Chapter 90
LIGAYA'S POV
"Gusto po kayong maka usap ni Sir Damian at hinihintay niya na po kayo sa ibaba." Ang salita na lang ng katulong ang mag palakas pa lalo ng kalabog ng aking puso, hindi ko mawari kong bakit kinabahan at natakot ako bigla na hinanap ako ni Damian.
Bakit daw?
Bakit niya ako gustong maka usap?
May nagawa ba akong pag kakamali?"Ganun ba?" Kabado kong turan. "Sige susunod na ako." Nag vow lang siya sa akin at kumilos na itong nag lakad palabas ng silid na unti-unti nang nag laho ang yabag ng kanyang mga paa na hudyat naka labas na nga ito.
Napa sapo na lang ako ng mukha ko, iniipon ang lakas ng loob lamang. Ilang segundo pa akong nanatili sa silid bago ko napag pasyahan na lumabas at bumaba na para puntahan na si Damian.
Habang nag lalakad na ako sa malawak na hallway, palakas nang palakas lang ang kalabog ng puso ko, namumuhay ang matinding takot subalit nilalabanan ko na lang.
Walang katao-tao akong nakita sa malawak na hallway, na mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan. Habang nag lalakad, palinga-linga ako sa kaliwa't-kanan ko para libangin ang sarili ko kahit papaano.
Nang matapat na ako sa silid ni Raven, hahawakan ko na sana ang seradura para silipin ang anak ko subalit napa tigil na lang ako na marinig ang munting yabag ng paa na tumigil sa likuran ko."Mam." Napa lingon naman ako na makita ko na lang si Manang Corazon, hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya. "Pina pasundan ka sa akin ni Sir Damian para kumain ng hapunan, naroon na po sila lahat sa hapag kainan." Binawi ko na lang ang kamay kong hahawak na lang sa seradura.
"Nandon na po si Lira pati ang anak ko?"
"Opo Mam." Pinakita niya na ang matamis na ngiti sa labi. "Halika po, sunod po kayo." Nauna na si Manang mag lakad kaya't tahimik na lang akong naka sunod sa kanyang likuran.
Matapos ng ilang minuto na binabaybay ang hallway, bumaba na kami sa malaking hagyan para maka punta sa unang palapag. Habang nag lalakad kami, may nakaka salubong naman kaming mga katulong na abala sa kanilang ginagawa, na kusa silang napa hinto sa ginagawa para lang ngumiti at bumati sa akin na kina-sukli ko naman ng matamis na ngiti pabalik.
Hindi talaga biro na malawak talaga ang Mansyon ni Damian na kahit nilibot na kami ni Manang Cora kanina, masasabi ko talaga na naka limutan ko kaagad dahil na lang sa rami ng pasikot-sikot at maraming mga pintuan na panigurado mawawala ako dito kong nag kataon.
Paano kaya nila nama-maintain na malinisan ang ganitong kalawak na Mansyon?
Tanong naman ng utak ko.
Kahit siguro na mag linis ako mag-isa sa Mansyon na ito, hindi ko matatapos na isang buong araw lang dahil sa napaka laki at hindi biro na mawalak nga talaga ito.Hindi na ako mag tataka kong bakit napaka raming mga katulong at taga silbi rito.
Napa tigil na lang ako sa pag mumuni nang tumigil na lang si Manang Corazon sa napaka laking pintuan sa harapan namin. May naka abang na doon na dalawang katulong, na naka posisyon silang naka tayo doon.
Nang makita niya kaming palapit na, sabay pa ang dalawa na kumilos para pag buksan na kami na pahintulot na maari na kaming pumasok.Lalo pa akong namangha sa ganda at mamahalin na dining area na combination of gold, white and grey ang painting at kahit na rin ang mga gamit na naroon. Mula sa gitna ang glass black table na kayang mag okupado ng 12 seaters ng mga bisita na sabay-sabay kumain kapag may okasyon at sa gitna na nasa itaas ng table ang crystal lamp chandelier na mag paagaw ng atensyon ko sa napaka gandang ilaw ng silid na iyon.
Sa bandang dulo naman naroon ang malaking glass window na may puting kurtina, na malaya mong mapag mamasdan ang napaka gandang ambiance mula sa labas at nag kikislapan rin na mga bituin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...