Chapter 50

81 3 3
                                    

Chapter 50

LIGAYA'S POV

"Binibining Dolores." Iyan na lang ang aking nasambit na pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi.

Siya?

Anong ginagawa niya dito?

Tanong ko na lang sa aking isipan, na kahit na rin ako nag taka nang husto na siya ang bubungad sa akin ngayon.

Nakaka panibago na siya mismo ang pupunta sa balay namin.

Lihim ko na lang na inobserbahan si Dolores na ngayo'y naka tayo sa harapan ko at simpleng kasuotan ang suot nito subalit makikita mo talaga ang kagandahan ng kalidad ng tela na mukhang mamahalin. Maayos at bagsak na bagsak ang maitim at mahaba nitong buhok na napaka ganda naman kong titignan. Napako naman ang pag obserba ko sa mukha ni Dolores na nag ayos naman ito ng konti sa sarili subalit, lumilitaw talaga ang natural na kagandahan nito.

Natigil na lang ako sa pag obserba na napako naman ang mata ko sa likuran ni Dolores at naa likuran nito si Bughaw na masungit ang mustra ng mukha na pinapakita.

"Ano, titignan mo na lang ba ako diyan Ligaya?" Nabalik na lang ako sa realidad na mag salita na lang si Dolores.

"Huh?" wika ko na lang na sa isang iglap naging mataray ang mustra ng mukha at ako'y napa labi na lang na tumaas ang isa nitong kilay at hindi na maganda ang mukha nito.

"Hindi mo ba ako papasukin man lang?"

"Ah, eh. Ipag paumanhin mo po Binibini." Napaka kurap na lang ako ng mata at taranta na niluwagan na lang ang pag kakabukas ng pintuan bilang pahintulot na maari na silang pumasok. "Pasok ho, kayo." Magalang ko na lang na tinig, na tumabi na lang ako.

Wala akong nakuhang anumang sagot kay Dolores, masungit pa rin ang mukhang hinakbang ang paa papasok sa balay namin. Naka sunod naman sa likuran nito ang katiwala na si Bughaw at sumunod naman ako sakanila para asikasuhin.

Tumigil na lang si Dolores sa pag lalakad na mapa dako sa maliit naming munting sala. Maayos ang prostura niyang naka tayo at hindi ko mapigilan na kabahan lalo't ang isang maharlika at anak ng isang Datu, bigla-bigla na lang bibisita sa balay naming walang abiso.

Medyo kabado rin ako dahil hindi ko alam ang rason at sadya kong bakit bigla na lang siya napa dalaw.
Sa totoo talaga, hindi naman talaga kami malapit sa isa't-isa ni Dolores kaya't wala naman na rason na bisitahin niya ako dito.

Ginala ni Dolores ang tingin sa paligid, palihim nitong inoobserbahan at pinag aaralan ang balay namin sa paraan na pag masid niya doon sa kasulok-sulokan. Sinundan ko na lang ang mata ni Dolores, walang kibo lamang siya at hindi ko mapagilan na mahiya dahil maliit at hindi naman kagandahan ang balay namin.

Medyo makalat at hindi rin kagandahan ang mga gamit namin sa loob.

Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, tensyonado na lang na wala pa ring salita akong nakuha kay Dolores na ang mata niya hindi naalis sa pag masid lamang sa buong balay namin.

"Ipag paumanhin niyo, Binibini kong medyo makalat at hindi ako nakapag ligpit pa. Hindi kasi kami nag kakaroon ng bisita lagi eh." mahinang wika ko na lang na tinig.

"Ayos lang sa akin." Matabang nitong tinig na naka pako pa rin ang tingin doon.

"Maupo muna kayo." Paanyaya ko naman na tinuro ang mahabang upuan namin na gawa sa kahoy na mapa hinto naman si Dolores sa pag mamasid lamang. Kina-baling niya ng tingin ang upuan kong saan ko tinuro at napa-anggat na lang ito ng labi na para bang nadidiri at hindi nito gusto na maupo doon. "Hmm, gusto niyo ba ng makakain at maiinom? Sandali lang at ipag kukuha ko kay——" Akmang kikilos na ako paalis subalit ang salita niya ang mag pahinto na lang sa akin.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon