Chapter 58
DAKILA'S POV
Nagising na lang siya sa dumapong liwanag sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at bahagyang uminggos sa pag kakahiga, at doon niya nakita na napaka taas na ng sinag ng araw.
Napaka sarap at sariwang hangin ang pumapasok sa silid, na tinatanggay pa ang kurtina sa bawat pag ihip no'n.
Umupo na lang siya sa papag at doon niya napag tanto na mag isa lang siya sa silid.
Wala na siyang pinalampas pang pag kakataon, bumangon at nag lakad na palabas ng kwarto.
"Mahal." Tawag niya na lamang na hinawi niya ang kurtina na nag mimistulang pintuan ng kanilang silid, bumunggad na lang sakanya ang napaka tahimik na kanilang balay.
At wala siyang makitang anumang bakas ng kanyang asawa niya sa loob.
Asan kaya siya?Naging seryoso na lang ang kanyang mukha at pinag patuloy niya ang kanyang pag lalakad hanggang dinala ang kanyang paa papunta sa kanilang maliit na hapag-kainan at doon niya napansin ang naka handa na pag kain sa ibabaw ng lamesa.
Inalis niya ang naka takip sa pag kain at nakita niya na lang ang masarap na almusal na ginawa nito. Hindi niya mapigilan na mapa ngiti na lang na makita ang masarap at mabangong aroma nito.
Dalawang masasarap na putahe ang niluto ng kanyang asawa at pansin niya rin na naka handa ang dalawang pinggan at mga kubyertos para lamang sakanilang dalawa."Mahal?" Tawag niya ulit sa asawa para sa ganun sabay na silang makapag salo ng almusal na dalawa subalit katahimikan ng balay ang sumagot sakanya. Kumunot na lang ang kanyang noo at hinakbang niya ang paa niya muli para hanapin na ito para sabay na silang dalawa makapag salo ng agahan. "Mahal." Ginala niya ang paningin niya sa kaliwa't-kanan subalit wala siyang makitang anumang bakas nito.
Hindi pa man siya nakaka tatlong hakbang na mariin na lang siyang napa pikit ng mata na maka ramdam na lang siya ng matinding pag kahilo at pananakit ng kanyang ulo. Huminto muna siya saglit sa pag lalakad at hinawakan niya ng mariin ang ulo niya, na sa halip mawala ang pananakit lalo lamang iyon kumikirot.
"Ahh." Mahinang ungol niya na lang na humigpit na ang pag kakahawak niya sa ulo baka sakali na maka tulong iyon na mawala ang kirot at sakit subalit parang lalo lamang itong lumalala.
Bumigat na ang kanyang pag hingga at mariin niyang pinikit ang mga mata niya na tinitiis na lang ang pananakit no'n.
Tangina.
Huwag ngayon.
Pakiusap.
Huwag ngayon."Ahh." Matinis na ungol niya na lang sa sakit na mas lalong tumitindi ang kirot at pananakit ng ulo niya na mas matindi pa ito sa mga naunang sinusumpong siya. "Ahh, a-ang sakit." Mahinang ungol niya na lang na hindi na maipinta ang kanyang mukha sa kirot na animo'y hinuhukay na ang kanyang ulo sa matinding pag kirot no'n na animo'y mabibiyak na ang kanyang ulo sa sakit.
Namanhid na ang kanyang buong katawan at kasabay no'n ang pamumula ng kanyang mukha na hindi niya na matiis ang kirot na mas matindi ito sa mga nauna. "T-Tama na. Tama na!" Sigaw niya na lamang na para bang pinapakiusapan na tumigil na ito.
Huwag ng sumakit ang kanyang ulo.Minulat niya ang isa niyang mata at ang isa naman naka pikit na at mariin siyang napa lunok ng laway. Hirap na hirap niyang hinakbang ang kanyang paa palabas ng kanilang balay na sa tuwing hinakbang niya ang paa niya hindi pa rin mawala-wala ang sakit no'n na pinapahirapan siya nang husto.
Tumagis na lang ang kanyang panga at napa ungol na lamang siya ng malakas na kasabay ang matinding pag kirot na lang ulo niya na pinipiga iyon sa sakit.
"Ahh! Tangina!" Umalingawngaw na lamang ang malakas niyang sigaw sa loob ng kanilang balay. Naka hawak siya ng mariin sa kanyang ulo at lumitid na lang ang ugat niya sa leeg sa natinding sakit lamang na pulang-pula na ang kanyang mukha. "Ahh! Tama na! Ang sakit na!" Nakaka hindik ang kanyang malakas na pag sigaw hanggang tuluyan nang nanlambot ang kanyang tuhod at nawalan siya ng balanse kaya't napa luhod na lang siya sa malamig na sahig.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomansaDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...