansin ko na lang si Damian na kumilos na animo'y aalis siya.
"Mauna na kayong umuwi ni Raven at si Rafael na ang mag hahatid sainyo, may mahalaga lang akong aasikasuhin."
Bigla na lang kina bagsak ng balikat ko ang sinabi niya, nalulungkot rin na kailangan niya ng umalis. Buong akala ko kasi makaka sam pa namin siya sa Mansyon pero mukhang malabo na ito ngayon dahil kailangan niyang maunang umalis.
"Sige mahal." Lumapit na lang si Damian at hinalikan niya na lang ako ng mabilis sa labi at hinawakan niya ang ulo ni Raven na mahimbing pa rin matutulog.
"I'll call you later." Isang tango na lang ang sinagot ko at binuksan na ni Damian ang pintuan katabi niya na lang at lumabas na siya ng sasakyan. Doon ko na lang napansin na may itim ng kotse ang naka parada sa isang tabi na mukhang nag hihintay na sakanya, binuksan na ni Damian ang pintuan ng kotse at sumakay na siya roon.
Ilang sandali lamang at umandar na ang kotse na sinasakyan ni Damian hanggang kusa na lang iyon nawala sa paningin ko na hindi na lang maalis ang labis na pag kalungkot lamang ang gumuhit sa aking mukha.
Naramdaman ko na lang ang pag andar na sinasakyan namin at matapos ng ilang minuto at heto't naka rating na nga rin kami sa Mansyon. Pag dating namin sinalubong kaagad kami ni Manang Corazon at ilang mga katulong na kay tamis ng ngiti sa kanilang mga labi.
Kumilos na rin ang mga ibang tauhan ni Damian, nilalabas na sa kotse ang ilang mga gamit namin sa sasakyan, na kaagad naman iyon kinuha ng mga katulong para idala nila iyon sa aming silid.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...