Chapter 19

90 1 0
                                    

Chapter 19

LIGAYA'S POV

Namilog na lamang ang aking mata sa pag kagulat na ngayo'y mag kalapat ang aming mga labi ni Dakila.

Gumalaw ang kanyang labi, at lumalim pa lalo ang aming pag hahalikan na wala akong naramdaman na anumang marahas at pag pupumilit ang kanyang mga halik kundi puno ng pag-iingat.
Pag iingat na mag pagaan pa sa aking damdamin.

Ang kanyang mga labi naman sobrang lambot.

Sobrang tamis iyon, na tila ba'y ayaw ko na lamang na tigilan ang sandaling ito.

Dinikit pa ni Dakila ang sarili niya sa akin kaya't umaapaw na lamang ang matinding naninibugsong init sa aking katawan, at damdamin lalo't hindi ko alam na ganito pala kasarap ito.

Ano bang nangyayari sa akin?
Ganito ba talaga ito?

Bakit sa simpleng halik niya, tila ako'y nag kakaganito na?

Gustong-gusto kong damhin pa ang mainit na katawan ni Dakila, na kumikiskis sa katawan ko at mga halik na kaya akong palasingin sa sarap. Pulang-pula na ang mag kabila kong pisngi at aaminin ko naman naapektuhan na ako sa simpleng halik lamang ni Dakila.

Dumiin na lamang ang pag hawak ko sa malapad na dibdib ni Dakila, sa ganun na paraan naririnig ko ang tibok ng kanyang puso na tumitibok na mag pabigay musika.

Tumagal lamang ng mahigit kinse segundo ang pag lapat ng aming dalawa, at nag pakawala na lamang akong mahinang ungol na bahagyang kinagat-kagat ni Dakila ang ibabang labi ko.

"Hmm," unti-unting nilayo ni Dakila ang sarili niya sa akin kaya't naputol ang aming pag hahalikan na dalawa. Tinukod niya ang mag kabilang kamay sa papag para gawing, suporta na hindi ako masyado madaganan at sa paraan na iyon nakita ko ang katikasan at kagandahang lalaki ni Dakila sa paraan lamang ng ilaw na nanggagaling sa sa ilaw sa gasira.

Malamlam akong tinignan ni Dakila, hindi ko gaanong nababasa kong ano ang tumatakbo sa kanyang isipan na nanatili lamang akong naka titig sakanya. Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko, o igalaw ang sarili ko dahil hindi pa rin humuhupa ang malakas na kalabog ng aking dibdib at mainit na sandali na aming pinag saluhan na dalawa.

"D-Dakil——" bago ko pa matapos ang sasabihin ko na kusang umiwas na lamang si Dakila ng titig sa akin na tila ba siya'y napapaso. Nawala na ang kakaibang kislap at lagkit sa kanyang mata kong paano niya ako tignan kanina pero ngayon napalitan iyon ng lamig at pag iiwas.

"I-Ipag paumanhin mo, hindi ko sinasadya ang aking ginawa." Wika na lamang nito na hindi na magawang tumitig sa akin ng diretso na tila ba'y nahihiya sa kanyang ginawa.

"P-Per—" bago pa ako makasagot pa, na umalis na si Dakila sa ibabaw ko at kumilos na itong lumayo na sa akin.

Nanatili lamang ako sa aking kinahihigaan, hindi na maka galaw dahil lamang sa kaba sa aking puso na hindi pa rin humuhupa.
Puso kalma lang.

Ang asawa mo lang iyan.

Bakit ganito na naman ang kalakas ng pintig ng aking puso?

DAKILA'S POV

Mabigat na lamang ang paraan ng aking pag hingga na kumilos na lamang na umalis sa ibabaw ni Ligaya.
Mabilis na siyang tumalikod sa aking asawa, at mariin na lamang napa-lunok ng laway kaya't gumalaw na lamang ang kanyang addams apple. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na lingunin ito muli, at baka maakit at madala na naman siya ng init ng kanyang damdamin.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon